Chapter 14

5.3K 109 0
                                    

DON'T FLIRT 

I don't know. Pero bakit nga ba ako naiinis? Bakit ako nagagalit sa isang bagay na wala naman talaga ako'ng karapatan? She's not even mine. And I know she will never be mine. Hanggang sa ganito ang sitwasyon ko, ang sitwasyon namin at ang nararamdaman ko, hinding-hindi siya kailanman magiging akin. 

Mabilis ko siyang tinalikuran kahit na sa loob-loob ko ay ayaw ko siyang iwan kasama ang Jake na 'yun. Pumunta ba siya doon para makipag-kita sa taong 'yun? Para saan? Ano ang dahilan? 

Nahilamos ko ng aking palad ang aking mukha dahil sa mga tanong na tumatakbo sa isipan ko. I just can't take it. 

Ilang sandali pa ay narinig ko ang halos humahangos na tawag sa akin ni Lisette. 

"Clay!" 

"Uy, Clay." Sa halip na lingunin ko siya ay pinili ko na lang na maglakad palayo sa kanya. Even when she calls my name, damn! 

Huminto ako nang paakyat na ako sa hagdanan. Napaatras pa siya ng isang hakbang dahil sa ginawa ko. Hindi maipinta ang mukha niya. Sa tingin ko ay namumula ang kanyang pisngi at anu mang oras ay may mabubuong tubig sa gilid ng mga mata niya. 

What the heck? 

"May sasabihin ka?" Hindi ko na naitago pa ang tabang sa pananalita ko. 

Pinaglapat niya nang mariin ang kanyang mga labi. Ilang segundo din siyang ganoon na tila nag-hahanap ng tamang salita. 

"You know what? Keep it to yourself." I have no patience right now, miss. Mabilis ko siyang tinalikuran at nagpatuloy sa pag-hakbang. 

"Clay! Mali yang iniisip mo." Dinig ko pang sabi niya. But that was too late. Nakapasok na ako sa aming silid. Habang siya naman ay tila ngayon lang nakita na may guro na sa unahan. 

Narinig ko pa ang pag-hingi niya nang paumanhin sa aming guro. Samantalang ako ay presko lang na nakaupo sa upuan ko. 

"Dude, saan kayo galing?" Bulong sa akin ni Kevin. 

"None of your business." Tugon ko. 

Iniisip ko pa din hanggang ngayon ang mga sinabi niya sa akin. Mali ang iniisip ko? Ano ba ang iisipin ko sa kanilang dalawa? Patay na patay si Eurie kay Jake kaya wala ako'ng maisip na kahit ano tungkol sa kanilang dalawa. 

O baka ang tamang sabihin niya ay mali ang nararamdaman ko. Yeah, that's it. Mali na mag-selos ako nang ganito. Kahit baliktarin ko man ang mundo, mali ito. Pero ano nga ba ang magagawa ko? Ito na 'yun. Ito na 'yung nararamdaman ko. 

Wala akong gana na makinig sa mga lectures. Salamat na lang at mabilis na lumipas ang mga oras. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko. Pinagmasdan ko lang si Lisette habang pinapakita niya kay Eurie ang paper bag na dala niya. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon