Chapter 9

6.2K 129 4
                                    

LOST

Habang patuloy ako sa pag-kaskas sa gitara ko, patuloy din si Lisette sa pag-pasada nang tingin sa kabuuan ng music room. First time ba niyang makapasok sa silid na ito? Base sa kilos niya, sa tingin ko ay ito ang unang pagkakataon. 

Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Kung paano niya tingnan ang bawat sulok at ang bawat kagamitan, para siyang isang bata. Hanggang sa may itinuro siya kay Eurie na nagpa-kunot ng noo ko. Sinundan ko nang tingin ang direksyon na iyon. Doon ko napagtanto na laman nang usapan nila ang litratong si George mismo ang kumuha. 

Ibinalik ko ang tingin ko kay Lisette. Nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Napansin ko din ang pagkikibit-balikat ni Eurie sa kaibigan. 

Ilang sandali pa ay dumako naman ang tingin niya sa akin. I know because I'm staring at her for so long. Bahagya siyang ngumiti sa akin. Tsaka ko lang napansin na ngumingiti na din ako pabalik sa kanya. 

I called for a five-minute break. This time, gusto ko na lang na umupo sa tabi niya. Tinanggal ko ang nakasabit na gitara sa balikat ko. Umupo na rin isa-isa sila Kevin, Mikel at George sa malaking sofa. Walang paliguy-ligoy akong tumabi kay Lisette. 

Hindi niya magawang tumingin sa akin kahit katabi na niya ako. What's wrong with her? Masyado ba siyang kinakabahan sa mga kilos ko? 

Dahan-dahan akong nilingon ni Lisette. Nabasa ko ang kaba na rumehistro sa kanyang mga mata. Those eyes! I could see her soul through her eyes. 

"You wanna go home?" Marahan na tanong ko sa kanya. I used to be a cold and distant person, even before I met Halo and Pat. Pero pagdating kay Lisette? I will never be my usual self. 

Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya. Sa halip ay umiling lang siya. It's even harder for her to speak up. 

"Okay. After this one, I will take you home." 

Nag-angat ako nang tingin sa gawi ng mga kaibigan ko. Nahuli ko na ngumiti si Kevin. His lips formed an asshole smile. 

"What is it?" Narinig ko ang matigas na tanong na iyon ni Lisette. Kusa ako'ng napatingin sa kanya at nakita ko na nakapako ang mga mata niya kay George. 

Bumaling ako sa direksyon ni George na umiiling habang palipat-lipat nang tingin sa aming dalawa ni Lisette. Agad siyang nagkibit-balikat pagkatapos ay tumayo na para bumalik sa praktis. 

I know what he's up to. I can't blame him for acting that way. 

"Saglit lang 'to. Stay here." Binalingan ko si Lisette para sabihin iyon. Hindi ko na nagawa pang tingnan kung ano ang reaksyon niya. Gusto ko na lang na matapos ang araw na ito. 

Natapos ang practice. Nagsimula nang pumili nang mga papanoorin na movie sila Mikel. Dumako ang tingin ko kay Eurie na palabas na nang music room. Ngumiti pa siya kay Lisette dahilan para pumunta ako nang mabilis sa pwesto niya. 

Hindi ko mapigilan ang pagsasalubong nang kilay ko nang makita ko na akto siyang susunod kay Eurie. Mabilis kong hinawakan ang braso niya. Nagulat pa siya nang nakita niya ako sa tabi niya. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon