Chapter 47

6.6K 143 4
                                    

SPECIAL ONE


Mag-hapon lang akong nasa bahay. Habang nag-iisip ng susuotin ko ay tumawag sa akin si Mommy para kamustahin ako. As usual, busy na naman si Dad dahil may mga kliyente siya na kailangang asikasuhin. But good thing comes at hand. They will be coming home next month.


"Are you sure, Mom?" Masigla ko pang tanong kahit na sigurado naman talaga ang pag-uwi nila sa susunod na buwan.


Tumawa si Mommy sa kabilang linya. "We are very sure, honey. Don't you miss us?"


Natikom ko ang aking bibig. Nilapag ko sa aking kama ang dress na susuotin ko mamaya para sa munting salu-salo sa bahay nila Clay. Palihim pa akong bumuntong-hininga.


"Of course, I miss you, Mom! Please come back home." Naisa-tinig ko.


"It's not for long, honey... Siya nga pala. Nasabi sa akin ni Kaith na puro bakasyon ang pinagkaka-abalahan mo dyan."


"Nagkataon lang po, My." Sabi ko sa natatawang boses.


They are not very strict when it comes to having fun with my friends. Ganon ang gawain ko minsan noong nasa Pennsylvania pa ako. Sa tuwing matatapos kasi ang exams ay nagkakaroon kami ng oras para huminga at mag-relax. Kahit pa simpleng sleep over lang 'yun o di kaya ay pagpunta sa beach at magbabad sa ilalim ng arawan.


"It's fine, honey. As long as you take care of yourself, walang problema." Mahinahong tugon niya sa akin.


"Thanks, Mom. See you anytime soon."


Ngumiti ako habang pinapatay ang tawag. Huminga ako nang malalim at saka kusang bumalik ang kaba na kanina lang ay humiwalay sa akin. Unti-unti silang lumalakas na tila ba sasabog ang puso ko dahil sa dami nila.


Ganito ba ang pakiramdam kapag malapit ka nang ipakilala sa mga magulang at kamag-anak ng taong mahal mo? Dammit! Boyfriend ko na nga pala si Clay! Isa sa mga pangarap ko ay natupad na. Finally!


Nakapamaywang kong tiningnan ang mint green halter dress na susuotin ko sa okasyon na sinasabi ni Clay. Hindi ito ganon ka-sosyal ngunit tama lang para sa mga dinner party. Halos isa't kalahating oras na lang bago ang nakatakdang oras ng pag-sundo sa akin ni Clay.


Agad kong kinuha ang bathrobe ko saka tumuloy sa banyo para maligo. Nang natapos ako ay dahan-dahan akong umupo sa dresser ko para magsimulang mag-ayos. Inuna ko ang pag-aayos ng buhok ko. Gumamit ako ng blower para patuyuin ito.


Ilang minuto din akong nag-isip kung anong gagawin ko sa buhok ko. Halter dress ang isusuot ko kaya naman hindi ko mapag-desisyunan kung ilulugay ko ba ang buhok ko o kaya ay itatali.


Hindi pa ako nakakapag-isip nang matino ay narinig ko ang mahinang katok sa aking pintuan. Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko. Mabilis kong tiningnan ang oras sa pag-aakalang naubos ang panahon ko sa pag-iisip ng gagawin sa aking buhok.


Lumuwag ang dibdib ko nang mapagtanto na wala pang alas-sais. Tumayo ako at tumungo sa pinto. Pinihit ko ang doorknob at tumambad sa akin ang masayang mukha ni Kaith Lyn. Kunot noo ko siyang tiningnan ngunit sa huli ay ngumiti din ako pabalik.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon