Chapter 36

5.7K 111 8
                                    


WHERE TO STAND


Malamig na hangin ang yumakap sa akin nang makarating ako sa mesa namin. Habang naglalakad ako kanina ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti dahil sa sobrang galak. Sa paligid ay maraming tao na ang nagkakasayahan. Sa pathway patungong cabanas ay may mahahabang mesa kung saan nandoon ang ibang turista na naka-check in sa West Pen. Kanya-kanya silang dala ng mga basong may laman na iba't ibang klase ng inumin. Halos karamihan sa kanila ay naka-pang swimming attire pa at ang iba naman ay mukhang kakaahon lang sa swimming pool na nasa mismong loob ng villa.


 "Let's get drunk!" Umalingawngaw ang boses na iyon ni Eurie. Nagtaas pa siya ng baso niya na may laman na kung anong inumin.


Natawa ako nang nasiritan ako ng sparkling wine dahil sa pagtanggal ni Mikel ng cork nito. Iwinagayway pa niya ito sa amin dahilan para mas lalo kaming mabasa. Nagpunas ako gamit aking palad. Ilang sandali pa ay inabutan ako ni Ara ng isang baso ng Martini. Tinanggap ko iyon atsaka sumimsim nang kaunti.


Tahimik lang akong nanonood sa kanila. May live band din kaya naman ayos lang kahit nakaupo lang sa isang tabi. Isa pa, gusto kong mag-relax at magmuni-muni. Kahit na ang totoo nyan ay ilang libong beses ko nang nagawa iyon.


Umupo ako sa bakanteng upuan na nakapalibot sa mesa namin. Habang sila Chelsea, Patrice at Nica ay nakatayo at may kausap na kung sino sa kabilang table. Pinagmasdan ko silang tatlo. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang close nila kay Patrice. Masaya sila habang nag-uusap.


Nag-iwas ako nang tingin. Muli pa akong sumimsim sa wine na kanina pa nakatunganga sa harapan ko. Mukhang madami-dami na din ang naiinom ni Eurie dahil kanina pa siya nagsasayaw sa saliw ng musika. At kanina pa niya hinihila si Ara na todo iling lang naman sa kanya. Ilang sandali pa ay may umupo sa tabi ko. Ipinilig ko ang aking ulo at nakita si Reese na todo ngiti lang sa akin.


"Hindi ka malalasing ng Martini na 'yan." Aniya atsaka ako binigyan ng vodka. Inilapit pa niya ito sa mukha ko ngunit nag-iwas lang ako.


Sumimangot ako nang maamoy ko ang halimuyak ng alak na iyon. "I'm not used to it." Sabi ko.


Pinag-taasan niya ako ng kilay na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko dahil sa inasta niya.


"Come on, Lisette! Don't tell me hindi mo 'yan natikman sa New York!" Natatawang bulalas ni Reese sa akin.


Sa halip na sagutin siya ay napailing na lang ako sa kakulitan niyang taglay ngayong gabi. Tulad ni Eurie, sa tingin ko ay madami na rin ang nainom ng isang ito. Napakalakas talaga ng alak para mabago ang kilos ng isang tao. Pati siguro ang pag-iisip ng matino ay mawawala kapag nasa ilalim ka na ng alak.


"I don't drink, Reese!" Tugon ko pa sa kanya. Malakas ang pagkakasabi ko no'n dahil lumalakas na ang musika sa paligid.


Umirap siya sa kawalan. "Whatever you say, Lisette! Di ako naniniwala." Aniya pagkatapos ay malakas na tumawa.


Iniwan ako ni Reese sa mesa namin at mabilis niyang dinaluhan si Ara at Eurie na kanina pa nagkakatuwaan sa labas ng mini bar. Sinundan ko sila nang tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw pa. Muli kong pinagtuunan nang pansin ang inumin na nasa harapan ko. Ako na lang ang nakaupo sa mesa namin. Hindi ko na din matanaw ang grupo nila Chelsea. Maging sila Kevin ay hindi ko na napansin pa kung saan sila nagpunta.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon