Chapter 31

5.6K 124 0
                                    


PATRICE ANN GARCIA


"Eight to nine hours ang byahe. Magsabi lang kayo kung may kailangan kayo." Ani George habang nagsisimula na ang pag-andar ng sasakyan.


Napansin ko ang pag-tango nilang lahat. "Yes, Sir!" Bulalas ni Kevin. Tumawa ang lahat dahil sa panggagaya niya sa boses ng babae.


"Asshole!" Natatawang tugon naman ni George. Nagbatuhan pa silang dalawa ng jacket.


"Tinatamaan kami dito. Umayos nga kayo." Asik ni Eurie. "At ikaw naman Kevin! Bakit ka ba nakikisiksik pa dito? Lima na tayo, oh!"


Narinig ko pa ang pagbulong ni Kevin kahit pa nasa magkabilang dulo kami ng upuan. Ngunit nagmadali na rin siyang tumabi kay Mikel. Kaya pala pakiramdam ko ay para kaming sardinas sa bandang likod.


"Bakit hindi na lang plane?" Wala sa sarili na naitanong ko. Kung iisipin ay mas madali iyon. Hindi pa nakakapagod dahil wala pang isang oras ay nasa Naga City ka na.


"Road trip is fun. Kung ayaw mo, pwede ka naman bumaba anytime." Maarte pang sabat ni Chelsea sa unahan.


Literal na ngumanga ang bibig ko sa bulalas niya. Ito ang ikalawang araw ko sa Pilipinas simula noong bumalik ako. Hindi ito ang inasahan ko. Chelsea was good back then. Naiinis lang naman ako sa kanya sa tuwing nagmumukha siyang linta kakalapit kay Clay. I don't even remember having argument with her. O baka naman sa tagal ng panahon ay nakalimutan ko na.


"Stop it, Chelsea. Makisama ka kung gusto mo pang makarating sa Cam Sur." Asik ni Eurie.


Sa halip na magsalita ay itinikom ko na lang ang bibig ko. Narinig ko pa ang pagsang-ayon sa kanya ni Ara. Buong akala ko ay ayos na sila. Syempre nag-aral sila sa iisang eskwelahan. Isipin pa na hanggang kolehiyo ay nasa iisang unibersidad sila. Paanong hanggang ngayon ay para pa rin silang mga bata na nagkakampihan?


Hindi na umimik pa si Chelsea. Lumapit sa kanya 'yung babaeng kasama niya pagkatapos ay tila may ibinulong sa kanya. Nagkibit-balikat na lang si Chelsea.


"Come on, guys! Stop that cat fight, okay? Wala pa sa kalahati ang byahe natin, nagsisimula na agad kayo sa iringan ninyo." Bulalas ni Mikel na tumagilid pa talaga nang upo para makita ang nakasimangot na si Eurie at ang nakatalikod naman sa amin na si Chelsea. Umiling pa siya bago umayos ulit nang upo. "Mga babae talaga..."


Matapos ang mga sinabi na iyon ni Mikel ay tumahimik na sa loob ng van. Kanya-kanya na ulit silang agenda. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tanawin sa labas ng bintana. Hindi ako pamilyar sa mga lugar na nadadaanan namin. Lalo pa't ito ang unang beses na mamamasyal ako sa malayong lugar kasama ang mga kaibigan ko. And yes, frenemies, ika nga nila.


Hindi ko pa nga makuha kung tulog ba si Clay o ano. Panay kasi ang harutan ng mga katabi niya. Samantalang siya naman ay walang kibo na nakaupo lang sa pwesto niya.


Paano ko ba uumpisahan ang lahat? 'Yung tipong hindi ako magmumukhang desperada kakatingin at kakasunod sa mga galaw niya. 'Yun bang hindi na ako ulit matatakot sa tuwing titingin ang mga mata niya na hindi ko maintindihan kung galit ba lagi o ano.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon