Chapter 12

6.7K 121 1
                                    

STILL UNDONE 

Iniwan ko si Lisette na nanlalaki ang mga mata nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa akin. That serves her right. Lalo lang iinit ang ulo ko kapag nagtagal pa ako doon. Ayaw ko man aminin ngunit malaki na rin ang epekto niya sa akin.  

"'Tol, parang may iba sa'yo." Nilingon ko si Mikel pagkatapos niya iyon sabihin. 

Tumikhim ako para i-proseso ang mga sinabi niya. Nag-taas baba pa ang kilay ni Kevin nang binalingan ko siya. 

"Masyado ka nang napapalapit kay Lisette, dude." Singit ni Kevin. "Pero wala namang masama." Sarkastiko nitong sabi pagkatapos ay nagpakawala nang mapang-asar na tawa. 

Shit! Alam ko ang ibig sabihin nang tawa na 'yun. Sa mga oras na ito, para bang lumalabas ang pagiging asshole ko. Malala pa ata ako kay Kevin. Siya ay puro palit lang ng mga babaeng natitipuhan. Hindi niya pinag-sasabay. Samantalang ako? Abot-langit ang kalokohan. 

Minsan iniiisip ko kung ako lang ba ang ganito? Damn! Sana nag-iisa lang ako. Dahil mahirap ang malagay sa ganitong sitwasyon. Pero sino ba ang niloloko ko? Hindi lang ako ang nag-iisang ganito sa mundo. Alam kong mayroon dyan ang masahol pa sa akin. 

"Shut your mouth, dude. 'Wag mo akong itulad sa'yo." 

Bahagya akong napapikit sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Nakakasukang marinig ang mga salitang walang katotohanan. Kahit siguro ang impyerno ay tatanggihan ako sa mga kasalanan ko. 

"Matino si Clay. Hindi siya tutulad sa'yo." Natatawang sabi ni George. 

Lihim ako'ng napailing sa sinabi ni George. Alam kong nagbabanta siya sa akin. Parang reverse psychology ang ginagawa niya. Sa tingin ko ay hindi na 'yun uubra sa'kin. 

"We're not sure, George. Clay is Clay. We can never tell." Singit ni Mikel na agad naman ako'ng inakbayan. "Hindi ba, dude?" Dugtong pa nito. Asar! 

Sa halip na gatungan pa ang pang-aalaska nila sa'kin ay pinili ko na lang na tumahimik. Lalo lang hahaba ang asaran na 'yan kung makikisakay pa ako. Besides, I'm afraid I might tell them the truth. Sapat nang si George lang ang may alam. 

Dumating kami sa cafeteria na wala pang masyadong estudyante. May pangilan-ngilan na senior students pero bibili lang sa counter tapos ay aalis na din agad. 

"Doon tayo sa paboritong pwesto ng pinsan mo, George." Magilas na sinabi ni Kevin. 

"Kaya kayo laging nag-aaway." Naiiling na sabi ni George. 

"Correction, pre. Siya ang laging nang-aaway." May konklusyon sa tono ni Kevin. 

Hindi ko na nasundan pa ang pag-uusap ni Kevin at George. Madali kong binaybay ang pwesto na tinuro ni Kevin kanina. Kasunod ko si Mikel na walang ginawa kung hindi ang sumipol sa likuran ko sa kada minutong may dadaan na estudyante sa pwesto namin. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon