Chapter 23

6.4K 132 5
                                    

ALMOST BACK


Ang akala kong dalawang linggo ko sa Melbourne ay umabot ng halos dalawang buwan. Naisip ko na mahirap talaga na sabihin sa kanya ang lahat. Pero mas mahirap pala talaga kapag nasa aktwal na senaryo ka na. That's why I switched myself to being distant and cold.


"I missed this, Clay. I missed being with you. Medyo matagal na simula noong huli tayong nag-punta dito." Aniya habang umuupo sa bench na nasa Central Lawn sa Royal Botanic Gardens.


Huminga ako nang malalim. Pinagmamasdan ko lang ang ornamental lake ilang metro ang layo mula sa amin. Umupo ako sa tabi niya. Pinilig ko ang aking ulo para makita siya. Nakangiti siya habang nakapikit. Tila sinasamyo ang hangin sa buong lugar.


I missed her, too. I missed her smile. Kung sana ay nanatili ako dito, siguro ay tulad pa rin ng dati ang pag-tingin ko sa kanya. O kung siya ay nanatili lang sa Pilipinas, sigurado akong walang mag-babago sa pagitan naming dalawa.


It was the absence of her that made me fell out of love. Yes, that is one of damn reasons you've ever heard. Pero 'yun ang totoo. Masyado akong nabulag ng sitwasyon na iminulat sa akin ng kapalaran ko. Hindi ko kailan man naisip na magiging ganito ang lahat. Na magiging mahirap sa akin ang muli naming pagkikita.


Ipinatong ko ang aking siko sa magkabila kong tuhod. Muli pa akong tumingin sa lawa na kahit ata gaano kakalmado ang agos ng tubig niya, naririnig niya ang malalakas na tambol ng dibdib ko. I just want to hug Patrice right away. Hindi ko pa man nasasabi ang lahat, alam kong malaki na ang naging kasalanan ko sa kanya. I understand if she's not able to forgive me right now. But I hope she will sooner.


"Clay. You seem pre-occupied." Nilingon ko siya at ang nakangiti niyang mukha ang tumambad sa akin.


Please, tell me now. How could I break an angel's heart?


Huminga ako nang malalim. Ibinagsak ko ang aking tingin sa maliliit na damo na naapakan namin. "I'm sorry, Pat."


Narinig ko ang maliliit na halakhak niya. Inangat ko ang aking tingin. Nakita ko ang dahan-dahan niyang pag-tayo. Ilang sandali pa ay hinila niya ang kamay ko dahilan para mapatayo na din ako.


"Okay lang, Clay. It's been almost two months. Naiintindihan kong marami kang iniisip dahil naiwanan mo ang pag-aaral mo doon."


Tumigil ako sa pag-hakbang. Hindi ako nagpa-hila sa kanya dahil alam kong doon kami mauupo sa gilid ng lake. Nilingon niya ako. Nakakunot ang kanyang noo.


"I'm sorry." Muli ko pang sinabi.


Mariin lang niya akong tiningnan. Lumapit siya sa akin at muling hinawakan ang kamay ko. I hate this. I just want to go to hell now!


"What is it now, Clay?" Naguguluhan niyang tanong.


Tinitigan ko siya. Wala na talaga. Hindi na maisasalba nang kahit ano ang nawala sa akin na para sa kanya. Kahit na ano ang gawin kong kapa sa sarili kong nararamdaman, hindi ko na makuha pa ang mga iyon. Hindi ko na maalala pa ang pakiramdam na mahalin ang isang Patrice Garcia.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon