Chapter 37

5.9K 123 20
                                    


NOT FINE AT ALL


Malamig ang hangin sa paligid ng West Peninsula. Yakap ko ang sarili ko habang naghihintay sa gagawing pagkanta ng Halo. Ngayon ko na lang ulit sila mapapanood at mapapakinggan. Pagkatapos ko kasing umalis noon ay wala na akong naging balita pa tungkol sa pag-unlad nila.


Ngunit nang bumalik ako ay agad ko din na nalaman na nag-disband sila. Hindi dahil sa hindi na nila mahal ang ginagawa nila, kung hindi dahil sa mas may mahalaga silang tungkulin kaysa sa pagbabanda. Tumutugtog pa din sila. Ngunit hindi na tulad ng dati na halos araw-araw ay nagpapraktis sila. Noon, lagi silang laman ng mga battle of the bands. Palaging naiimbitahan sa mga malalaking okasyon. Ngunit nagbago iyon nang nasa kolehiyo na sila.


Mabuti na nga lang at walang nagbago sa samahan nila. Kung may nagbago man, siguro ay 'yun ang mas lalo nilang pagiging malapit sa isa't-isa. Para na silang magkakapatid sa mata ng mga nakakakilala sa kanila. Bonding na lang siguro ang pagkanta nila sa mga oras na ito.


Huminga ako nang malalim. Iniisip ko kung kailan ko nga ba sila huling nakita sa entablado. Hinahalungkat ko kung ano ang pakiramdam na kantahan ulit ng bandang Halo. Dahil natatakot ako na baka pati iyon ay nakalimutan ko na.


Lumakas ang hiyawan sa loob ng West Pen. Ang kaninang mga tao na nakaupo, ngayon ay umiindak na sa musikang pinatutugtog ng Halo. Si George ang alas ngayon. Buong akala ko ay kakanta si Clay. Pero sana... Sana marinig ko ulit siya. Kahit isang beses lang. Sana ay mapagbigyan ako.


"Magaling pa din talaga si George Allan!" Hiyaw ni Eurie sa bandang unahan ko. Itinaas pa niya ang bote ng beer.


Tulad noon, magaling pa din talaga sila. Walang kupas ang saya na dulot ng pag-tugtog nila. At hanggang ngayon, kuha pa din nila ang kiliti ng bawat babae na nakikinig sa kanila. Masaya. Nakakakilig. Nakakatanggal ng stress.


"You want more?!" Sigaw ni George sa mikropono. Ipinilig pa niya ang kanyang ulo atsaka inilahad ang tainga. Senyales na gusto niyang marinig nang mas malakas ang hiyawan ng mga tao.


Tulad nang inaasahan, mas malakas at mas nakakatuwa ang hiyawan na ibinigay ng mga turista na naka-check in sa West Pen. Sinuyod ko ang mga tao na nasa paligid ko. Lahat sila ay nagkikislapan ang mga mata habang ang tingin ay nakapako sa mga lalaking nasa stage. Bukod sa masasayang komento ng mga nanonood, tanging ang pag-strum lang ng gitara ang naririnig.


"The management should hire those gentlemen. They are asset to this kind of business." Ani ng boses na nasa bandang likuran ko. "Parang pamilyar nga sila sakin, e."


Pasimple akong lumingon. Nakita ko ang matangkad at medyo morena na babae. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa twenties lang ang isang iyon. Tiningnan ko din ang kausap niyang babae na mukhang mas bata kaysa sa kanya.


"Last night tumugtog 'yung talagang live band nila dito. Okay naman. But I'm pretty sure this group is a lot more interesting than them." Ani ng kausap niya. Maputi at pulang-pula ang labi nito. Mahaba ang buhok niya na alon-alon.


Tumango-tango pa ang babaeng kausap niya. Hudyat para muli kong ibalik ang tingin ko sa stage. Patuloy pa rin sa pagkanta si George na siya namang sinasabayan ng sayaw ng mga tao. Ang iba ay nagsiksikan na sa mismong harap ng stage.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon