Chapter 29

5.9K 128 3
                                    


ALL IN


Ilang minuto akong nakaupo sa pwestong pinag-iwanan sa akin ni Clay. Hindi ako nakagalaw. Hindi ako nakakibo. Hindi ko man lang naipikit ang mga mata ko. Pigil ang hininga ko sa bawat segundo na humahalik sa aking pandinig ang mga salitang binitiwan ni Clay. Kahit ang sundan siya nang tingin ay hindi ko na nagawa pa.


Pinaglapat ko nang madiin ang aking mga labi nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Eurie. Huminga ako nang malalim bago ko siya nilingon. Ngumiti ako ngunit ngumuso lang siya sa akin.


"Ano'ng nangyari?" Aniya habang kinukuha ang tuwalya na nakasampay lang sa mga upuan na nandoon.


Dumating si George na sinundan naman nila Kevin, Mikel, Ara at Reese. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nila. Ngunit ano ba ang sasabihin ko? That Clay is glad but will never give a damn! He doesn't care either!


Sa halip na sumagot ay umiling na lang ako. Mariin lang akong tiningnan ni George. Lumapit pa siya sa akin habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang basang buhok.


"Umalis na siya." Aniya nang hindi ako tinitingnan. "He's in his asshole mode again, Lisette."


Wala akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay George. Abala sila Ara at Reese sa pagkuha ng mga pagkain. Ganoon din si Kevin at Mikel. Habang si Eurie ay nasa malapit lang sa amin. Nakikinig sa mga sinasabi ni George.


"Are you okay?" Tanong ni Eurie.


Ngumiti ako sa kanya atsaka tumango. "I'm okay. Kasalanan ko kung bakit siya ganon..."


Katahimikan ang nangibabaw sa aming tatlo. Panay naman ang sulyap sa amin nila Ara at Reese habang inuupakan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa.


"Siguro ay dumistansya ka na muna sa kanya, Lisette. Para hindi magkagulo." Ani George.


Umawang ang bibig ko sa tinuran niya. Didistansya ako kay Clay? Hindi iyon ang nais kong mangyari. Alam kong may kasalanan ako kung bakit ganon na lang ang galit sa akin ni Clay. Pero hindi ko hahayaan na manood lang habang nakikita ko siyang nasasanay na wala ako sa tabi niya.


I can't afford that. I will do anything just to win him back again. It may sounds desperate but I'm all in.


"Do you hear yourself, George?... Hindi ako lalayo sa kanya." Matigas kong sabi.


Kumunot ang noo niya nang muli siyang tumingin sa akin. Nanliit pa ang mga mata niya nang titigan niya ako. Animo'y sinusuri ako sa hindi ko kagustuhang mapalayo kay Clay. Sinisisi nila ako. Kasalanan ko. Aminado ako doon. Kung hindi sana ako umalis, siguro ay ayos pa din ang lahat. Pero tapos na 'yun. Ang mahalaga naman ay ang ngayon. Kung paano ko maibabalik ang lahat sa dati.


"Tama na 'yan. Let's not spoil the moment." Dinig kong sabi ni Reese na ngayon ay naglalakad na patungo sa amin.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon