Chapter 24

6.5K 145 4
                                    

NOW OR NEVER


Papalubog na ang araw nang umalis ako sa Longwood Gardens. Hindi katulad sa Pilipinas, maginhawa sa pakiramdam ang sinag ng araw dito lalo pa't spring season ngayon. Dinadagsa din ang spring festival kaya naman masayang mag-ikot.


Tinapos ko ang aking secondary education sa New York. Nang dumating ako doon ay malaking pag-aadjust ang ginawa ko. I met different kind of people. I also make new friends. Sa una ay sobrang hirap dahil iba ang kultura nila kumpara sa nakagisnan ko sa Pilipinas. But those adjustments were part of the choice I made five years ago.


Ginugol ko ang mga oras ko sa pag-aaral para maka-habol ako sa lectures namin. I even attended summer classes to graduate on time. Mahirap pero kinaya ko. Lalo pa't ang pagtungtong ko sa syudad ng New York ay biglaan, wala akong nagawa kung hindi ang makisalamuha at mag-adjust sa mga bagay-bagay.


That was one of the saddest truths. Umalis ako sa Pilipinas para makalimutan ang lahat ng mga masasakit na nangyari sa akin. Lumayo ako para ayusin ang sarili ko. Para ibalik ang nawala kong sarili nang ibigay ko ang puso ko sa taong minsan nang nanakit sa akin.


Closest to hell, that's what I felt the moment I stepped in New York. Sinikap kong kalimutan ang lahat. Until I decided to study college in Pennsylvania. Noong una ay ayaw pumayag nila Mommy at Daddy dahil malayo sa kanila. Marami naman daw na magagandang unibersidad sa New York. Hindi ko na kailangan na magpakalayo pa.


But in the end, I gain their sympathy. Mabuti na lang talaga at may properties na kami dito. New York is like Manila. Mas pinili kong manatili sa Pennsylvania. Malayo sa maingay at magulong syudad ng New York. Although Pennsylvania is populated too, I'd rather be here than to stay long in NY City.


Dalawang beses ko sila dinadalaw kada buwan. Kapag busy ay hindi na ako nakakaalis pa para bumisita sa kanila. Minsan kapag kaya ng schedule nila, sila na mismo ang nabyahe papunta sa akin.


I took up Business Management. Malayo sa pinangarap ko noong high school pa lang ako. Ganoon talaga siguro. Nagbabago ang mga bagay sa pag-lipas ng panahon. Mahirap. Malungkot. Minsan nakakawalang-gana lalo pa't iniwanan ko ang mga kaibigan ko dahil sa makasarili kong desisyon.


But then again, all I have to do is to go with the flow. That's what life is all about. Kung mahina ka, matatalo ka. Kapag naduwag ka, tatakbuhan ka pati ng sarili mong anino.


"Are you sure about this?" Tinig ni Mommy ang narinig ko habang sinisilid ko ang aking mga gamit sa maleta.


Sinulyapan ko siya. Sa halip ay nakita ko si Daddy na mataman lang na nakatingin sa akin. Hawak niya ang isang tasa habang nakatayo sa tabi ng bintana ng aking kwarto.


Muli kong sinulyapan ang mga gamit ko. Maingat na isinisilid ang mga damit sa isa pang maleta.


"It's almost five years, Mom. Dapat nga ay maging masaya ka dahil nakatagal ako ng limang taon na wala sa Pilipinas." Natatawa kong tugon sa tanong niya.


I lived the way I wanted. Hindi nila pinilit na manatili ako sa Estados Unidos. These were all my pathetic decision. Alam ni Mommy ang nangyari sa amin ni Clay. I don't know if Dad has a hint of this. I really don't know.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon