Chapter 4

7.8K 174 3
                                    

THANK YOU 

Umupo ako sa tabi ni Lisette. Narinig ko pa ang pagbuga niya ng hangin habang inaayos ko ang upuan sa tabi niya. Nang nilingon ko siya ay nakita ko ang pag-lapat niya nang tingin kay George. Binaybay ko iyon at nakita ang blankong ekspresyon sa mukha niya. 

Tumikhim ako para ma-distract ko si Lisette sa ginagawa niyang paninitig kay George. I know what he's thinking right now. Kung wala lang mga tao ngayon sa paligid, siguro ay kanina pa niya ako pinatamaan ng suntok. 

"Ang tagal mo, dude. Ano ba ang ginawa ninyo ni Chelsea?" narinig kong tanong ni Kevin. 

Kiss my ass, dude! Hindi ako kailanman gagaya sa isang womanizer na katulad mo. 

"Wala kaming ginawa." Sagot ko. 

"What took you so long, then?" si Mikel naman ang nagtanong ngayon. Napapapikit na lang ako sa asta ng mga kaibigan ko. They sound like a very clingy girlfriend, and I don't like that. 

"We just talked. That's all." Kahit na gusto ko na silang pag-umpugin na dalawa ay nagawa ko pa din na maging kalmado sa pag-sagot sa kanila. 

Daig pa babae kung makatanong sila Mikel at Kevin. Nilingon ko si Lisette sa tabi ko at nakita ang hindi magandang disposisyon sa kanyang mukha. I know she's bothered. God! What am I gonna do? 

"Oh come on! Nag-usap dahil may date kayo? Damn, Clay! She's freaking hot!" sa bulalas na iyon ni Kevin ay hindi ko mapigilan ang hindi mapatawa nang malakas. Seriously? Why don't they just get rid of her? 

"Yeah. She's hot." Asik ko. That's true. Chelsea is hot and all. But that doesn't mean that I like her. 

Tinanong pa ako ni George kung type ko si Chelsea. Napaawang ang bibig ko. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya na iyon. Sarkastiko akong napangiti. Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong niya na iyon. He knows well. He really knows. 

Mula sa pagkakatitig ko sa baso ng juice na nasa harapan ko ay nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone na nakapatong sa round table. Agad iyong dinampot ni Lisette. Mariin siyang tumingin sa screen pagkatapos ay mabilis na tumayo. 

"Excuse me." Mahina niyang sabi. 

Pinanood ko lang ang bawat galaw niya. Narinig ko pa ang tanong ni George sa kanya kung saan siya pupunta at agad din namang nakakuha ng sagot si George mula sa kanya. Napanguso ako habang tinitingnan siya na pumapasok sa loob ng bahay. 

"Clay." May pag-babanta sa tono ni George nang tinawag niya ang pangalan ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. 

"Come on, bro. May nakita akong nag-gagandahan doon. Let's party!" ani Kevin habang tinuturo ang loob ng bahay nila George. "Ano? Uupo na lang kayo dyan?" 

"Of course, not!" Malakas na tugon ni Mikel. Namasahe ko ang aking sentido nang narinig ang sagot ni Mikel. Talagang nahawa na siya sa mga kalokohan ni Kevin. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon