Chapter 38

5.7K 136 20
                                    

EVERY LITTLE PIECE

"Clay! Please..." Pigil ko ang aking hininga hanggang sa maabutan ko siya. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Masaya pa din ang ambiance sa kabuuan ng West Peninsula. Hindi ko nga lang alam kung tanging ako lang ba ang nakakaramdam nang ganitong kirot sa kalooban.


Lihim kong kinagat ang labi ko para maitago ang panginginig nito. Ilang sandali pa ay muli kong ibinalik ang tingin ko kay Clay. Napaatras pa ako nang makita ang mga mata niyang halos tumusok sa kaluluwa ko. I know where it came from.


"What do you want?" Tanong niya at saka ako tinalikuran.


Noon ko lang napagtanto sa sarili ko na sinundan ko siya hanggang sa loob ng cabana nila. Huminga ako nang malalim. Bahagya pa akong nagulat nang marinig ko ang pagsarado ng pintuan sa gawing likuran ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako na natutuwa. Marahil ay ito na ang pagkakataon para kausapin ko siya. 'Yung kaming dalawa lang.


"Clay..." Halos pabulong na bigkas ko sa pangalan niya. Sa totoo lang, sa dinami-dami ng gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko na malaman pa kung ano ang uunahin. Kung paano ko ipapaliwanag ang sarili ko sa kanya. Kung paano ko ipapa-intindi sa kanya na handa na ako. Na bumalik ako para sa kanya. Na buong buo na ako ngayon. Na handa na ako para mahalin siya ulit.


Ngunit paano? Kung sa bawat pag-lapit ko ay tila inaral na niya kung paano umiwas sa akin. Kung sa bawat pagdapo ng paningin ko sa kanya ay siya namang pagsasawalang-bahala niya.


Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay sinikap kong lumapit sa kanya. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa bawat kilos niya. Parang tambol ang ingay na nasa dibdib ko. Na kahit ano'ng pigil ko sa aking hininga ay hindi pa rin nawawala.


Tahimik siyang uminom ng vodka na nasa ibabaw ng maliit na mesa na nasa harapan niya. Ilang sandali pa ay mabilis niyang hinubad ang relos na nasa palapulsuhan niya.


"What do you want?" Muli niyang tanong nang mas madiin. Hindi pa din humaharap sa direksyon ko.


Ano nga ba ang gusto ko? Bakit ko nga ba siya sinundan dito? Simple! Dahil gusto kong bumalik siya sa akin! Dahil gusto kong ibalik 'yung dati.


"I'm sorry, Clay." Shit, Lisette! Is that what you are planning to say a long time ago? Just to be sorry for what happened? To feel sorry for Clay?


"It's my fault, Clay... Alam kong mali. Alam kong nasaktan tayong dalawa. Dahil sa pag-alis ko..." Bulalas ko. Sinikap kong maging maayos ang mga salita. Nagsimula akong humakbang palapit sa kanya. Ngunit agad din akong napatigil nang humarap si Clay sa direksyon ko gamit ang galit niyang mga mata. "I'm so sorry, Clay... Please..."


"What exactly are you trying to say?" Tiim-bagang na wika niya.


Kahit masakit tingnan ang mga mata niya na halos dumudurog sa kalooban ko ay sinikap ko pa din na tingnan siya pabalik. Gusto kong mabasa niya ang mga mata ko. Gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko. Na kahit nasasaktan ako ay patuloy pa din akong nagmamahal. Patuloy na umaasa sa kanya.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon