Chapter 25

6.1K 127 1
                                    

HOME


Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ko nang muli akong makatapak sa Pilipinas. Binalingan ko pa si Louis na nakangiti habang naglalakad palabas ng airport. Tulak-tulak niya ang trolley cart na naglalaman ng mga gamit naming dalawa. I breathe a sigh of relief.


Hindi ko naisip na magiging sobrang close kami ni Louis. Inisip ko pa noon na kahit ang maging kaibigan siya ay napaka-imposible na. Lalo pa nga't ilang beses ko na siyang pinigilan na mag-laan ng espesyal na atensyon sa akin. Ngunit sadyang mapagbiro talaga ang tadhana. May mga mangyayari na hindi inaasahan.


Siya ang naging best friend ko. Mahirap paniwalaan pero posible pala talaga. Napangiti ako nang malaki nang nakita ko siyang ngumiti sa akin.


"What? Tigilan mo ang pagtitig, Lis. Baka mamaya..." Aniya na siyang nagpalaki lalo nang ngiti ko.


Ang sarap lang sa pakiramdam na matapos ang lahat, naging kaibigan ko pa din siya. Hindi man naging kami sa paraan na gusto niya, tinanggap niya iyon nang maluwag sa kanya. Tanging si Louis lang ang naging sandalan ko noong mag-isa ako sa Pennsylvania. At kahit magkaiba kami ng School, hindi siya nakalimot na bisitahin ako.


In one place or another, he knows what I'm going through. He perfectly knows when and where I was crying. And for what reason. Alam niya dahil nandoon siya noong mga panahon na mag-isa kong nilalabanan ang lungkot. Nandoon siya noong kailangan ko nang masasandalan.


"Baka mamaya ay ano?" Pang-asar ko pa sa kanya.


Umiling lang siya nang ilang beses pagkatapos ay tumingin sa paligid. Nakita ko siyang ngumuso at tila may iniisip. Hindi na niya pinatulan ang pang-aasar ko.


"May susundo ba sa'yo? Or you just hire a taxi?" Aniya nang hindi ako tinitingnan.


Nagkibit-balikat ako kahit alam ko naman na hindi niya nakikita ang reaksyon ko. Ilang sandali pa ay bumaling siya nang tingin sa akin.


"Isasabay na lang kita. Hindi naman ako ma-out of way dahil sa'yo." Sabi pa niya.


Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Totoong sa isang direksyon lang ang daan naming dalawa. Pero ayokong makaistorbo pa sa kanya. Dahil doon ay umiling ako nang ilang beses.


"I'm fine, Louis. Siguro ay mag-tataxi na lang ako." Sabi ko pa sa kanya.


We don't have a driver anymore. Noong umalis ako patungong New York ay umalis na rin ang driver namin para bumalik sa probinsya nila. Bago iyon ay nagbigay sila Mommy at Daddy ng pera para makapagtayo ang kanyang pamilya ng kahit na maliit na negosyo. After all, he has been good to our family.


Ang tanging natira na lang sa bahay ay si Manang. Ngunit di kalaunan ay nagpaalam din na aalis na rin. Ang pumalit sa kanya ay si Nanay Rosa. Nasa third year high school ako noon nang nagpaalam si Manang sa amin. Matanda na din kasi at mas gugustuhin na lang na manatili sa kanilang probinsya kaysa manungkulan pa sa amin.


Gayun pa man, binigyan pa niya ng ilan pang buwan ang pumalit sa kanya para turuan sa mga dapat na gawin sa bahay. 'Yun ay si Nanay Rosa. Siguro ay kasing-edad o mas bata pa kay Mommy. May dalawang anak na naiwan sa probinsya.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon