Chapter 21

5K 88 0
                                    

BEFORE


"He's a good asset, team. He plays really well. Kaya isasama ko si Louis sa line up."


Napa-angat ako nang tingin sa bulalas ni Coach Ed. Tiningnan ko si Mikel, George at Kevin. Nagtatanong ang mga mata ko. Nagkibit-balikat lang sila sa akin. Inilagay ko ang phone ko sa bag atsaka marahan na tumayo.


"What happened to the rules?" Walang tingin na tanong ko habang pinaglalaruan ang bola sa mga kamay.


"Bro, chill lang. Okay?" Tinapik ako ni Mikel sa balikat.


"There's always an exception to the rules. Always, Clay." Dinig kong sambit ni Jake na nasa tabi na ngayon ni Louis.


Napangiwi ako sa sinabi niya. "Rules my ass, dude."


Nakapamaywang lang si Coach habang pinapanood kami na nag-tatalo. I don't think we need Louis to win this game.


Pumalakpak ng tatlong beses si Coach. Kinukuha ang mga atensyon namin. "Come on, team. It's not the right time for that."


Lumapit sila kay Coach Ed. Samantalang ako ay nanatili sa kinatatayuan ko. Narinig ko pa ang tawag sa akin ng ibang players pero hindi ko sila pinansin. Damn that rules. Walang kwenta!


As much as I wanted him out of this team, wala naman akong magagawa dahil player lang ako. Kinalma ko na lang ang aking sarili lalo pa't kasama ako sa first five. Si Jake, George, Jesse at ang Louis na 'yun ang kasama ko sa pag-depensa.


Nag-focus na lang ako sa laban. Wala na akong pakialam kung nasa iisang laro lang kami. Ang importante sa ngayon ay manalo kami.


"Louis, ipasa mo na!" Sigaw ni Jake nang malapit nang matapos ang shot clock.


Sorry, dude. Ako lang ang open. Ako lang ang pwede niyang pag-pasahan. Matalim lang ang tingin ko sa kanya. Hinihintay ko na ipasa niya sa akin ang bola.


"Just like that, dude?" Pang-aasar ko pa sa kanya. Kung ako iyon, hindi ko basta-basta ipapasa ang bola. I'm too proud. I know that.


Malakas na hiyawan ang narinig ko mula sa mga estudyante na nasa bleachers. Ilang minuto na lang ang natitira pero alam kong kami na ang mananalo sa game na ito. Inilabas si Jesse. Si Kevin ang pumalit sa kanya.


Nakipag-high five siya sa akin pagkatapos ay iminuwestra ang jersey niya sa mga manonood. Umiling ako sa hangin na dala niya. Mayabang talaga siya.


Kahit na ganon. Siya naman ang nag-panalo sa team. Of course, three points! Nakaka-bingi talaga ang tilian ng mga babae. Pero napangiti na lang ako nang makita ko si Lisette na lumalapit sa akin. She's more than enough.


Ngumuso ako sa suot niya. She really is revealing too much skin. Binati niya ako. Pero hindi nakalampas sa akin ang panginginig ng boses niya.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon