Chapter 22

5.5K 106 1
                                    


CHANGE OF HEART


Marami na ang nag-tataka kung bakit hindi pa din nagiging kami ni Lisette. Hindi ko na nga lang pinapansin sa tuwing may magtatangka na mag-tanong tungkol sa bagay na iyon. Kahit na gustuhin ko ay mukhang hindi pa din pwede. Dahil una sa lahat, kailangan kong linisin kung ano ang mayroon sa amin ni Patrice.


I respect her. Kahit na sa ganitong paraan mag-tatapos ang lahat sa amin ay nasa kanya pa rin ang respeto ko. Mahirap dahil nakabuo na ako ng desisyon. Kahit na sa desisyon na 'yun ay hindi na siya kasama, pipilitin kong maging maayos sa pagitan naming dalawa ang lahat.


Imposible. That's the main fact. Pero wala akong magagawa dahil sabihin ko man sa kanya ngayon o bukas, o sa isang araw, pareho lang ang magiging resulta. Masasaktan at masasaktan pa rin siya.


I don't want to prolong the agony. Kaya naman noong nalaman ko kaagad na naka-book na ang flight namin ni Mommy ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Pero agad din na nag-dalawang isip nang na-realize ko na 'yun din ang petsa ng prom night ng junior and senior high.


"You told me, bro. Ako na ang bahala. Tinaon ko talaga yan pagkatapos ng examination week ninyo. What is your problem with that?" Ani Kuya Rence, isang araw nang nagka-usap kami sa telepono.


Hindi ako nakasagot noong mga oras na iyon. Iniisip ko kung ipapa-cancel ko ang flight. Pero hindi ko pwedeng biguin si Mommy. She's so excited with it. Matagal-tagal din ang hinintay niya para makauwi ulit sa Melbourne na kasama ako.


"That's shit, 'tol! She's expecting you to be there." Asik ni George sa akin nang kausapin ko siya isang linggo bago ang prom.


"There's no other way, 'tol. I need to do this." Bulalas ko.


Nahilamos pa niya ang kamay niya sa kanyang mukha. Alam kong mahirap para sa kanya ito. Sasaluhin niya ang problema na dapat ay ako ang humaharap. Pero wala nang mas hihirap pa sa mga araw na kailangan kong mag-panggap na ayos pa ang lahat. Na walang aalis at walang maiiwan.


I did my best to be with her for the rest of the days. Nag-praktis ako para sa prom. Sinigurado ko na mapapasaya ko siya kahit na hanggang praktis na lang ang lahat. Hindi ko sinabi dahil ayaw kong malungkot siya. Pero mali ako. Hindi lang lungkot o pag-aalala ang naramdaman niya noong gabing 'yun.


She was hurt. She felt she was left behind. Kahit hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan nang biglaang pag-alis ko ay nalaman pa rin niya. Of course, because of George and Eurie.


I was hurt, too. Hurt damn much! 'Yung pagtapak ko pa lang sa eroplano, gusto ko na lang bumaba para puntahan si Lisette. Bawat galaw ko, bawat parte ng sistema ko ay sumisigaw na dapat ay kasama ko si Lisette ngayon. Sinasabi sa kanya ang lahat. Baka sakaling maintindihan niya.


Pero hindi iyon ganoon kadali. It will take time. Ayokong bumalik sa kanya na hindi pa naaayos ang gulong pinasok ko. Gusto kong patunayan na hindi ko siya niloko. Hindi ako umalis para takbuhan siya o iwanan siya. I want to prove to her that I'm worth all the pain.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon