Chapter 17

4.9K 111 1
                                    

ALL FOR YOU

"I told you not to flirt. I told you I don't want to see you with other boys. But you just did....again." Tanging ang mga salitang iyon lang ang lumabas sa aking bibig. 

Hindi ko na nga malaman kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Naiinis ako dahil hindi man lang sumagi sa isip niya na hinihintay ko siya. I'm fuming dahil nakuha pa niya talagang makipag-kita sa transferee na 'yun. 

Paano kung hindi ko siya tinawagan? Paano kung hindi ako nagalit? Siguro ay hindi siya magdadalawang-isip na layasan ang isang iyon. Holy crap! I'm freaking out. Again! 

As much as I want to comfort her right now, I just can't. Masyadong mainit ang ulo ko para makinig sa kanya. Walang pag-dadalawang isip ko siyang tinalikuran at iniwan sa parking lot. Kahit mabibigat ang mga paa ko ay nagawa ko pa ding iwanan siya doon. 

Kahit noong natapos ang buong klase namin ay nauna na ako palabas. Hindi ko na nagawa pang pansinin si Lisette. Higit sa lahat, hindi ko na siya niyakag pa na sumabay sa akin. I know George will take care of her. 

Mabilis akong dumating sa bahay. Nagulat pa si Mommy nang maaga akong nakauwi. Hinagkan ko lang siya sa pisngi. Pagkatapos ay madali na rin akong nag-paalam para umakyat sa aking kwarto. 

What a tiring and annoying day! Pabagsak akong humiga sa kama. Hindi ko maiwasan na isipin ang mga nangyari ngayong araw. One piece of a crap, indeed! 

Ilang oras din akong ganoon ang lagay nang narinig ko ang pag-tunog ng cellphone ko. Tamad kong kinuha iyon sa bulsa ko at nakita sa screen ang pangalan ni Kuya Rence. 

"Hi, Bro. Any news?" Bungad niya sa akin. 

"Hey." Usal ko. Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinagot ang tawag na 'yun. "Soon, Kuya. I just don't know... when." 

Narinig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya. "Alright, then. Please just keep in mind, Clay. Mom is just waiting for you. Alam mo namang gusto niyang bumisita dito. Ikaw lang ang inaalala niya." 

"I know, Kuya. I already told her almost a hundred times. Okay lang ako dito." Katwiran ko pa. 

"Hindi ko kasi maintindihan, what keeps you to stay there for so long? Dati kulang na lang iwanan mo kami dyan para lang makabalik dito. Ngayon naman, pahirapan na para lang bumisita ka sa amin ni Dad." Yeah, he's right. 

"Your girl is here, Clay. You should come running just to see her. What happened now?" Dinig ko pa ang pang-aalaska niya sa akin. 

"I'm busy. And I'm still thinking things, Kuya." 'Yun lang ang sinagot ko at pinatay na ang tawag. 

Amba pa ngang mag-sasalita si Kuya Rence pero hindi ko na pinag-bigyan pa. That was too much. Lahat ata nang realisasyon ay naipa-mukha na nila sa akin. Pero bakit ganoon? Hindi pa rin sapat para liparin ko ang Melbourne. 

Napapikit ako nang mariin. Sumagi na naman sa isip ko ang malungkot na mukha ni Lisette. Napa-balikwas ako ng higa nang maalala ko ang mga bulaklak na binigay sa kanya ng Louis na 'yun. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon