Chapter 45

7.2K 161 6
                                    

I'M SURE OF


Buong araw naming pinuntahan ang mga magagandang lugar sa Tagaytay. Malamig ang klima kaya hindi masyadong ramdam ang pagod. Ngayon ko na lang ulit sila nakasama nang ganito katagal at kasaya. Ngayon ko na lang ulit naramdaman na kumpleto ako. Na may mga tao talagang nagpapasaya sa akin. Hindi ko man sila kadugo, parang pamilya na din ang turing ko sa kanila.


Somehow, I missed my Dad and Mom. Busy sila nitong mga nakaraang linggo. Tumatawag sila pero minsan na lang. I understand. Our business is expanding. Hindi madali iyon para sa kanila.


Tumigil kami sa isang restaurant na may overview ng Taal Lake. Maganda ang lugar lalo pa't papalubog na ang araw. Kitang-kita ito dahil mataas ang lugar. Madami na din ang mga bakasyonista na umuukopa sa mga mesa at sa kabuuan ng restaurant.


The entire travel was fun. Ito 'yung pakiramdam na masaya ka dahil kuntento ka na. That was the moment when I could not ask for more.


"Sulit! Grabe! Bakit kasi walang ganito sa Manila?" Utas ni Kevin habang pasalampak na umuupo sa isang wooden chair.


"That's the Pearl of the Orient. What do you expect from it aside from tall buildings and different business industry?" Ani George.


"Siguradong maninibago ako pag bumalik na tayo ulit." Saad ni Mikel habang nakapangalumbaba sa mesa.


"'Tol, ang bading no'n, a!" Naka-kunot noo na sabi ni Kevin pagkatapos ay humagalpak nang tawa.


"Gago, 'tol. Sino'ng bading?" Paloko pang susuntukin ni Mikel si Kevin sa braso nito. Ngunit sa huli ay malulutong na mura at tawanan ang nangibabaw sa aming lahat.


Isa-isang nagturo sila Ara at Reese ng mga gusto nilang kainin habang nakatutok ang mga mata sa menu. Ganon din ang ginawa nila George.


"Ikaw Eurie?" Tanong ni Kevin.


"Any kind will do. Hindi ako pihikan sa pagkain." Tugon naman ni Eurie.


Ngumuso si Kevin habang iginagala ang mga mata sa laman ng menu. "Hindi pihikan, pero mareklamo." Bulong nito.


Narinig ko lang ang pag-tawa ni George at Mikel. Halatang narinig nila ang mga sinabi ni Kevin patungkol kay Eurie.


Nang may lumapit sa amin na waiter, mabilis nilang sinabi ang orders namin. Inulit pa ng waiter ang orders para siguraduhin na walang mali at walang nakalimutan.


"You want something?" Tanong ni Clay sa akin na siyang ikinagulat ko na naman.


Nang tinanong ako ni Clay ay nag-angat ako nang tingin sa waiter na tila naghihintay kung may gusto pang idagdag sa mga naunang sinabi kanina. Nagpapalit-palit lang ito nang tingin sa aming dalawa.


Ngumiti ako saka umiling. "Wala na. Thank you." Sabi ko sa nakangiting waiter.


Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon