Chapter 13

5.4K 113 0
                                    

JEALOUSY 

Halos hindi maipinta ang mukha ni George. Binalingan ko si Lisette na halos hindi maibuka ang bibig sa pagkakatikom no'n. Nakakagulat ba? It's not the first time I've been with Lisette in my car. Siguro ay hindi lang sila sanay na may kasama akong ibang babae. Pati naman ako ay hindi sanay na ganito ako. Damn this feeling! Kung bakit nauso pa. 

Narinig ko ang pagtikhim ni Mikel. Hindi na lingid sa akin ang naguguluhan nilang mga isip. As of this moment, I know they are having troubles sorting things out. 

"Okay. Got it." Dinig kong sabi ni Kevin sa tabi ko. 

Tiningnan ko si Lisette na nasa harapan ko pa din hanggang ngayon. Papalit-palit ang tingin niya sa mga kaibigan ko. Naguguluhan din siguro siya sa mga asta ng tatlong kasama ko. 

"Kayo bang dalawa ay.....kayo?" Tila dagundong sa pandinig ko ang mga salita na 'yun mula kay Mikel. Nahawakan ko ang aking sentido dahil ang totoo ay hindi ko kayang sagutin ang simpleng tanong niya. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko kung paano niya kami salitang itinuro ni Lisette. 

"What I mean is kung may something sa inyo?" Pag-papatuloy pa niya. Tila nahihirapan sa pag-hagilap nang tamang salita. 

Pinigilan ko ang sarili kong hininga habang hinihintay ang susunod pang mga tanong na ibabato sa amin. Mga tanong na mas mag-papahirap pa sa sitwasyon kong ito. I can feel that Lisette is tensed. Wala siyang imik habang nakababa ang mga tingin sa mesa. 

Gusto ko sanang mag-salita ngunit ano ang sasabihin ko? Ako ang lalaki pero lintik lang! Ako pa ito'ng naduduwag sa mga oras na ito. Ayaw kong sagutin ang tanong ni Mikel dahil baka kung ano ang lumabas sa bibig ko. Nasaan na ang katahimikan ng ugok na ito? Kung kailan kailangan ay tsaka pa nawawala. 

Nang walang sumagot ni isa man sa amin ni Lisette ay doon ko lang muling narinig ang pang-asar na sipol ni Kevin. I twisted my lips. Refraining myself from punching him. Kasabay noon ay ang pag-galaw ni Chelsea sa tabi ko. Yes, I'm wondering what her thoughts about this are. 

Chelsea is very close to Patrice. She's our common friend. Kaya ganoon na lang din ang pagiging close ko sa kanya. 

"Really? You two are in good terms?" Nahimigan ko ang dismayado niyang boses. Pinilig ko ang aking ulo sa direksyon niya para makita ang reaksyon niya. Tumambad sa akin ang kalmado niyang mukha ngunit hindi ang boses niya. 

Doon ko napagtanto na halos ilubog niya sa lupa si Lisette dahil sa mga titig niya. Huminga ako nang malalim tsaka ko siya mariin na tiningnan. "Stop those freaking questions." Iritableng sambit ko. 

Natigil si Chelsea at saka bumaling nang tingin sa akin. Nakita ko ang nagtatanong niyang mga mata. Kapag may pagkakataon ang isang ito, panigurado akong papaulanan niya ako ng tanong. But I'm sorry, today is not the time. 

"Lisette, you may go. Hinihintay ka na ni Eurie." Kalmadong sabi ko kay Lisette. 

Iniiwasan ko lang na may ibato pang tanong habang nandito siya. Ayaw kong maramdaman niya na tila nag-iisa siya sa puntong ito. Dahil lang sa hindi ko kayang sagutin ang mga tanong na iyon, hindi ibig sabihin no'n ay wala na akong pakialam sa nararamdaman niya. Masyado na siyang mahalaga para sa akin. At hindi ko kaya na nahihirapan siya nang ganoon. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon