EPILOGUE

13.1K 319 94
                                    

Again, Thank you for reading Hello Goodbye and Never Say Goodbye! Hanggang dito na lang po.

UP NEXT: ONE MORE STEP

====================================================================================

"Are you sure, you don't want to start working in our company?" Dinig kong tanong sa akin ni Daddy habang nag-aalmusal kami.

Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Nakapako ang mga mata niya sa Manila Bulletin habang ang isang kamay ay nakahawak sa tasa ng kape. Ilang beses ko nang sinabi ang bagay na ito sa kanilang dalawa ni Mommy. Ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin sila sa pagtatanong kung sigurado ba ako o hindi.

"Sigurado na po ako, Dad. Isa pa, nandoon naman si Louis. I'm sure he will guide me well." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. Sumulyap pa ako kay Daddy na kasalukuyang ibinababa sa mesa ang dyaryo.

"You will be trained in our company as well, Lisette. It's quite tough but you will learn. That's for sure. At mas matututukan ka namin doon."

Umiling ako. "I want to prove that I'm going very well without your help Dad. I don't want to be a living shadow when it comes to this thing. Gusto ko pong gumawa ng sarili kong pangalan."

Narinig ko ang buntong-hininga ni Daddy. "How about Clay? Did you two already talk about this? And you're going to work with Louis. I doubt if-"

"It doesn't matter to him anymore..." Halos pabulong na wika ko. Mabuti na lang at tapos na ako sa pagkain. Mabilis akong tumayo at saka nagpaalam.

Marahas akong nagbuga ng hangin sa ere. Nakasalubong ko pa si Mommy na may dala-dalang vase na paglalagyan ng bulaklak. Tila may gusto siyang sabihin ngunit mabilis lang akong humalik sa pisngi niya pagkatapos ay dumiretso na sa garahe.

Hearing his name is like feeling the pain once again. Lalo pa't hindi pa alam ng mga magulang ko ang tunay na estado ng relasyon namin. It hurts bigtime! Alam kong kasalanan ko ang mga nangyayari sa pagitan naming dalawa. I chose to be like this. 'Yung masaktan. 'Yung mahirapan. 'Yung magpakatanga. Walang ibang dapat na sisihin kung hindi ako.

"Uy, Lisette! Nandyan si Clay sa labas." Ani 'Nay Rosa habang tinuturo ang gate namin.

Kumunot ang aking noo. Walang salita na nilingon ko ang direksyon na sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Magpapatuloy ba sa pag-sakay sa aking Accent o dapat ba ay puntahan ko siya sa labas?

Pumikit ako nang mariin. It's like reminiscing the past. Noong mga panahon na sobra akong nasaktan sa mga nangyari noon at siya naman iyong nagpupumilit na makapasok ulit sa buhay ko. But in the end, I gave up on us. I gave him up. I gave up my life here so I could move on and eventually forget every damn thing. Fortunately, I did! Ngunit noong nakabalik ako ay mas lalo lamang akong nahulog sa kanya. 'Yung tipong wala nang pag-asa na makaahon pa.

"Good morning!" Masayang bati niya nang pinuntahan ko siya sa labas ng gate.

Nakahilig siya sa kanyang sasakyan. Naka-kulay asul siyang longsleeve na bahagyang itinupi hanggang siko. Kulay itim naman na maong ang pang-ibaba niya. He looks so intimidating right now. Para siyang model ng sasakyan dahil lang sa pag-sandal niya doon. Bahagya pang humubog sa kanyang damit ang kanyang muscle nang umayos siya ng tayo. Sa huli, umiwas ako nang tingin.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko kahit ang totoo ay gusto ko na siyang yakapin.

"Just trying to make my day a brighter one by fetching you?" May panunuya sa kanyang tono.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon