Chapter 50

6.1K 135 2
                                    

NOTHING BUT THE BEST


Naramdaman ko ang pag-lamig ng aking sikmura nang umapak kami sa loob ng bahay. It's something I should be proud of. Ito ang unang beses na may ipapakilala ako na espesyal na tao sa mga magulang ko. We're talking about Clay Villamor here. Ngunit kahit ilang beses kong isipin na masuwerte ako dahil si Clay ang taong iyon, hindi ko pa din maiwasan na kabahan dahil ang mga magulang ko ang haharapin niya.


"You okay?" Dinig kong tanong sa akin ni Clay. Kasabay noon ay ang pag-pisil niya sa kamay ko.


Walang salita ako'ng tumango bilang tugon. Malamig ang mga palad ko. Holy Shit! Paano ko siya ipaglalaban sakaling hindi siya magustuhan ni Daddy? Paano ako haharap sa mga magulang ko kung ngayon pa lang ay nanginginig na ako.


Ganito pala ang pakiramdam na 'yun. Tatawagin ko lahat ng Santo na kilala ko para lang maging maayos ang unang pagkikita ni Dad at ni Clay. Kay Mommy ay wala akong problema. Alam kong susuportahan niya ako.


Pero kay Daddy? Pakiramdam ko ay sumusugal ako. Mahal niya ako, oo. Pero mahirap siyang kumbinsihin lalo na sa mga bagay na ganito. It's between life and death. Mali. Higit pa pala doon ang nararamdaman ko ngayon.


Muli kong sinulyapan si Clay habang kalmadong naglalakad patungo sa salas namin. Hawak pa din niya ang kamay ko.


Ilang sandali pa ay sumulpot si Mommy mula sa kusina. Doon nagtungo si Dad habang mas pinili kong tumigil muna kami sa salas.


"Dinner is served. Halina kayo." Ani Mommy.


Tinikom ko nang mariin ang mga labi ko. Hindi pa ako nakakasagot ay hinatak na ako ni Clay patungo sa kusina namin.


Why do I have this feeling that I'm so secured? That I feel so safe when he's around me? That I'm his only one and nothing really matters to him but me.


Sa totoo lang ay nakakatakot ang ganong klase ng pakiramdam. Baka sa sobrang saya ay mabaliw na ako nang tuluyan sa taong ito. Dammit! Baliw na baliw na nga ako sa kanya. Sobrang lunod na ako na hindi ko na alam kung paano aahon.


Tahimik ang naging hapunan namin. Puro kubyertos ang maririnig sa buong kusina. Ilang beses din akong napa-tunghay kay Daddy para lang suriin ang ekspresyon niya. Ngunit tulad nang inaasahan, patuloy lang siya sa pagkain. Wala siyang kibo habang nakatuon lang ang buong atensyon niya sa kanyang pinggan.


"You're Clay, am I right?" Napatingin ako kay Mommy sa biglaan niyang pagsasalita. Sumulyap pa siya sa akin bago ngumiti kay Clay.


Dahan-dahan na pinunasan ni Clay ang kanyang labi bago sagutin si Mommy. Napatigil din ako sa pagkain para lang tingnan siya sa tabi ko.


"It's nice to meet you again. I hope you still remember." Natatawang sabi ulit ni Mommy.


Hindi ko pinahalata ngunit nangunot ang aking noo sa mga narinig ko. Again? What does it mean? Naguguluhan ako.


Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon