Chapter 30

5.9K 114 1
                                    


READY


Nagising ako sa malakas na boses ni Ara. Malabo pa ang mata ko nang tingnan ko siya. Nagmamadali siyang kumuha ng gamit sa maliit na bag na dala niya kagabi.


"Lagot tayo sa mga lalaking 'yun! It's already quarter to five!" Utas niya.


Iginala ko ang paningin ko at nakitang wala na si Reese sa kama. Si Eurie ay sarap na sarap pa sa pagkakahiga. Tumayo ako habang humihikab. Sinulyapan ko pa ang alarm clock ko na nasa maliit na mesa. Noon lang ulit sumagi sa isip ko na aalis nga pala kami. At hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung saan ang punta namin.


"Eurie, come on. Pack up na tayo!" Ani Reese nang lumabas siya mula sa banyo. Tinapik-tapik pa niya si Eurie na agad namang napabalikwas nang upo.


Kinuha niya ang cellphone niya na pakalat-kalat lang sa kama. Binuksan niya iyon habang nakapikit ang isang mata. "Holy shit! Patay tayo kay George Allan." Bulalas niya.


Kumuha ako ng isang simpleng t-shirt at shorts na siyang susuutin ko sa pag-alis. Kinuha ko din ang tuwalya ko na nakasabit lang sa labas ng kabinet ko. Nahagip ko pa si Ara na nagmamadaling lumabas ng kwarto dala ang mga inihanda niyang gamit. Siguro ay sa common bathroom siya pupunta.


Mabilis akong pumasok sa banyo. Nagpaalam pa si Eurie na gagamitin niya ang banyo na nasa guest room. Ilang minuto pa akong nakatayo sa ilalim ng hot shower habang pinapadaan ko ang tubig sa buong katawan ko.


Huminga ako nang malalim. I'm not giving up this time. Minsan ko nang isinuko si Clay. Minsan ko na siyang iniwanan. Pero tapos na 'yun. Gagawin ko ang lahat para makabawi. Even if it means I should endure the pain he will inflict.


Nang matapos ako sa paghahanda ay nadatnan ko sila Ara, Eurie at Reese na kanya-kanyang upo sa couch habang hinihintay ako. Mabilis kong sinuot ang relos ko. Kinuha ko ang bag kung saan nakalagay ang mga damit at importanteng gamit na inihanda ko kagabi.


"Let's go." Excited na sabi ni Eurie.


Isa-isa na silang tumayo at agad na rin kaming bumaba. Nadatnan pa namin si 'Nay Rosa na nagluluto ng pagkain. Nagpaalam ako sa kanya habang dire-diretso sa paglabas ng bahay ang mga kasama ko.


"Hindi na ba kayo kakain? Nagluluto ako." Aniya.


Umiling ako. "Hindi na po. Siguro ay sa daan na lang." Tugon ko.


Tumango lang siya atsaka ako nag-martsa palabas ng bahay. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas ay agad akong pumihit sa direksyon niya. "Kayo na po ang bahala sa bahay. Tatawag ako kay Mommy mamaya."


Marahan na ngiti lang ang itinugon niya sa akin. Nakasabit sa balikat ko ang back pack na dala ko. Hindi ko na nga alam kung ilang damit ang inilagay ko. Syempre hindi ko din naitanong kung ilang araw ba kaming mawawala. At ang mahusay doon, hindi ko alam kung ano'ng lugar ang guguluhin namin.


Nagtatawanan sa labas ng bahay sila Ara, Eurie at Reese. Kunot noo ko silang tiningnan habang naglalakad ako palapit sa kanila. Baka nakakagambala sila ng kapit-bahay.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon