Chapter 48

6.2K 160 4
                                    

I LOVE YOU


Pinilit kong hindi manginig sa bawat pag-ngiti ko sa kanila. Lahat ng mata ay nakatuon sa amin ni Clay. Sino nga ba ang hindi makakapansin kung ang mag-asawang Villamor ay nakatayo sa harapan ko? Sobra akong kinakabahan dahil ito ang unang beses na nakaharap ko sila. Kahit pa sabihin na nasa tabi ko si Clay, hindi mapapawi nino man ang kaba na naidudulot ng pag-tatagpo namin ng mga magulang niya.


"Come on, Dad." Angil ni Clay, natatawa.


Tumunghay ako dahil sa reaksyon na ginawa niya. Kita ko pa din ang pag-kagat niya sa kanyang labi habang pinipigilan ang pag-ngiti. Muli kong ibinalik ang aking tingin sa mga magulang niya. Naka-coat and tie ang Daddy ni Clay habang ngiting-ngiti na nakikipag-usap sa anak. Habang ang Mommy naman niya ay nakakapit sa braso ng kanyang Daddy. Hindi matanggal ang ngiti na kanina pa niya inilalaan sa akin.


Kung titingnan na maigi, mukhang sopistikada at may masungit na mukha si Mrs. Villamor, ngunit nawala ang pag-aalinlangan ko na iyon nang ngumiti siya sa akin. Makahulugan ang ngiti na ibinibigay niya lalo pa't hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko na nakakapit sa braso ni Clay


Ibinalik ko ang pag-ngiti ko kahit ang totoo ay kumakabog na naman ang dibdib ko.


"What's wrong, young man? I just can't believe you really have a good taste." Ani Daddy niya habang nagpapalit-palit nang tingin sa aming dalawa ni Clay.


Kusa akong napalunok sa narinig ko. It's very flattering. Ang marinig ang mga salitang iyon mula sa magulang ni Clay ay sadyang nakakataba ng puso. Dahil doon ay hindi ko na napigilan pa na mapangiti nang lubusan.


Nag-baba ako nang tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko. Masyadong nag-uumapaw ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon. Ito lang ay sapat na. 'Yung pakiramdam na tanggap ako ng mga mahahalagang tao sa buhay ng taong mahal ko.


Sa puntong ito, alam ko na wala nang hahadlang pa sa aming dalawa.


"I have high standards, Dad... And she's the most beautiful woman I've ever known."


Inangat ko ang aking tingin nang marinig ang mga salitang lumabas sa bibig ni Clay. Nag-tagpo ang mga mata naming dalawa. Unti-unti na naman akong nalulunod sa mga tingin niya na iyon. Malalim at punung-puno ng pagmamahal.


"I'm glad we finally meet, hija. Akala ko ay aabutin pa ng dekada bago namin makilala ang babaeng kinahuhumalingan ni Clay." Ani Mommy niya, natatawa.


Nakita ko ang pag-nguso ni Clay. Hindi ko napigilan ang pag-ngiti ko lalo pa't inirapan niya lang ako nang hindi pa rin maalis sa mga labi ko ang ngiti.


"It's nice to meet you po." Tugon ko naman at bahagya pang yumuko sa mag-asawa.


May sasabihin pa sana ang Mommy ni Clay nang may tumabi dito na isang lalaki. Matangkad at maputi ito. Naka-itim na tuxedo habang abot tainga ang pag-ngiti. Tiningnan ko siya nang mabuti. Pareho sila ni Clay ng tindig; matikas na akala mo ay isang modelo. Maangas na akala mo ay naghahanap ng away. Ngunit tulad ng Daddy ni Clay, soft at pilyo ang features ng mukha nito. Kumbaga madaling lapitan kung gusto mong makipagkilala. Malayo sa nakasanayan ko kay Clay.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon