Chapter 52

5.9K 121 6
                                    

HOPELESS


Natakpan ko ng aking kamay ang aking bibig. Lihim kong ninamnam ang sakit na nagmumula sa pag-kirot ng puso ko. I just miss him so much! Ganon na lang ba ang pagiging abala niya sa ginagawa niya? Na kahit ang magpaalam para ibaba ang tawag ay hindi na niya magawa pa?


I know! I'm being too shallow. I'm being too possessive! I'm so desperate to see him!


Paano ba? Dapat ba ay magtrabaho ako na kasama siya? Ginawa ko na ang lahat para libangin ko ang aking sarili. Para nang sa gano'n ay hindi ko siya masyadong mamiss. Pero lintik lang! Sa kada minuto, oras o araw na mag-isa ako, hindi ko maiwasan na hindi siya isipin. Doon ko lang mas nararamdaman na sobrang gusto ko na siyang makasama. Na tila ba ako 'yung huli sa lahat ng kailangan niyang gawin. I'm the least priority.


I'm being so hopeless right now. My faith on him is starting to blur.


Muli kong narinig ang mahihinang katok sa pinto ng aking kwarto. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili. Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Namumula ang mga mata ko. Medyo mapula din ang aking pisngi dala marahil nang pag-iyak.


Pinihit ko ang door knob. Bumungad sa akin ang nakabusangot na si Eurie. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Ramdam ko pa din ang pamamaga ng mga mata ko kahit ilang minuto lang na pag-iyak iyon. Damn!


Walang paliguy-ligoy na pumasok si Eurie sa loob ng aking kwarto. Hindi siya nagsasalita. Batid kong madaming tanong ang naglalaro sa kanyang isip. Kung ano man iyon ay wala akong lakas para sagutin iyon.


Pinanood ko siya habang umuupo sa couch. Humalukipkip pa siya doon. Kunot-noo kong tinahak ang aking kama para umupo sa gilid nito. Kinuha ko ang aking cell phone para tingnan kung may mensahe ba. Ano pa nga ba?


Ilang minutong katahimikan din ang lumamon sa amin ni Eurie. Hindi ko alam kung bakit siya nandito. Wala akong ideya kung ano ang pakay niya. Kung napagod na ba siya sa kaka-punta niya kung saan kaya siya nandito? O baka naman maglalabas na naman siya ng hinaing tungkol kay Jake?


Whatever it is, I don't know, really. I have my own dilemma here.


Narinig ko ang buntong-hininga ni Eurie. Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Ilang segundo ay mabilis siyang tumayo at nagpunta sa tapat ng glass door patungo sa balkonahe ng aking kwarto. Hinawi niya ang kurtina ng pinto at saka muli akong hinarap.


Mas lumiwanag sa kabuuan ng aking silid. Pumasok doon ang sinag ng araw na kahit paano ay siyang nagpagaan sa kalooban ko. It is never the end. Pagsubok lamang ito.


"Bakit ganyan ang itsura mo?" Takang-tanong niya sa akin. Ngumiwi pa siya na tila kasalanan ang umiyak.


Umiling ako. "Nothing."


"Stop that crap, Lisette. I know there's something wrong. Come on, tell me!"


"Wala nga sabi, Eurie. Wala lang 'to." Matigas na tugon ko.


Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon