Chapter 54

6K 125 16
                                    

KASI MAHAL KO SIYA


"What are you doing here? I'm not expecting you to be here." Sabi ko sa malamig na tono habang diretso ko siyang tinitigan sa mga mata.


Sa totoo lang ay hindi ko makuha kung bakit siya nandito. Si Clay ang inaasahan ko imbis na ang babaeng nasa harapan ko. Umayos siya nang upo. Inilagay niya ang bag sa ilalim ng mesa habang ako naman ay diretso pa din ang tingin sa kanya.


Hindi dapat ako mainis o magalit sa taong kaharap ko ngayon. Mala-anghel ang kanyang mukha. Maamo kung tumingin ang kanyang mga mata. Sabihin ninyo sa akin ngayon. Paano ako'ng magagalit sa kanya? Is she ruining my lunch date? I hope she's not. Dahil kung oo, hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin dahil lang sa lintik na lunch date na ito.


"I-I'm sorry, Lisette." And now she's stuttering.


Napaawang ang bibig ko dahil sa inaakto niya sa harapan ko. At bakit siya humihingi ng tawad sa akin? May kasalanan ba siyang nagawa? Hindi ko lubos maisip kung ano iyon. Mas nararamdaman ko ang pinaghalong galit, inis at sakit dahil hindi si Clay ang nasa harapan ko.


Bumuntong-hininga ako at saka mataman siyang tiningnan. Diretso na din ang tingin niya sa akin ngayon. Nangungusap ang mga mata niya. May gusto siyang sabihin na wari ko ay hindi kaya ng mga salita lang.


Nagpalinga-linga ako sa paligid. May mga tao na patuloy pa rin sa pagpasok sa restaurant. Ang ilan ay barkadahan at ang ilan naman ay magkakasintahan. Ipinilig ko ang aking ulo para muling tingnan ang taong kahit kailan ay di ko inaasahan na mapunta sa harapan ko.


"Look, Patrice. I don't want to be rude. But I'm waiting for Clay. Kung may sasabihin ka, make it fast." Sabi ko. Pinilit kong maging kalmado ngunit ang totoo ay nanginginig na ako sa sobrang frustrated dahil wala pa din si Clay.


Pakiramdam ko nga ay nalipasan na ako nang gutom. At kung ano man ang sasabihin ng taong ito, tiyak na hindi na ako makakakain pa nang ilang oras, araw o linggo. Sounds pathetic, but I have this feeling that it will not turn the way I imagined it.


"Mahal mo ba si Clay?" Aniya sa mas mababang tinig.


Para akong nabingi pagkatapos kong marinig ang tanong niya na 'yun. Nagtataka ako kung bakit nakuha pa niyang itanong 'yun gayong alam ng lahat kung gaano ko kamahal si Clay. Ramdam ko ang kunot sa aking noo. Ilang sandali pa ay huminga ako nang malalim. Tiningnan ko siya nang maigi. 'Yung tipong kailangan niyang mabasa ang mga nasa mata ko. Kailangan niyang malaman ang sagot bago pa man lumabas ang mga salita sa bibig ko. Sa huli, ngumiti ako at saka tumango.


Nakita ko na ngumiti siya pabalik sa akin. Malungkot. Mapait. Puno nang sakit.


Ilang sandali pa ay umayos siya nang upo. Ngumiti siya ulit sa akin at saka pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng mesa. Sinuri ko siya at ngayon ay may kakaibang kislap sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ito. Kung para saan ito. At kung bakit ganito. Maraming naglalarong tanong sa isipan ko. Gusto ko siyang kumprontahin kung para saan ang kahibangan na ito. Ngunit inuunahan ako nang kaba.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon