Chapter 42

5.9K 142 15
                                    

NOT DONE YET


Nayakap ko ang aking sarili habang nakikipag-usap ako kay Louis sa telepono. Malamig na hangin pa ang umihip kaya naman di ko mapigilan na yakapin ang mga tuhod ko habang nakaupo sa hagdan. Hapon na iyon at di ko maipagkakaila na maganda ang tanawin sa mga oras na iyon. Iginala ko pa ang mga mata ko. May iba't-ibang kulay ng bulaklak akong nakikita. Parang gusto ko na lang na tumira sa lugar na ito.


"I'm fine, Louis. Magkikita naman tayo sa oras na bumalik kami sa Manila, di ba?" Sagot ko pagkatapos ng ilang minuto niyang sermon sa akin. Noon lang ako nakasingit at hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ko habang naririnig ko ang buntong-hininga niya sa kabilang linya.


"I don't want to be clingy, Lis. But I just can't help it. Nag-aalala lang ako para sa'yo."


Ngumuso ako sa litanya niya na 'yun. "There's nothing to worry about. I'm with my friends. We are catching up for years I haven't seen them. Don't worry, Louis. Okay lang ako."


Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tanging hininga lang niya ang naririnig ko sa kabilang linya. I wonder his whereabouts. Napaka-tahimik kasi ng paligid niya. Not the usual scenario when we are talking over the phone.


"Okay, fine. Basta't wag mong kalimutan na sabihan ako kapag nakauwi ka na." Aniya.


Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. Pero sa huli, sumagot pa din ako dahil alam kong nag-hihintay siya ng salita mula sa akin.


"Yes, Louis. The moment I go back there, ako mismo ang mangungulit sa'yo para lang magkita tayong dalawa." Natatawa kong tugon sa kanya.


Narinig ko ang pag-tawa niya sa kabilang linya. "Silly, young lady. You don't do such move to a man."


Kunot-noo ako habang panay pa din ang tawa ni Louis. "What's wrong with that, young man? We are friends."


"I know that's all that we can be, Lis. I have to go." Aniya pagkatapos ay mabilis na binaba ang tawag.


Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone ko. Walang pagdadalawang-isip na sinagot ko ang tawag na 'yun nang makita ulit ang pangalan ni Louis sa screen nito.


"I miss you, Lis. I badly want to see you."


"I miss you, too." Mabilis kong sagot at sa ikalawang pagkakataon, muli na naman niya akong binabaan ng telepono.


Naiwan akong tulala sa kinauupuan ko. I'm sorry. Pero hanggang doon na lang talaga kami ni Louis. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin. Hindi sapat ang kahit na ano para lang mahalin siya nang higit pa sa isang kaibigan. Hindi sapat at ayaw kong pilitin ang sarili ko para doon.


He's a perfect man, I think. Kung mayroon sigurong lalaki na perpekto, siya na 'yun. Louis is a very loving man. He's a man of his words. Hindi ko nga ba alam kung bakit hindi na lang siya ang minahal ko. He's far better than Clay. Ngunit mahirap turuan ang puso. Sa simula pa lang ay alam ko na kung kanino tumitibok ang puso ko. Sa umpisa pa lang ng lahat ng ito, alam ko na kung para kanino ako.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon