Chapter 20

5.4K 103 3
                                    


WORTHY OF


                Hindi na rin lingid sa kaalaman ng lahat na nililigawan ko si Lisette. Pagkatapos kong mag-bigay sa kanya ng mga bulaklak ay mas lalo lang tumibay ang haka-haka ng iba na baka kami na nga. We are just getting started. That's all!


                And yes, I'm courting her. Nagulat pa siya dahil ako mismo ang nag-sabi noon sa harap ng mga kaklase namin. Just like the fire, unti-unti itong kumakalat sa lahat. Madami ang nagulat.


                "Dude, totoo ba 'yun?" Bungad sa akin ni Kevin nang makarating kami sa gym isang araw. Talagang kumuha sya nang tyempo para maitanong sa akin 'yan. "May girlfriend ka di ba? Wala na ba kayo?"


                Hindi ko alam kung concern ang isang ito o ano. Nag-patuloy lang ako sa pag-lalakad. Hindi pinapansin ang tanong niya. Umupo ako sa bench. May mga estudyante na nandito sa gym. Ang iba ay may dala pa na kung anu-ano.


                Tumayo ako at kumuha ng bola na nakakalat lang. Pinaikot-ikot ko iyon sa kamay ko. Nilingon ko si Kevin na bakas sa mukha ang magulong isip. Dinaluhan siya ni Mikel at George na nakipag-high five pa sa akin.


                "Shut it, Kev. Don't act like you're innocent." Utas ko.


                Nag-dribble ako ng bola. Tinakbo ko ang kabilang bahagi ng court habang gumagawa ng iba't- ibang tricks. Alam kong alam na niya 'yun. Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa kanya ang lahat. Saktong pagka-shoot ko ng bola ay nakita ko si Eurie na papasok sa loob ng gym.


                Napawi ang ngiti ko nang makita siyang nag-lalakad na mag-isa. Where is Lisette? Nag-jog ako para makalapit sa pwesto niya. Hindi pa ako nag-tatanong ay nagkibit-balikat na siya sa akin.


                She's covering up again. I could tell by her eyes. Nag-iwas siya nang tingin sa akin. Bumuntong-hininga ako. Muli akong bumalik sa pwesto namin. Nandoon pa din sila George, Kevin at Mikel. May mga kasama na silang ibang players.


                Pabagsak akong umupo tsaka uminom ng Gatorade. Bigla akong natigil sa pag-inom nang makita ko si Louis na pumapasok sa gym. Pumunta siya sa pwesto kung nasaan sila Jake.


                Mag-uumpisa na ang practice pero hindi ko pa din nakikita si Lisette. Pumito si Coach. Tumayo kami. Of course, starting line. Naningkit ang mga mata ko nang lumapit si Coach kay Louis. Doon mismo sa kinatatayuan niya ay nag-palit siya ng jersey.


                "The hell." Bulalas ko.


                "Yup! He's playing today, dude. Pero sa practice lang naman. Sa actual game ay hindi na." Ani Mikel.


                "Just chill, okay. It's just a game." Tinapik pa ako ni George. Naiwan akong nakatayo doon.


Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon