Chapter 5

7K 147 2
                                    

NO IDEA

Agad nila akong inabutan ng kung ano nang umupo ako sa sofa. Maingay na ang kabuuan ng bahay nila George. Isinandal ko pa ang ulo ko sa headrest ng upuan matapos kong sumimsim sa baso na hawak ko. Naramdaman ko ang pag-guhit ng ininom ko sa aking lalamunan. Hard liquor, if I'm not mistaken. 

"Masarap, dude?" natatawang tanong sa akin ni Mikel. 

Nagtapon lang ako nang masamang tingin sa kanya. Kasabay noon ay ang hiyawan ng mga estudyante. Laging ganito ang sitwasyon kapag may mga okasyon. Party and all. Kahit pa sabihin na may pasok kinabukasan ay game na game pa din ang lahat. 

"Ano'ng nangyari?" Sa kabila ng kasiyahan sa paligid ay nangibabaw sa tainga ko ang tanong na iyon ni George. 

Ipinilig ko ang aking ulo sa direksyon niya. Seryoso lang siya habang naghihintay ng sagot ko. "Ano 'yun?" tanong ko pabalik sa kanya. Kahit na alam ko ang ibig niyang sabihin ay nagtanong pa din ako. 

"Never mind, 'tol." Simpleng tugon niya. 

Napabuntong-hininga ako sa narinig ko mula sa kanya. Doon ko lang ulit naalala ang nangyari nang hinatid ko si Lisette sa bahay nila. Holy crap! Patung-patong na ang kasalanan ko. 

"Clay! Clay! Clay!" napaayos ako sa kinauupuan ko nang marinig ang malalakas na tawag na iyon ng mga kaibigan ko. What was that? 

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pag-hawak ng kung sino sa braso ko. Dahil sa sobrang dami ng tao ay hindi ko na nalaman kung sino iyon. 

"Oh my God!" dinig kong singhap ng mga babae sa kabilang gilid ng salas. "Ang swerte!" 

Kahit na naka-apat na inom pa lang ako ng scotch ay parang nahihilo na ako. Natigil lang kami sa paglalakad nang huminto kami sa pinaka-gitna ng malawak na salas. Nag-angat ako nang tingin at naaninag si Chelsea sa harapan ko. 

Nagusot ang mukha ko nang nakita ko siya na abot tainga ang ngiti. What the hell? Kalokohan na naman ng isang ito. 

"Just a friendly game, Clay." halos pabulong na saad niya. 

Napaawang ang aking bibig nang may lumapit sa kanya at naglahad ng isang maliit na lagayan. May kung ano siyang dinampot doon na lalong nagpakunot ng noo ko. The heck with this friendly game! 

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay sa braso ko ang pinong bagay na kinuha niya sa lalagyan kanina. That's salt if I'm not mistaken. Maya-maya pa ay kumuha siya ng shot gloss na may lamang vodka. Doon ko napagtanto kung ano ang sinasabi niyang friendly game. Damn! Body shot! 

Lihim akong napamura sa utak ko. Nakagat ko ang aking labi nang unti-unti niyang inilalapit ang bibig niya sa braso ko. Bahagya pa siyang napatigil sa pag-yuko at nag-angat ng tingin sa akin. 

"Friendly game,Wes." Nakangiti niyang saad. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon