Chapter 35

5.6K 121 5
                                    


DON'T ASSUME


Humilata ako sa kama nang napagpasyahan naming magpahinga. Alas singko na ng hapon at maya maya ay magyayakag na naman ang mga lalaki para magsaya sa kabuuan ng West Peninsula. Pagkatapos na umalis ni Clay ay nawala na din na parang bula sila Chelsea at Nica. Marahil ay sinundan nila si Patrice.


Maganda ang kabuuan ng cabana. Kulay puti ang dingding nito at ang bubungan ay nilagyan ng pawid. Nakaka-relax tingnan ang mga paintings na nakasabit sa bawat sulok ng kwarto na ito. Nanatili ang tingin ko sa bandang itaas. Naramdaman ko pa ang bahagyang paglubog ng kama. Ipinilig ko ang aking ulo at nakita si Eurie na nakaupo na sa bandang tabi ko.


Marahan akong bumangon at umayos nang upo. Si Ara at Reese ay nagkukulitan sa kabilang kama. Napatawa ako nang makita silang naghahampasan ng unan.


"I don't know if George already told you." Nag-aalangan na panimula ni Eurie. "Oh... Didn't I tell you?... Patrice is—"


"Clay's first love." Pagpuputol ko sa kanya.


Tiningnan ko siya at nakita ang pagtango niya. Alam ko 'yun. Alam kong si Patrice 'yun. Nabanggit sa akin ni Eurie bago pa man kami tumulak patungong Caramoan. Nagulat ako. Nasaktan sa mga narinig ko. Noong una ay hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay Eurie. Ngunit sa huli ay ako na mismo ang nagkumpirma sa sarili kong agam-agam.


"Hindi namin alam kung ano'ng mayroon sa kanilang dalawa. We all know that Pat is staying here for Clay. For good, of course. That was five long years on a run. We barely knew the details. The rest was just a history." Bulalas niya.


Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Ngayon ay nakatingin na lang sa amin si Ara at Reese habang yakap ang mga unan na kanina ay pinanghahampas pa nila. Mataman lang silang nakatingin sa akin na tila ba awang-awa sa kalagayan ko. Nag-iwas ako nang tingin. I hate this feeling. Hindi pa man nagsisimula ay pakiramdam ko talo na ako... Talo na naman ako.


"We've seen how destroyed and devastated he was. We witnessed how he fought for you, Lisette... Kahit wala ka dito... Kahit hindi ka na namin tanaw. Kitang-kita namin kung paano niya nilabanan ang bawat araw na wala ka. Kung paano siya nabaliw noong halos oras-oras ay tinatanong niya sa akin... sa amin... kung saang lupalop ng America ka nandoon."


Bahagyang tumigil si Eurie sa pagsasalita. Huminga siya nang malalim. Diretso lang ang tingin ko sa dingding. Masakit balikan ang nakaraan. Mahirap ibalik ang tapos na. Kumikirot ang dibdib ko sa bawat minuto na bumabalik sa isip ko ang mga alaala. Mga magagandang alaala na sana ay niyakap ko para hindi nakawala. At mga mapapait na alaala na sana ay hindi nangyari.


"Eurie...Bakit mo sinasabi sa akin 'to?" Tanong ko. Nagtatanong ako ngunit alam ko naman ang isasagot niya. I just want to at least feel that what I'm doing is all worth it.


"Para alam mo kung ano ulit itong papasukin mo, Lisette... You once tasted hell when you fell in love with him. And you are doing it again. You have to be cautious this time." May halong pagbabanta sa boses niya.


Nakita ko ang pagtayo ni Reese. Lumapit siya sa akin atsaka umupo sa tabi ko. Ayaw ko nang balikan pa ang nakaraan. Mas lalo ko lang nararamdaman ang hapdi at sakit na naidulot no'n sa akin. Ngunit kung may babalikan ako sa mga naging parte nang nakaraan ko, iyon ay si Clay. Tanging si Clay lang para magsimula ulit.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon