Chapter 18

4.9K 104 1
                                    

TO STAY

Lumipas ang mga araw, naging mas malapit pa kami ni Lisette. Lagi kaming mag-kasama kapag lunch. Sa tuwing may game, nandoon siya. She's always been very supportive. Nakakatuwa na kahit may iba siyang activities, hindi siya napapagod na sumuporta sa amin. Be it in a basketball game or band rehearsals. 

Katulad ngayon, pasulyap-sulyap ko lang siyang tinitingnan sa bleachers katabi si Eurie at ang iba pa niyang kaibigan. Kahit na nakakapagod ang practice game na ito, pakiramdam ko ay may kabuluhan ang pagod ko dahil nanonood siya at nakikisabay sa pag-cheer. 

Nag-patuloy ang praktis. Halos lahat kami ay pawisan na. Kahit na ganoon ay nakuha pa rin naming magka-tuwaan sa paglalaro. Tulad nang dati, si Kevin ang laging pabida sa amin. Ang mas nagpa-gulo pa sa amin, parang nahahawa na sa kanya si Mikel. 

"Shit!" Napamura ako nang malakas nang makita ang pag-tama ng bola sa ulo ni Lisette. Dala marahil nang pagsupalpal ni Jake sa bola na isho-shoot sana ni Jesse. 

Dinaluhan siya ng mga kaibigan niya. Pati na rin ang ibang players ay mabilis na lumapit sa kanya. I know she's spacing out. 

Nag-jogging ako papunta sa kanya. Nabasa ko ang sakit na rumehistro sa kanyang mukha. 

"You okay?" Tanong ko nang dumating ako sa pwesto niya. Bahagya ko pang sinipat ang parte na tinamaan ng bola. "I think you are spacing out. Tinitingnan kita kanina pa." 

Tipid lang siyang ngumiti sa akin. "Okay lang ako." 

"Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" 

Umiling siya bilang sagot. "Hindi na, Clay. Tsaka tawag ka na ng coach niyo." 

Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay tinataboy niya ako. "Tss. Uunahin ko pa ba 'yan kaysa sa'yo?" 

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang marinig niya iyon. That's true. Pakiramdam ko ay hindi ako makakapag-focus sa pagpa-praktis ngayong alam ko na may masakit sa kanya. 

Nakita ko ang pag-tikom ng kanyang bibig. Mariin lang siyang tumingin sa akin. Maya-maya ay nagsalita pa siya na alam kong hinding-hindi ko matatanggihan. "Sige na. Go back to your practice. Please, Clay?" 

Nagpapa-cute ba siya sa akin? If that's the case, effective ang ginagawa niya. Tamad akong umirap sa kawalan. Ilang sandali pa ay bumaba na din ako para ipag-patuloy ang praktis na hindi umuusad dahil sa walang-humpay na tawag sa akin ni Coach. 

"Dude, hindi ko sinasadya." Salubong sa akin ni Jake. Tinapik pa niya ako sa balikat. 

"Mag-iingat ka sa susunod." Mariin na sabi ko sa kanya bago dumiretso sa pwesto ko. 

Mabilis akong nag-shower nang natapos ang practice game. Naabutan ko pa si Lisette sa labas ng gym na nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan niya. Napangiti ako nang tumingin siya sa akin. 

Hapon na pero nagkayayaan pa na kumain muna sa isang fast food malapit sa school. Ilang players na lang ang kasama namin. Ang iba ay nagsi-uwian na kaya si Kevin na naman ang bida sa aming grupo. 

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon