Chapter 41

6.6K 132 9
                                    

MAKING PAST

"Let's put your things upstairs." Ani George habang ilang beses na pumalakpak. Senyales na kailangan naming kumilos.


Bahagya pa akong tumingin kina Ara, Eurie at Reese na ngayon ay mataman lang din na nakamasid sa akin. Tila ba may gusto silang sabihin ngunit pinagkasya na lang ang mga sarili nila sa pagtutok sa akin. Marahan akong bumuga nang hangin.


Muli kong pinilig ang ulo ko sa direksyon ni Clay. Nagulat pa ako nang makita siyang titig na titig sa akin. Wala sa sarili na nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang sarili ko sa pagsasalita nang kahit na ano. Not now, Lisette. Not ever. Not even for a second.


"Where are your girls, dude?" Natatawang tanong ni Kevin sa kanya. Pabiro pa nitong sinuntok si Clay sa kanyang sikmura dahilan para mapaatras ito sa kinatatayuan niya.


Tumawa si Clay. Pabiro din niyang sinuntok si Kevin sa balikat nito. Ilang sandali pa ay seryoso na naman siya at agad na bumuntong-hininga. Naging tahimik ang paligid sa ginawa niya. Sa simpleng pagbuga niya ng hangin ay nagagawa niyang patigilin ang mga tao sa mga ginagawa nila.


Walang salita na humakbang si Clay sa malawak na salas. Sa halip na tugunin ang biro ni Kevin ay nakuha pa niyang igala ang paningin niya sa kabuuan ng rest house nila George. Nakapamulsa niyang tinitingnan ang bawat painting na nakasabit sa bawat sulok ng bahay. Pati ang mga muwebles ay pinasadahan niya ng kanyang mga daliri.


He's acting so weird. Tumigil siya sa tapat ng isang malaking kabinet na gawa sa de kalidad na kahoy. Naglalaman ito ng iba't ibang litrato. Marahil ay iyon ang pamilya nila George. Nagkatinginan kami ni Eurie. Nagtatanong ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit ngunit agad na lang akong nagkibit-balikat sa kanyang reaksyon.


"I have no 'girls', dude." Sa wakas ay tugon ni Clay. Muli na namang nag-tama ang mga mata naming dalawa. "I have no time for that, asshole."


Nag-iwas ako nang tingin. Hindi ko maiwasan na hindi isipin 'yung mga lumabas sa bibig niya noong nasa Caramoan kami. Kung paano nanlisik ang mga mata niya habang binibitiwan ang mga salitang dumurog mismo sa akin. Kung paano niya ipinagdiinan na kasalanan ko lahat. Kaya wala akong karapatan na bumalik sa kanya o maski ang humingi ng pangalawang pagkakataon para sa amin.


He strongly gave me signals. It's done and it will never be undone.


Nanatli sa walang kamatayan na asaran ang mga lalaki. Habang kami naman ay sunud-sunod na umakyat sa ikalawang palapag para makita ang kwarto na inilaan ni George para sa amin. Noong una ay nag-uusap pa kami kung sino ang magkasama sa kwarto pero noong nakita namin kung gaano kalaki ang guest room ay doon namin napag-alaman na hindi na namin kailangan mag-hiwalay.


"Ang ganda dito. Sana dito na muna tayo kahit isang buwan lang." Biro ni Ara.


Pabagsak akong humiga sa king size bed. Ilang oras din ang naging biyahe namin kaya naman ramdam ko na ang pagod ngayon. Pumikit ako nang mariin at saka ninamnam ang ginhawang dulot ng malambot na kama sa likuran ko.


"Saan ba dapat ang punta ni Clay? Sa pagkakaalam ko, hindi daw talaga siya darating... What happened?" Dinig kong tanong ni Reese.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon