Chapter 43

7.2K 163 5
                                    

HARDEST THING


Muli na naman akong huminga nang malalim. Kinagat ko pa ang pang-ibaba kong labi para pigilan ito sa panginginig. Clay is very blurred. But I'm very sure about my feelings for him. 'Yun lang siguro ang tanging bagay na kahit pagbaliktarin ko pa ang mundo, mananatili ang nararamdaman ko na iyon para sa kanya.


Pumasok ako sa loob ng rest house. Nasa salas pa rin sila Ara, Reese at Eurie. Sa ngayon ay nanonood sila ng movie na hindi pamilyar sa mga mata ko. Pagkatapos noong naging usapan namin ni Clay sa labas, hindi ko pa alam kung paano siya pakikitunguhan. Dahil ang totoo, naguguluhan ako sa kanya. He's giving me mixed signals again. And I'm sick of that.


"Saan ka galing?" Tanong ni Eurie sa akin nang umupo ako sa sofa.


Ngumuso ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya at sasabihin ang tunay na nangyari sa labas. Ngunit sa huli, nagkibit-balikat na lang ako.


"I talked to Louis." Tugon ko at sinimulan na itutok ang mga mata ko sa malaking TV screen.


"I smell something fishy!" Nakakalokong singit naman ni Ara mula sa kawalan.


Pinilig ko ang aking ulo sa direskyon niya. Katabi niya si Eurie na nasa harapan ko lang kaya naman kitang-kita ko ang reaksyon ng kanyang mukha.


"Walang malisya 'yun. It's just nothing." Sabi ko pa.


"Kapag kay Clay, may malisya kaya 'yun?" Ani Reese.


Tiningnan ko siya nang masama. Ngumiti lang siya sa akin at saka nagkibit-balikat. Nagpatuloy sila sa panonood habang ako naman ay tila hindi mapakali. Kinakabahan ako sa magiging pakikitungo na naman ni Clay sa akin. We're not done yet. Kung ano man ang ibig sabihin niya doon ay hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.


I've been through it, anyway. Sanay na ako na ganito lagi ang sitwasyon. The only thing that keeps me going is the fact that there's still a second chance for us. It's very chaotic from the start. But I know it will make sense in the end.


"Meryenda muna."


Natigil lang ako sa mga iniisip ko nang marinig ko ang boses ni George. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses niya. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa. Nilagay niya sa center table ang iba't ibang klase ng cookies na nasa isang lagayan. Kasunod niya si Kevin na may dalang juice at si Mikel naman na dala ang isang tray ng baso. Sapat lang para sa aming lahat.


"Hindi uso ang delivery dito. Kaya 'wag kayong maghanap ng iba." Saad pa ni George.


Agad na nilantakan ni Ara at Eurie ang mga cookies. Nagtatawanan pa sila habang panay ang pag-nguya.


"May sinasabi ba kami, George Allan?" Natatawang tanong ni Eurie sa pinsan niya.


Hindi na pinansin pa ni George ang pang-aasar na iyon ng kanyang pinsan. Sobrang close sila sa isa't isa kaya kahit gaano pa kakulit si Eurie, pinapalampas na lang niya iyon. I wonder kung ano'ng klaseng boyfriend si George. I think he's a good one.

Never Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon