Prologue

1.1K 20 1
                                    

"Alli, nasa baba ang mga kaibigan mo" sabi ni mama habang kinukuha ang mga labahin ko sa kwarto.

"Ma, ako na lang ang maglalaba sa mga damit ko" umiling siya at inagaw sa'kin ulit ang mga labahan. "Ma, naman. Malaki na po ako"

"Alam ko, pero ako na muna ang maglalaba nito kasi may lakad daw kayo" kumunot naman bigla ang noo ko. 'Di man lang akong sinabihan.

"Makikikain lang ang mga 'yon ma. Wala naman kaming napag-usapan na may lakad kami"

"Basta, maligo ka na at babain mo na sila doon. Maglalaba muna ako" tiningnan niya muna ako bago lumabas sa kwarto.
Wala akong nagawa kundi ang sinunod si mama na maligo. Nadatnan ko pa sila sa sala na perting nakaupo, ang iba ay nakapatong pa ang paa sa sofa.

"Bahay niyo?" Napalingon sila sa'kin at sabay na tumayo kaya agad akong tumakbo pero di pa ako nakarating sa pinto ng kwarto ay nadaganan nila ako.
"Putek! Ang bibigat niyo!" Lima sila at ako itong nasa pinakailalim.

"Na miss ka namin" sabi pa ni Unika na may pakana sa nangyari ngayon. Pinilit kong makaalis sa pagkadagan nila. No'ng makaalis ako ay si Xylem naman ang napalit sa pwesto ko.

Kawawang bata... Tsk..tsk...tsk..

"Tumigil nga kayo!" Saway ko sa mga ito. Kahit kailan talaga!

Nagtawanan sila habang tinulungan ang iba na makatayo. Pinagmasdan ko lang sila. Parang kailan lang nag-aaway pa kami dahil sa iisang lalaki, muntik pa nga kaming magka-sambunutan no'ng grade 9 dahil sa crush namin, tapos ngayon ito solid na solid pa rin kami.

"Bakit ba kayo nandito? Bakit di ako na-inform na may gala pala tayo?"

"Si Uni, kasi ang may sabi na wag ipaalam sa'yo" sumbong ni Zai.

"Kasi naman, mare. Gusto ka naming guluhin kaya, surprise!" Proud na sabi niya. Naibato ko sa kaniya ang isang tsinelas ko. Kalukuhan talaga ng gaga, walang kupas. "Ang sakit nun ah!" Napakamot pa siya sa noo kung saan ito natamaan.

"Wag mo kasing biruin ang bagong gising" gantong pa ni Yhel. Ito lang talaga ang matino kausap e.

"Ano ba kasing meron?" Tanong ko ulit bago pa magkaklimutan.

"Last day ng enrollment ngayon sa Senior high—"

"Hala! Patay!" Di ko na pinatapos si Uni. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko. Nagsuklay at nagbihis na rin ng jeans. Kaya pala ang ayos ng pormahan ng mga 'yon. Hays, ba't ko ba 'to nakalimutan. Dinala ko na ang mga requirements bago bumaba.

Nilakad lang namin ang Black Ace University dahil mas trip lang namin. Ganito na kasi kami dati pa, mas gusto maglakad basta magkakasama. Halakhakan dito, halakhakan roon. 'Di na kami natablan ng hiya kapag kaming anim ang magkasama. Ewan ko lang mahiyain akong tao pero pagdating sa mga kaibigan ko, nahahawahan ako sa kakapalan ng mukha.

Pinagtitinginan kami ng mga tao sa bawat madaanan namin pero di na kami nahihiya roon. Sanay na sanay na.

"Anong strand ang  kukunin mo, Alli?" Tanong bigla ni Uni.

"Gusto ni mama mag ABM ako pero 'di ko yata kaya ang mga math sa strand na'yon" sagot ko.

"Kung pipili ka na lang kaya ng gusto mo talaga" tama naman si Zai pero naisip ko bigla paano ako pipili sa sarili kong gusto kung maski ako sa sarili ay 'di alam kung ano.

"Pero if ayaw mo sa gusto ni tita, bakit di niyo na lang ipagpapatuloy ang cookery?" Yhel suggested. "Total, no'ng junior high palang tayo ay cookery na kayo" dugtong pa niya. Napaisip ako bigla, kung ito ang kukunin ko, kaya ko kaya? Kung ang physical lang pag-usapan ay kayang-kaya ko kasi gusto ko rin naman ang pagluluto pero kung titingnan ang financial, bagsak na bagsak.

"Ako cookery pa rin ako" sabi ni Xy.

"Ako sa GAS, gusto ko maging teacher" mabilis na sabi ni Zai. Believe talaga ako sa isang 'to. Siya 'yung tipo ng babae na may desisyon agad.

"Sana all teacher" ani ni Uni. Natawa na lang ako. 'Di talaga to nagseseryuso.

"E ikaw anong kukunin mo?" Tanong ko.

"GAS din" sagot niya.

After ng usapan na 'yon ay kaniya-kaniya kaming punta sa building ng mga strand na gusto naming kunin. Nag-iisip ako kung ano ba talaga ang dapat kung kunin. Kompleto naman ng strand ang BAU kaya may pagpipilian ka talaga pero bakit ako pakiramdam ko wala akong ibang choice.

Napatingin ako sa mga ibang studyanteng naglalakad, mula sa main gate ay diretso sila sa mga gusto nila pero heto ako ngayon nakatunganga lang, di alam kung ano ba ang dapat gawin.

If papasok ako sa ABM, sure ako sa sarili ko na di ko maipapasa ito dahil hindi ko ito gusto. Kung sa GAS naman, ay di rin ako sigurado. Lalong lalo na sa STEM, kung sa sinabi na lang kaya ni Yhel?

"Where na u?" Basa ko sa text galing kang Uni. Tapos na sila panigurado. 'Di na lang ako nagreply at hinawakan ng mahigpit ang form na sinagutan namin kanina bago pumasok sa campus.

"You can made it, Alli" sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ko pasok sa box ang form doon pa lang ako nakahinga ng malalim.

Lutang akong lumabas sa campus. Minsan nababangga pa ako sa mga studaynte pero ni sorry ay di ko nasabi.

"Lutang yarn?" Si Uni na naman. Pinahiran pa niya ako sa ice cream na bitbit niya.

"Pizza tayo!" Sabi ni Ylona.

"Sige basta, libre mo" pagpayag ni Zai.

Pumayag naman si Ylona kaya bumalik ang energy ko. Basta libre talaga e no. Buhay na buhay ang dugo. Nakarating kami sa pizza house na katabi lang pala ng BAU, pero matagal kaming naglakad dahil malaki ang BAU, tapos matayog pa ang mga  pader kaya di mo masisilip ang loob.

"Enjoy your snacks ma'ams" sabi ng isang waitress.

"Mas ma-e-enjoy pa namin 'to kung libre teh" sabay naman naming sinubuan si Uni.

"Patay gutom lang 'yan te" sabi namin. Tumawa lang ang babae at sinabi na tawagin siya kung may kailangan pa.

Sinamaan naman kami ng tingin ni Uni. Pero tawa lang ang iginante namin dito.

"Tapos na ang enrollment?" Tanong sa'kin ni kuya no'ng makarating ako sa bahay.

"Opo" ubos na ubos na ang energy ko ngayong araw. Send pagkain...

"Basta mag-aral ka ng mabuti ah. Wag magjowa agad" paalala pa niya. Tumango naman ako. My brother is very protective talaga. "Ingat sa mga lalaki sa BAU, maraming scammer diyan" tumango ulit ako. Dati ring nag-aaral si kuya sa BAU at sa di ko malamang dahilan ay huminto siya no'ng second year college na siya. Di rin naman ako nagtanong, personal reasons na niya 'yan.

"Sige, ya. Akyat na ako. Nakakapagod"

"Sige, tawagin na lang kita kung maghahapunan na" tango lang ang sagot ko. Antok na ako e. Kulang pa ako sa tulog kaninang umaga.

Goodluck sa senior life self...

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon