"Ngiting in love ah. Bakit may label na ba?" Tanong sa'kin ni Unika. Naglalakad kami ngayon papasok sa campus ng BAU. Sinundo niya kasi ako para sabay kami.
"Sinagot ko na" sandaling katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa. Akala ko magagalit siya pero no'ng marinig ko ang pagtili niya, napatakip ako sa sariling mukha dahil sa hiya. "Legit?" Tumango ako.
"H'wag mo munang sabihin sa iba. Gusto ko sa birthday ko na sasabihin sa kanila. Balak ko rin sana na ipakilala siya kay mama"
"Masaya ako para sa'yo, mare dahil sa wakas 'di ka na NBSB"
"Tigilan mo ako, Uni. Bakit may kailangan ka?" Natigilan siya pero kalaunan ay tumango. "Sabi na e. Kaya sinundo mo ako"
"Mare kasi, gusto ko lang maka-usap ka"
"Tungkol saan ba?" I asked her.
"Tungkol sa kapatid mo" napahinto ako. "Si Kuya Red?"
"Hindi." Huminga muna siya ng malalim bago ako sagutin. "Si Xyrus. H'wag kang magagalit pero ang kyut niya" napataas ang kilay ko.
"Tss." Akala ko naman kung ano na. "E-reto mo naman ako sa kaniya" Tiningnan ko naman siya nagpa-cute pa ito kaya nabatukan ko.
"Tanga! Hindi kami close saka ayaw kong mapalapit sa kaniya" napanguso siya dahil sa sagot ko. "Ano bang nagustuhan mo sa isang 'yon? Wala namang kaspecial-special do'n"
"Duh!" Inirapan niya ako. Dukutin ko kaya ang mata nito "Si Xyrus lang naman ang pinakamabait, gwapo, matalino at kapatid mo. Saab pa ako maghahanap?" Napailing ako.
"Kahit ilang ulit kitang e-reto sa kaniya kung ayaw niya sa'yo, ayaw niya talaga"
"Ang bastos mo! Ayaw mo akong suportahan e" drama pa noya. Hinayaan ko lang siya at nagtuloy-tuloy sa paglakad. "Pero ang sakit lang, nakita ko siya kahapon na may kasamang babae"
"Baka girlfriend niya" hinampas naman niya ako sa braso. "Alli naman e"
"Oh, bakit? Kilala mo ba kung sino?" Umiling ito "Hindi baka girlfriend talaga niya" sabi ko.
"Ahh basta! Crush ko lang naman siya e"
Naghiwaay na kami ni Uni, nagsipasok kami sa kani-kaniyang building. Patakbo ko pang inakyat ang hagdanan dahil gaya ng laging kong nadadatnan, marami ang nakaabang sa elevator. Parang wala na nga halos dumaan dito e. Ewan ko kung anong utak meron sila. Kapag sa hagdanan ka dumaan, di mo na kailangang maghintay, makakarating ka sa room na matiwasay. Kung sa elevator naman mapapadili ka pero makikipagsisikan ka pa sa iba. Kaya mas mabuti rito para naman ma-exercise ang mga buto ko.
"Baby" nabuhay agad ang sistema ko. Tila nawala ang pagod ko sa pag-akyat no'ng marinig ko ang boses niya. Napatigil rin ako sandali habang nakatingala sa kaniya.
He's wearing our school uniform. Para nga siyang model ng BAU e. Patakbo akong lumapit sa kaniya. "Akala ko pumasok ka na" sabi ko. Hindi niya ako sinagot, niyakap niya lang ako ng mahigpit. Napangiti ako dahil doon. "Na-miss kita" bulong niya pa.
"I miss you too. Kumusta ang weekend mo?"
"I'm very happy because you're here with me" napangiti ako. "Thank you for giving me a chance, baby. I will always love you"
"I love you too, Yuhan" naramdaman ko ang labi niya na humalik sa tutok ng ulo ko and I can't help it kundi ang yakapin siya ng mahigpit at isiniksik ko ang mukha sa dibdib niya. Ang bango.
"Kaya 'di ako masaya tuwing umaga e, kailangan pala may kayakapan" napabitaw ako kay Yuhan. Humarap ako sa nagsasalita akala ko si ma'an Sophie si Alex lang pala na kakaakyat lang din ng hagdan. "Tuloy niyo lang, promise ayos lang ako. Hindi naman masakit, 'di nga ako naiinggit e" natawa na lang ako sa mga sinasabi niya.
"See you mamaya. Ingat ka. I love you" sabi niya sa'kin. Tumango ako. Akala ko kung ano ang gagawin niya hinalikan lang pala ako sa noo.
Tiningnan namin si Yuhan habang papaalis. Di mawala-wala ang ngiti sa labi ko. Sana ganito na lang lagi ano?
"Kaya 'di ako ginanahan pumasok e" sabi nitong katabi ko. Binatukan ko naman siya. Epal e.
"Lang'ya ka bakla! Panira ka ng moment" todo ilag naman siya sa mga hampas ko.
"Pa victim naman 'to? Feeling galit ah, pero kinikilig" pang-aasar niya sa'kin "Sa susunod h'wag kayo sa hallway ano? Ang sakit niyo sa mata grabe"
"Ang arte mo! Kaya ka walang jowa e"
"Aba! Mas okay na rin 'yon no? Walang sakit kapag naghiwalay" o, tingnan niyo ang isip ng isang 'to. Inggit na inggit sa may jowa pero ayaw niya kasi natatakot siyang masaktan. Iuntog ko kaya 'to para makapagdesisyon ng tama sa buhay.
Pumasok kami ni Alex at pareho kaming pinagalitan dahil naunahan pala kami ni ma'am Sophie na pumasok. Imbes na matakot ay tumawa pa kami ni Alex. Ewan ko, dinadaan namin sa tawa ang kaba o abnormal lang talaga kami.
"Miss Morales pinapatawag ka ng head master sa opisina niya" sabi ni ma'am bago siya lumabas sa room namin. Hays, sandali kong nakalimutan ang pangyayaring 'yon pero heto na haharapin ko na ang consequences sa ginawa ko.
"Kaya mo yan, Alli. Hangga't nasa katwiran ka—'
"Ipaglaban mo!" Sabay nilang dinugtungan ang mga sinasabi ni ate Joy.
"Salamat sa inyo ah. Alam kong kasalanan ko rin pero salamat pa rin dahil pinapalakas niyo ang loob ko"
"Ano ka ba? Maliit na bagay. Kasing liit ng height mo" tawanan ang namayani sa buong silid. Ito talaga si Alex e.
"Sige na, punta ka na do'n para makabalik ka before ang second subject" sabi pa ni ate Joy. Tumango ako at lumabas sa silid. Nilakbay ko ang daan palabas. Kahit anong mangyari ay di ako susuko, tao lang sila. May diyos pa akong makakapitan.
Nakarating ako sa labas ng room ng head master. Ngayon ko pa naramdaman ang kaba na halos di na ako makahinga pa. Pipihitin ko na sana ang pinto nang may nauna doon. Nanlaki ang mga mata ko, mula sa paglabas niya ay sinundan ko ng timgin siya hanggang sa makaalis. Medyo nasaktan pa ako dahil hindi man lang niya ako tiningnan.
"Come in, Morales" pumasok ako sa loob at binaliwala muna ang mga iniisip ko. Kailangan kong harapin ito.
"Aware ka na kung bakit ka nandito?" Wala sa loob akong tumango. "You will face the consequences, Morales. Mabigat ang parusang nakaatang sa'yo dahil sa pagBastos mo sa isa sa mga stakeholders ng University, bilang isang head master ay kailangan kong aksyonan ito."
"Gawin niyo na kung ano ang gusto niyong gawin sa'kin master. H'wag niyo lang idamay ang mga taong mahalaga sa'kin"
"Morales, dalawang paraan lang ang dapat mong gawin para mabawi ang parusang nakaatang sa'yo" napahinga ako ng malalim.
"Ano po 'yon? Gagawin ko ito hangga't kaya ko"
"Hiwalayan mo ang boyfriend mo" nanlamig ako sa kinauupuan ko. Paano at bakit nila nalaman?
"Wala po akong dapat hiwalayan dahil wala akong boyfriend" I'm so-sorry Yuhan. Kailangan kitang itago sa ngayon.
"We both know, Morales na kayo ni Yuhan. Nakita ko kayo sa park no'ng mga nakaraan at inamin niya rin kanina na kayo na" ilang araw pa kami pero ito na agad ang suliranin na kinaharap namin.
"Hindi ko po magagawa ang gusto niyo master at bakit pati personal na buhay ko ay pinakikialaman ninyo!?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Binastos ko lang siya pero ang parusa mga taong mahal ko mawawala sa'kin? Nahihibang na ba siya? Binatos ko siya kasi deserve niya 'yon"
"Wala akong magagawa dahil siya ang may malaking shares sa University. Hindi ko pwedeng iligtas ka pero buhay at pangarap ng iba ang malalagay sa pilegro" mahinahon niyang sabi sa'kin. Naiintindihan ko naman na tungkulin niya 'yon pero studyante rin naman ako ah.
"Ano naman ang pangalawa?" Kahit ayaw kong marinig pero kailangan kong malaman.
"Sa kanila ka titira kasama ang mga kapatid mo" pagkatapos kong marinig ang mga 'yon na akong bumagsak sa upuang malapit sa'kin.
Mahirap mapili sa gusto mo at sa kailangan mo.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
