Mag-isa ako rito sa Cafeteria ng BAU. Wala kaming lecturer ngayon kaya, dito ko mas pinili ang tumambay habang naghihintay sa mga kaibigan kong na matapos ang kanilang mga klase. 'Di pa gano'n ka daming studyante ang nandito kaya medyo katamtaman lang ang ingay.
Nakita ko rin ang mga kaklase ko, tinanguan nila at ngiti naman ang iginanti ko.
Napagdesisyonan kong bumili muna nang makakain, dahil di ako nakakain kanina dahil sinundo ako ng mga kaibigan ko at sabay kaming naglakad papasok.
"Ate, napansin ko pong dumami ang mga sweets niyo ngayon." No'ng nakaraan ay lima o tatlo lang kaya 'yong pero ngayon halos ang laman ng stante ay puro sweets na.
"Ah, yan ba? Free taste yan ng mga college, ibinigay rito para matikman ng ibang mga taga BAU" sabi niya habang inihanda ang order ko. Napatango lang ako habang nagtingin-tingin sa mga cakes. Ang sarap niyan lalo na yung chocolate flavor. "Miss, anong gusto niyo pong tikman?"
"Yung chocolate cake po, ate. Design pa lang, masarap na"
"Naku! Di lahat ng maganda sa labas hija, ay maganda na rin sa loob." Nakangiti niyang ibinigay ang tray sa'kin. Nagpasalamat ako saka bumalik sa mesang tinatambayan namin ng kaibigan ko.
Di ako tanga para di maintindihan ang makahulugang sabi ni ate kanina pero pilit kong isawalang-bahala muna ito dahil nagugutom na ako.
Bago ako kumain ay kinuha ko ang cellphone na nasa aking bulsa at inopen ang camera para sana kuhanan ng litrato ang mga kinain ko at isend yun sa mga kaibigan para magpainggit pero sa di sinasadya, sa ibang direksyon kong natutok ang camera kung saan papasok pa ang isang tao sa cafeteria at ang mas nakakahiya ay nakita niya 'yon.
"Bwesit!" Bulalas ko at isinabit ang bag sa balikat at dala ang slice ng cake ay naglakad ako papuntang exit. Nakakahiya!
"Mare!" Doubleng kahihiyan pa no'ng malakas akong tinawag ni Uni. "Saan ka pupunta? Dito na" siya ang lumapit sa gawi ko at humila sa'kin pabalik sa mga kaibigan kong nakaupo na.
"Ba't namumutla ka? Di ka naman ba kumain kanina?" Sunod-sunod na tanong ni Uni. Binigyan pa ako ng tubig ni Ylona na mabilis kong ininom din.
"Bakit dala mo yang chocolate cake? Diba bawal magdala ng pagkain sa labas" puna pa ni Xy.
Mas napayuko ako. At umiiling-iling pa kaya pala pinagtitinginan aki kanina dahil sa bitbit ko. Napahiya na nga ako sa kaniya pati ba naman sa harap ng maraming tao?
"Nakita ko kanina" bulong ni Zai sa'kin. Tumayo naman ako at sinundan siyang nag punta sa counter. "Nakakahiya 'yon. Sobra!" Pinanggigilan ko pa siya.
"Ikaw naman kasi, may balak ka pang magpa- inggit sa'min e, ano ka ngayon?" Humalakhak pa siya kaya binatukan ko.
"Ikaw pa lang ang nakakaalam kaya secret muna natin"
"Ingat ka, Alli. Ang ganyang mga tipong ng lalaki, sa una lang yan maayos kapag nagtagal na makikita mo na ang totoong kulay nila"
"Opo mamie Zai, mag-iingat po ako" binatukan niya naman ako. "Make it serious, Alli. Di kami nagbibiro ni Yhel tuwing sinasabi namin yan sa inyo" tumango ako.
Si Yhel at Zai kasi yung klase ng kaibigan na, nagpapaalaala sa'min. Sila yung parang tumatayong lalaki sa grupo namin na handang protektahan kaming mga babae. Naalala ko pa nga no'ng grade 7 pa kami nakipagsuntukan sila dalawa dahil binatos kami no'ng lalaki. Kaya simula noon ay lagi na silang nandyan para sa'min. Sila yung tipong babae na allergic sa mga gamit pangbabae.
"Kinain na ni Uni ang cake mo kaya hiningan kita ng bago" sabay abot niya sa'kin ng dalawang slice ng cake.
"Gusto mo talagang tumaba ako"
"Wag ka ng umasa na tataba ka sa dalawang slice ng cake lang, Alli" may balak pa sana siyang idagdag pero tinakpan ko na ang bibig niya.
"Ang tagal niyo" reklamo ni Ylona.
"Mabuti pa nga at bumalik pa kami" sagot ni Zai. Ito talagang dalawang to. Sarap pag-untugin.
"Kain na, mag-aaway na naman kayo" si Yhel yan. Tagapamagitan ng dalawa.
Nakabalik ako sa classroom na sobrang busog, di kasi kumain si Xy dahil busog pa daw siya, kaya ibinigay sa'kin. Sino ba ang tatanggi sa pagkain diba? Kaya heto ako halos di na makahinga, kahit may gumamit sa elevator ay nagtiis ako, makakapaghintay naman ako kaysa sa hagdanan ang gagamitin ko. Baka pagdating ko sa taas ay mawalan na ako ng malay. Nakakabagod pa naman maglakad kapag busog, ang bigat kaya sa pakiramdam.
Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay Kinuha ko ang cellphone para sana magtext sa mga kaibigan na di ako makakasabay sa kanila pag-uwi mamaya kasi susunduin ako ni kuya pero imbes na sa messages ako ay napadpad ang mga kamay ko sa gallery ko. Napangiti ako no'ng makita ko ang litrato niya.
Ang kyut...
"Missy, di na daw papasok si ma'am ngayon. Bukas na lang daw tayo magluluto." Sabi ni ate Joy ang class president namin.
"Talaga te? Salamat naman kung gano'n" bumalik ako sa baba. Naghanap ako ng pwedeng upuan at 'yon may nakita akong isang puno sa gilid ng field kaya naglakad ako papunta doon. Nagchat rin ako sa gc namin na walang akong teacher. Nakita kong iseneen 'yon ni Uni.
Medyo walang utak:
Sana all walang teacher
Me:
Takas ka dali, nandito ako sa may ilalim ng puno.
Medyo walang utak:
Kung pwede lang tumalon dito sa second floor, ginawa ko na. Nakakaboring ang lection dito
Me:
Magtiis ka dahil yan ang pinasok mo
Medyo walang utak:
Nakakatamd mag-isip ng isasagot sa Statistic. Send answer
Me:
Wala ka namang utak kaya bakit ka nag-iisip. HAHAHAHA
Medyo walang utak:
Bwesit!
Pero now i know na wala pala talaga akong utak
Medyo Maria Clara:
Hoy! Gaga. Tumigil ka sa kakcellphone mo. Nakatingin si ma'am sayo
Me:
Yunnn HAHAHAHAHA. Cellphone pa more
"Kakaibang studyante. Ang lakas ng loob magcellphone kahit may teacher" napailing pa ako. Kahit kailan talaga Uni.
Nagscroll ako nang may nakita akong shared post. Familiar sa'kin ang nasa picture kaya tiningnan ko yon. Napangiti ako no'ng napunta ako sa timeline niya.
"Yuhan pala pangalan mo ah" tiningnan ko muna ang picture niya at isinave yon sa gallery ko. May passcode naman ang cp ko kaya no worries, di to makikita ng kahit sino saka crush lang naman ah.
Gusto ko siyang maging friend sa facebook kaso baka makilala niya ako kaya I choose na wag na lang muna. Darating din siguro ang araw o oras na magsend ako ng friend request sa kaniya but for now kuntento na muna akong makita ang litrato at malaman ang pangalan niya.
Nahagip lang ng camera ko kanina, ngayon ay crush ko na.
"Putek! Ang landi mo, Alliah!" Tinawanan ko pa ang sarili. Sariling support na kumbaga.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Fiksi RemajaUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
