Alliah's pov
Papasakay na ako sa kotse ko ng maramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko. Agad ko itong nilingon.
"L-let me e-explain" utal niyang sabi sa 'kin. Nginitian ko lang siya at tinanggal ang kamay niya.
"Hindi na kailangan. Malinaw na sa 'kin ang lahat."
"Siya ang unang humalik sa 'kin—"
"Ano naman ngayon? Siya o ikaw pa ang unang humalik ay wala akong pakialam, Yuhan!" Hinawakan niya ang kamay ko "Let me go! Sabing bitawan mo ako!" Buong lakas ko siyang tinulak palayo sa 'kin. Todo atras ako sa tuwing lalapit siya. Habang kaharap ko siya ngayon ay bumabalik sa alaala ko ang eksena kanina.
"Wala lang 'yong nakita mo kanina. Mahal kita Alliah" umiling-iling ako dahil sa sinabi niya. "Mahal kita, pinagsisisihan kong pinakawalan kita noon—"
"Pagod na akong maniwala sa 'yo. Pagod na akong umasa na babalik ka, na biro lang lahat ng masakit na nangyari sa 'ting dalawa. Hirap na hirap na akong papaniwalain ang sarili ko na masaya ako. Hirap na akong ngumiti at magpanggap na masaya ako. H'wag mo naman akong gawing tanga pa Yuhan" pagmamakaawa ko sa kaniya "Sabihin mo ng derekta sa 'kin lahat, h-hindi yung sasabihin mo sa 'kin na mahal mo ako pero hindi ko ramdam. Naging tapat kasi ako sa nararamdam ko sa 'yo e. Nagalit ako sa sarili kong kaibigan dahil ang akala ko ay totoo na siya ang pinalit mo sa 'kin dati. Mahal kita e, kahit hindi ako sigurado na mahal mo ako pero sumugal ako. Look at me now, hanggang ngayon ay ang sakit pa rin. Sana hindi na lang kita nakita pang muli"
"Please... Don't say that baby. Paniwalaan mo ang sinabi kong mahal kita—"
"Hindi mo ko masisisi kung natatakot na akong magtiwala sa 'yo dahil huling beses na pinagkatiwalaan at minahal kita ay nadurog ako" nakita ko kung paano gumuhit ang sakit sa mga mata niya pero nasaktan rin naman ako ah "Hindi ko nga alam kung minahal mo ba talaga ako o pinaglaruan lang dahil alam mong marupok ako"
"Oo, nakagawa ako ng kasalanan sa 'yo pero h'wag mo namang questionin ang pagmamahal ko sa 'yo!"
Hindi ako nagpapatinag sa mga sinasabi niya. Ayaw ko ng masaktan pa dahil lang sa kaniya
"Tigil na natin 'to Yuhan. Lalo lang tayong makakasakitan kung patuloy nating ipinaglalaban ang mga bagay na hindi na mabalik sa dati." Umiwas ako ng tingin sa kaniya nung lumuhod siya sa harapan ko. Lalong bumuhos ang luha ko sa nakita ko ngayon. "Handa akong lumaban Alliah basta't ikaw ang hangganan" hinalikan pa niya ang dalawa kong kamay at paulit-ulit na nagmamakaawa. May awa akong nararamdaman pero mas nangibabaw ang sakit.
"Para kang amplaya na sa tuwing makikita ko ay pait na agad ang nararamdaman ko" I paused. Pinahiran ko ang luha ko at pinigilan ang mga ito na tutulo pa. Tiningnan ko siya mismo sa mata niya. Halos bumigay na ako sa mga imosyong nakikita ko roon but I need to be strong to faced it. "Siguro, tama nga ang mga kaibigan ko... Na naging marupok ako pagdating sa 'yo. Pero wala na dapat silang alalahanin pa. Starting today wala na akong ikaw na nakilala—"
"Please—"
"Tulad ng sabi ko sa 'yo noon. Kalimutan mo na ako at kakalimutan ko na rin na minsan'y may isang Yuhan na dumating sa buhay ko"
~•~•~•~
Nagpunta ako kinabukasan sa opisina ko na parang walang nangyaring sagutan at iyakan sa pagitan naming dalawa. He tried to approach me kanina pero ako na mismo ang umiwas sa kaniya.
"Anong nangyari sa pagitan ninyo dalawa?" Miguel ask me habang nakaturo kay Yuhan na nasa kabilang lamesa. May tinitingnan sa laptop niya.
"Nothing" usal ko.
"Impossible sis. Kanina ko pa kayo napapansin na hindi kayo nagkakakibuan. Naapektuhan na ang meeting natin"
"Fine." Pagsuko ko dahil hindi ako titigilan ni Miguel sa katatanong. "Nagkasagutan kami kahapon"
"Why?"
"About the past. Do you remeber Sarrah?"
Tumango siya "Yeah. Siya 'yong nagpakilala bilang girlfriend ni Yuhan nong bumisita tayo sa hospital. Bakit anong nangyari?"
"Siya ang Engineer na ginuha ni kuya, kaibigan siya nung architect na classmate ko noong high school." Tumango-tango pa siya habang nakikinig sa mga sinasabi ko "Nagkita kami sa bahay at nakita ko kung paano sila naghalikan"
"Damn! Sa bahay pa talaga!?" Nanlaki pa ang mga mata niya. Pinigilan ko pa siya na makagawa ng anumang ingay para maiwasan ang paglingon ni Yuhan sa gawi namin.
"Hinaan mo ang boses mo. Maraming makarinig" saway ko pa sa kaniya.
"Gago siya! Kailangan nating blessingan ang bahay nila mama Alliah. Ayaw kong madungisan ng higad ang tinitirahan ng pamilya natin" natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya.
"Tumahimik ka na nga. Tara na nga balik na tayo sa meeting room"
"Teka—" pigil niya sa 'kin.
"Ano?!"
"Ang puso mo kumusta na naman na?" Nakangisi niyang tanong sa 'kin. Ngumiwi ako saka tuluyan siyang tinalikuran.
"Baby ate, ano nga? I'm serious" pangungulit niya pa sa 'kin. "Tigilan mo ako Miguel"
"Ang killjoy" sinamaan ko siya ng tingin pero ngumuso lang siya. "Dali na kasi. Sumbong kita ang kuya Red e"
"Akala mo naman ikinatakot ko yan"
"Sige kapag hindi mo sasagutin ang tanong ko. Sasabihin ko kay Captain na bitter ka pa rin hanggang ngayon" hinampas ko naman siya.
"Leche ka! Kapatid ba talaga kita?" Tawa lang siya ng tawa habang ako ay napayuko dahil sa hiya. Ang lakas kasi ng boses ng mukong na 'to. Napatingin tuloy ang mga taong nadaanan namin.
"Ano na kasi! Halatang bitter ka pa e" pangungulit niya na may halong pang-aasar sa 'kin.
"Dapat nga na ikaw ang pagsabihan ko niyan e. Ilang taon mo ng hindi kinakausap ang kaibigan ko. Ang hina mo naman bro" napanguso lang siya. "Galit yarn?"
"Heh! Hindi ako makalapit sa kaniya e. Everytime na lalapit ako ay lagi siyang lumalayo. Tulungan mo kaya ako ano?" Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa. I patted his shoulder bago ako naunang naglakad papasok sa meeting room.
Pagkaupo ko saka lang siya pumasok at tiningnan ako ng masama. I just smiled at him kaya inirapan niya ako.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Fiksi RemajaUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
