"Aalis si Kuya Red" kwento ko kina Yhel at Uni. Sila lang dalawa ang kasama ko ngayong vacant kasi ang tatlo may quiz kaya nandon sa library. .
"Saan naman pupunta?" Tanong ni Yhel habang nagstrum sa gitara niyang bagong bili. Humiga muna ako sa damuhan ng field, nakaunan rin ako kay Unika na may sinusulat pa sa notebook niya.
"Magtatrabaho. Kinumbinse ko nga 'yon na wag na lang aalis kaso 'di na talaga siya mapipigilan. Nakabook na ng ticket" malungkot na ani ko. 'Di talaga ako sanay na wala si kuya sa bahay. Siya kasi yung tipong kapatid na sobrang sama mang-gising. Kahit minsan sarap niyang ipaampon kila aling Bibang.
"Diba may tatay naman kayong mayaman na dapat sumusuporta sa inyo?" Sabat ni Uni. Napailing ako saka tumingin sa mga dahong tinatangay ng hangin.
"Hindi rin ako papayag. Mas mabuti pang wala kaming makain kaysa sa tumanggap ng tulong galing sa kaniya"
Broken family is not easy sabi nga nila pero para sa'kin it is the best choice. Ano naman kung walang tumatayong ama sa'min at least binuhay kami ni mama ng maayos. Kaysa naman sa nagsasama nga e, pag-aaway naman ang namayani sa buong bahay. Kaya kung ako ang papipiliin gusto kong walang kinikilala na ama kaya sa makita ko nga siya pero kasalanan niya ang lagi kong maalala.
"Alam mo kasi, Alli. Try mo kayang patawarin ang papa mo, try mong pakinggan ang side niya" sabi pa ni Yhel.
"Hindi na. I love my father Yhel but I'll never mary a man like him"
Mahal ko si papa kahit saang anggulo naman tingnan pero hinding-hindi talaga ako mahuhulog o magmamahal ng lalaking tulad niya.
"Naku! Di mo pa knows ang future Mare. Paano kung mahulog ka sa lalaking gwapo pero gago" napaayos pa si Uni sa pag-upo. Bumangon naman ako at pumagitna sa kanilang dalawa.
"Tama si Uni, Alli. What if pareho ang kapalaran niyo ng mama mo?"
Bumuntong hininga ako.
"Hindi naman pareho ang maging kapalaran ng isang tao girls"
"What if nga lang!" Sabay pa nilang sabi sa tainga ko. Napalayo ako ng kaunti sa kanila at hinampas sila.
"Kung mangyayari man yan. Hindi ako iiyak" tumawa sila pero nanatili akong nakatingin sa kawalan. Kung mangyayari mang ipagpalit rin ako ng lalaking mamahalin ko ay di ako iiyak.
"Tang*nang joke yan mare!"
"Totoo, hinding-hindi ako iiyak dahil lang sa isang lalaki. Hinding-hindi ako mgmamakaawa para sa pagmamahal lang nila." Ramdam ko ang mga tingin nila sa'kin "I'm worth it" dagdag ko pa.
Matapos ang dramahan moment na 'yon ay naiwan akong mag-isa. Naglakad ako ngayon sa hallway at balak kong pumunta sa mall ng BAU para bumili ng ingredients dahil may cooking kami mamaya.
Pasalamat nga kami dahil di nag eexist ang bully sa BAU dahil kung sakali man isa na siguro kami sa target nila. Kaming magkakaibigan ay di biniyayaan ng yaman, saktong makakain lang ng tatlong beses sa isang araw pero kahit na ganito ang sitwasyon namin patuloy pa rin kaming nagsusumikap para balang araw ay maabot namin ang pinapangarap.
Sandali akong napahinto no'ng makita ko ang familiar na mukha. Nakaupo siya sa isang plastic na upuan habang laro-laro ang bola ng soccer sa kamay. Nag-alangan akong magpatuloy dahil madadaan ko siya, nakakahiya kung makilala niya ako. Baka isipin niyang may gusto ako sa kanya dahil sa aksidenting pagkuha ng litrato na 'yon.
Umangat ang tingin niya, na naging dahilan ng pagmamadali ko sa pag-atras para sana makaiwas pero naramdaman ko ang sarili na nakaupo na sa field. "Shit!" Ang sakit ng puwit ko.
Isang kamay ang lumitaw sa gitna ng pag-inda ko sa sakit. Matagal ko itong tinitinggan bago unti-unti tumaas ang tingin ko papunta sa mukha niya, nakasuot pala siya ng itim lahat. Inabot ko ang kamay niya edi syempre magiging choosy pa ba ako? Chance ko ng mahawakan ang kamay niya.
Napapikit pa ako habang kagat-kagat ang ibabang labi ko dahil sa pagpipigil ng ngiti.
Ang lambot ng kamay."Are you okay?" Shunga ka crush! Kung pwet mo kaya ang tumama sa may bato di ka ba masasaktan, pero since mabait ako sa'yo edi ikaw na ang superhero ko. "Masakit ba ang pwetan mo? Gusto mo hilutin ko" dahil sa sinabi niya ay napalayo ako ng kunti sa kaniya.
"Tang*na!" Bulalas ko, narinig ko pa siyang tumawa ng mahina.
Naks, pati pagtawa ang sexy..
"Kidding" bawi niya. "Here's" alok niya sa braso niya. Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka. Anong gagawin ko sa braso niya? Putulin at iuwi sa bahay para may souvenir ako. "Kumapit ka na lang sa braso ko, mukhang masama ang pagkabagsak mo" siya na rin ang kusang kumuha ng kamay ko at inangkla yon sa braso niya.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong niya
"Bibili ng ingredients" maikli kong sagot, naramdaman kong tumango siya at niyaya ako sa paglakad. "Baka may practice kayo. Ayos na ako pwede mo na akong iwan" nahihiyang sabi ko pero may halo pa 'yong lungkot di ko lang pinapahalata. Ngayon ko lang napansin na nakajersey pala siya ng pang soccer at hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ang bola sa kabilang kamay.
"Kinancel ko na" napatingin ako sa kaniya. "Bakit naman sayang ang oras" sabi ko at ibinalik ang tingin sa nilalakaran baka matisod ako. Mahirap na, baka di ako masalo.
"May mas mahalaga akong gagawin kaysa sa pagpa-practice" pasekreto akong ngumiti. Baka dahil sa'kin kaya cancel ang practice nila. 'Di masamang mag-aasume basta di lang labis, masakit kaya ang umasa.
"Ako na ang kukuha sa mga kailangan mo." Sabay kuha niya sa listahan na bubuklatin ko sana. Mabuti na lang at maganda ang pagkakasulat ko nun, di siya ma-discourage kapag nakita na niya. Nakita kong natigilan siya sandali at tumingin sa'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay para kunwari nagtataka ako kung bakit siya tumingin sa'kin.
"You're friend of Ylona right?" Tanong niya na ikinawala ng kilig ko sa katawan. Si Ylona ba ang gusto niya?
"Yeah" napaiwas pa ako ng tingin "bakit mo natanong?" Lakas loob kong tanong sa kaniya. Napapaypay pa ako sa sarili baka 'di ko kayanin ang maaari niyang sagot sa tanong ko. Inabala ko rin ang sarili sa pagtingin ng mga display kahit di ko halos makilala kung ano ang mga 'yon dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Wala lang" maikli niyang sagot at ibinalik ulit ang attention sa yellow na papel na hawak niya.
Maganda naman talaga si Ylona, siya 'yong mahilig sa pangkikay na kagamitan kaya di na ako magtataka kung sakaling magustuhan siya ni Yuhan, maging masaya na lang siguro ako para sa kanilang dalawa.
Peyn...
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...