"Good morning po" bati ko no'ng makasalubong ko pagkababa ang asawa ni dad. Natigilan at nanlaki ang mata niya pero ngumiti lang ako sa kaniya. Tuluyan akong bumaba, dumaan muna ako sa kusina, may nakahanda ng pagkain doon kaya kumuha na ako. Papalabas na ako no'ng makasalubong ko si Miguel.
"Mauna na pala ako sa'yo. May cooking kami ngayon umaga" wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya nilagpasan ko na lang siya.
Napapikit ako no'ng makalabas na ako. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko. Ang hirap palang magpanggap. Ang hirap paniwalain ang sarili na okay ka kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Pero ano pa ang magagawa ko diba?
Sumakay ako sa kotse na maghahatid sa'kin papunta sa BAU. Nakatingin lang ako sa labas habang nilakbay namin ang daan. Na'ng makarating na kami ay tumakbo na ako papasok at hindi man lang ngpaalam.
Habang naglalakad ay biglang tumunog ang cellphone ko. Gumilid muna ako at sinagot ang tawag. "Ma" ani ko.
"Kumusta ka na?" Tumalikod ako dahil may kaunting tumulong luha sa mata ko. "Ayos lang naman po. Kayo ba?" Gusto kong magsumbong kay mama, gustong umuwi at yumakap na lang sa kaniya pero medyo malayo siya e saka hindi rin ako papayagan. "Kumiiyak ka ba anak?"
"Hindi ah. Malakas 'tong anak mo. Hindi ako iiyak" narinig kong tumawa siya. "Sabi ni Miguel sa'kin may boyfriend ka na daw" natigilan ako. "Ipakilala mo na sa'kin, at nang makilatis ko" dagdag pa niya pero nanatili akong tahimik.
"Anak?" Napapikit ako at kinalma ang sarili na di humagulgol. "H-hello ma. Hello. Hello" nagpanggap akong nawala ng signal para maiwasan ang mga tanong niya. Nagtagumpay naman ako at binabaan niya ako. Napahinga ako ng malalim bago humarap.
"I'm sorry, ma" bulong ko.
Seeing them makes my heart broke into small pieces. I witness how they smile for each other. Ako na lang ang umiwas at naglakad palayo sa kanila.
Ayaw ko ng gulo, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa nakita ko. I love the both of them. Inamin na naman ni Yuhan pero bakit ang sakit pa rin na gano'n ang makita ko ng harap-harapan. Akala ko ba hindi niya gusto pero bakit ngayon magkasama na silang dalawa.
"Hey, umiiyak ka na naman" hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "No, I'm not. I am not Morales for nothing" sagot ko sa kaniya habang nakayuko.
"How many times did I told you that you need to face your problem"
"Wag ka nga! Mala-late na ako" sinubukan kong itulak siya pero ako pa ang muntik matumba. "Ano ba! Zyrone. Aalis na ako" naiinis na ako sa kaniya.
"No. Sumama ka sa'kin" hinawakan niya pa ang pulsuhan ko pero nagmamatigas ako. "Look, I'm just helping you. Kung makikita ka nila na gan'yan sa tingin mo kaaawaan ka nila? Of course hindi, pagtatawanan ka lang nila. You need to accept the fact na hindi lahat ng minahal mo ay mamahalin ka hanggang dulo" hindi na ako makapagsalita kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na hilahin ako. Hindi na ako nagmatigas pa.
—
"Alliah" medyo nagulat pa ako no'ng may mga nagsalita pagkalabas ko ng classroom. Ngumiti ako ng malaki no'ng makita ko sila. Patakbo akong yumakap sa kanilang apat. "We heard the news" bulong nila.
"I'm okay"
"Kalokohan" sagot nila.
"Tara na kakain na tayo. Kailangan ko ng pang-energized ngayon. May cooking kami mamayang hapon." Sabay kaming bumaba habang nagkapit bisig pa.
"Kami na ang bahala sa kakainin mo ngayon. Anong gusto mo chocolate cake?"
"Wala ka talagang utak!" Binatukan pa nila si Uni "Tanghalian na kaya"
"Favorite kasi ni Alli ang cake kaya baka gusto niya pampatanggal sa sama ng loob" sagot nito.
"Hanap ka nga ng bagong kaibigan" tinulak pa siya ni Zai kaya ngumuso siya habang nakakapit sa braso ko.
"Ang sama niyo sa'kin."
"Alli, uuwi ka ba kay tita sa weekends?" Tanong ni Xylem. "Oo, doon na rin ako titira. Wala na namang saysay kong tumira ako sa bahay nila Miguel, wala na ang ipinaglalaban ko e"
"Hindi talaga lahat ng tao mananatili sa tabi natin" sabi pa ni Xy.
"Paano kung tanggalin ang scholarship mo? E diba ang papa mo ang nagbabayad nu'n?" Tanong ni Yhel. Napag-isipan ko na ang desisyon ko kagabi, kung ano ang gagawin niya hahayaan ko na lang siya basta ang mahalaga hindi ko iiwan si mama at hindi ko susukuan ang pangarap ko.
"Paghahanap ako ng bagong paaralan" sagot ko sa kanila.
"Tutulungan ka naming makiusap, Alli. Noon pa man pangarap na nating anim na makapasok sa Black Ace University, hahayaan mo na lang na mawala ng basta-basta na lang" tama si Zaina, simula elementarya pa lang ay itong paaralan na ang pangarap naming pasukan sa SH.
"Tayong anim ang pumasok dito at sabay din tayong mawawala sa campus na'to. Hindi ka namin iiwan Alliah. Laban ng isa laban nating lahat" ani ni Uni. Napayakap na lamang ako sa kanilang apat. Ang swerte ko talaga at may kaibigan akong tulad nila. Hindi nang-iiwan sa ere kapag nagkaroon ng problema.
"Si Ylona yan diba?" Narinig kong tanong ni Zai sa kanila. Nauna akong pumasok sa cafeteria at hinayaan na lamang ang dalawang tao na pinagtitinginan nila.
"Paano niya nagawa kay Alliah 'yon?"
"Ibang klaseng kaibigan"
"Ang galing niyang tumira patalikod ah. Walang utang na loob ang gaga"
"Baka may rason siya kung bakit niya yan nagawa. Kahit papaano ay kaibigan rin naman natin siya. Hintayin nating magsabi siya, sa ngayon kakain muna tayo para makabalik sa room" sabi ni Yhel na ikinatigil ng tatlo. Nakikinig lang ako sa kanila habang sumusubo kahit ay totoo ay walang lasa ang kinain ko. Patuloy ko lang ipinapasok sa bibig ko.
—
Patuloy na kumakalat sa loob ng campus ang nagyari sa pagitan namin ni Yuhan. Kahit ilang ulit kong baliwalain ang mga 'yon pero maulit ding bumabalik sa isip ko dahil sa mga nagkalat na litrato at mga walang katutuhanang bagay.
Ako na nga itong iniwan ako pa ang nalalagay sa category na manloloko. May kumalat kanina na kaya kami naghiwalay ni Yuhan ay dahil sa third party at ang mas malala pa ay ako ang nangaliwa.
Masarap magsabi ng totoo pero minabuti kong matahimik na lang. Mahal ko siya— mahal na mahal hanggang ngayon ay masakit pa rin sa'kin ang nagyari sa'ming dalawa pero hindi ko na alam kong saan pa ba ako dapat lumaban pa.
"Yuhan" I called him. Unti-unti siyang humarap sa kinaroroonan ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" Wala namang masama kung mag take risk diba?
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan Alliah. Tapos na tayo" madiin niyang pagkakasabi.
"Akala ko ba hindi ka niya gusto, b-bakit ngayon magkasama na kayo"
"Mahal namin ang isa't isa Alliah. Wala ka ng magagawa doo'n" binalingan ko ng tingin ang babaeng gusto kong suntukin.
"Alam mo. Pinagsisihan kong nakilala kita. Naging maganda ang pakikitungo ko sa'yo dahil kaibigan kita pero dahil dito sa ginawa niyo, hinihiling ko na sana hindi na lang nag cross ang mga landas natin. Remember this Ylona, nasira mo na ang tiwala ko, kahit anong gawin mo hindi na 'yon mabubuo"
Nilampasan ko silang dalawa at nagpunta sa cookery lab.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Fiksi RemajaUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
