Ilang linggo na ang lumipas, kahit papaano ay nakatagal naman ako sa bahay na'to. Wala namang kakaibang nangyari kaya kalmado pa ako. Ngayon ay ang araw na pupunta kami sa campus, wala kaming pasok pero may laro sila Yuhan sa soccer.
Lumabas na ako sa kwarto ko pero himdi ko inakala na nando'n pala si Miguel sa labas. Nakasandal sa kabilang pinto. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
"Hinintay ka, sabay na tayong pumunta" maayos niyang sagot sa'kin. "Para may masakyan ka rin pauwi, malayo ang bahay natin sa gate kaya baka maligaw ka" pagpapatukoy niya.
"Sige tara" sabi ko. Nauna akong lumakad sa kaniya. Hindi pa kami nakakababa sa hagdanan na'ng may humarang sa'min.
Tinaasan niya pa ako ng kilay habang naka cross ang braso. "Saan kyo pupunta?" Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hinila niya naman ako kaya humarap ako sa kaniya.
"May lakad kami Xianne. Tigilan mo na si Missy" saway ni Xyrus sa kapatid niya.
"No, I'm going to tell it to dad. I know that you will meet your boyfriend" pagmamatigas niya.
"Ok" maikli king sagot sa kanoya. Kahit 'di naman niya isusumbong ay malalaman din ito. Ano naman kung makipagkita ako? Masama ba? Ginawa ko na naman ang gusto niya.
"Don't dare, Xianne. 'Wag mong ubusin ang pasyensya ko sa'yo" madiin na pagkakasabi ni Miguel do'n.
"Sorry for that. Hindi na dapat siya umaakto ng gano'n dahil 16 years old na siya pero nasanay kasi siya kay mommy kaya gano'n" sabi niya kahit 'di ko itinanong.
"Okay lang. Wala namang masama sa gagawin ko, sinunod ko na siya sa gusto niya"
"But always remember, Missy na hindi siya titigil hangga't hindi niya kayo makukuha"
"Kung sakaling mangyari ang mga tumatakbo sa isip ko, hinding hindi ko na siya mapapatawad" muli tumahimik ang paligid namin dalawa hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Umupo kaming pareho sa backseat kasi may driver siyang dinala.
"Happy Birthday" he whispered. Napangiti pa ako. "Buti ka pa nakaalala"
"Pagkatapos ng laro nila Yuhan, magcecelebrate tayo sa birthday mo. Pwede nating isama ang mga kaibigan mo" tumango na lang ako. Basta ba kasama sila e doon ako.
Nakarating kami sa Black Ace University. Sabay kaming pinagtitinginan ng mga studyante. Nagtataka sigyro sila kung bakit kami pagkasama. Binaliwala lang namin ang bulungan at dumiretso sa field ng campus. "Nasa may puno daw sila" tumango si Miguel.
Isa lang naman ang puno sa field kaya alam kong nando'n na ang mga kaibigan ko.
"Mare, namiss kita" sabay yakap sa'kin ni Uni. Bago ang iba. "Kumusta kayo, ilang linggo na tayong 'di nagkita-kita" masayang sabi ko sa kanila.
"Ito buhay pa naman" sagot ni Yhel
"Ako malapit ng mamatay..." Sabi ni Ylona at tumingin pa ito sa likuran ko bago tinuloy ang pagsasalita "...dahil sa statistic"
"Ayieee" siniko pa ni Ylona si Xy.
"Maupo na kayo, magsisimula na ang laro ng mga boyfriend niyo" sabi ni Zai. Nagsiupuan naman kami pero itong isa nakatayo lang.
"Miguel, upo ka na." Hindi makapaniwala siyang tumingin sa'kin. "Magsusimula na kasi saka matagal-tagal pa naman bago matapos" pagpapatuloy ko. Tumango siya habang nakangiti at umupo ito sa tabi ko.
Naghiyawan ang mga nanunuod. Nakita kong pumasok na sa field ang team nila Yuhan. Kahit naka jersey ang gwapo pa rin niya. Nagpalinga-linga pa siya, no'ng magtama ang mga mata namin ay ngumiti ito at nagflying kiss pa.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
