"Wazzup, kurimaw!" Napairap ako. Pumasok si Unika kasama si Zaina sa opisina ko. Itinuloy ko lang ang ginawa ko. Naramdaman kong nakisilip sila sa mga ginagawa ko. Kaya umayos ako ng upo at tiningnan sila ng masama.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo papunta rito,?" Nakataas kilay kong tanong sa dalawa. Nag-unahan naman silang bumalik sa harapan ng mesa ko at naghihilahan sa iisang upuan nando'n "Kapag itong table ko ang masira, ipupokpok ko talaga 'to sa mga ulo ninyo" tinawanan lang nila ako. Nagtagumapay na nakaupo si Uni habang si Zai ay nakabusangot na umupo sa isang maliit na upuan gawa sa kahoy.
"Mare, wala ka bang pagkain dito" tumayo pa siya at hinalungkat ang maliit na refrigerator ko. "Naturingang pagkain ang negosyo pero walang pagkain" reklamo niya at bumalik sa gawi ko.
"Nando'n sa labas ang mga pagkain" nguso ko sa pintuan.
"Meron nga may bayad naman" ani ni Zai.
"Wala ng libre sa panahon ngayon"
"Mayroon!" Sabay nilang sabi "No'ng Sunday ay lumabas kami ni Yhel kasama si Doc. Sarap pala talaga kapag libre"
"Ayos na sila?" I ask them.
"Ewan ko. Masaya naman sila, nakakaboring nga"
"Oo nga. Laging nagsusubuan ang mga putek! Sa harap namin" reklamo nilang dalawa kaya tinawanan ko.
"Kayo ba ni Mr. Drama, Zai nagkita na ulit kayo?" Nakita ko kung paano biglang umangat ang isang kilay niya na nangangahulugang di siya sasagot sa tanong ko. "Halatang hindi pa" ako na lang ang sumagot.
"Kung kailan pwede na ako saka naman siya wala" mahina pero narinig kong sabi ni Uni.
"Ayos lang yan. 'Wag ka ng malungkot Uni, wala rin naman kayong label noon"
"Letse!" Tinawanan lang namin siya ni Zai. "Apektado ka pa rin hanggang ngayon. Sino ang marupok sa 'tin aber" pang-aasar ko kay Unika. Na ngayo'y pulang pula dahil sa inis.
"Kapag talaga makita ko ang lalaking 'yon. Makikita niya ang ganti ko"
Natahimik kami no'ng may kumatok. Pumasok doon si Xianne.
"Hi mga ate. Nadistorbo ko ba kayo?" Sabay kaming nagsiilingan. "Ate, alli. Pinapasabi ni kuya na ngayon darating ang kinuha niyang mag-mamanage sa branch na bubuksan natin"
"Akala ko ba next week pa?"
"Yan po ang inutos ni kuya Red ate bago umalis para tingnan ang lupa na inutos mo" napatango na lang ako. Tumingin naman ako sa gawi ng dalawa.
"Xianne, pakisamahan muna ang mga ate mo sa labas. Maghahanda lang ako dito"
"Libre mo kami, Alliah"
"Oo nga, mahiya ka naman sa 'min. Malayo pa ang bahay namin saka naglakad lang kami papunta rito"
Napailing na lang ako sa inasal ng dalawa. Para talagang mga bata jusko!
"Sige" nagdiwang naman silang dalawa
"Basta ililista ko sa utang ninyo sa'kin"
~•~•~•~
May kumatok uli kaya inihanda ko ang sarili.
"Come in" sabi ko habang inaayos ang mga papeles na naglakat sa mesa ko. Inilagay ko sa ayos ang mga ballpen. Inusog ko rin sa gilid ang mga folders na hindi ko pa natingnan dahil sa biglang pagdating ng dalawa.
"Ehem" peking ubo ang narinig ko bago unti-unting itinaas ang tingin. Mula sa sapatos na sing kintab ng tiles sa opisina ko. Sa black slacks na plansyadong plansyado. Sa skyblue na longsleeve na tinupi hanggang siko hanggang sa mukha niya. Halos hindi ako makahinga sa nakita ko ngayon. Bahagya pa akong napaatras at pilit na iniwaksi ang nakita ko.
Nananaginip lang ako...
"Let's start" 'yon na lang ang nasabi ko pagkatapos kong palihim na kurutin ang hita ko.
Itinuro ko sa kaniya ang upuan na nasa harapan ko.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit siya? Sa dinarami-rami ng tao sa mundo bakit siya pa.
Palihim akong napatingin sa kaniya. Nakangin naman siya ngayon sa kabuuan ng opisina ko. Malaking ang pinagbago niya magmula no'ng makita ko siya nong kakagraduate pa lang namin. Naalala ko pa ang mga ginawa niya sa 'kin sa panahon na 'yon kaya napailing ako at napahawak sa puso ko. Hindi pwede! Hinding- hindi!
Nakikinig lang ako sa pinagsasabi niya about business. Kahit hindi ko na nasubaybayan ang pag-aaral niya noon ay nakita ko ngayon na magaling siya. The way he stand, kilos at pananalita niya ay parang sanay na sanay na siya sa ginagawa. Napaiwas ako ng tingin no'ng bigla siyang napatingin sa 'kin habang nagsasalita pa rin.
Ewan ko pero biglang tumibok ang puso ko. Nasapo ko ang dibdib ko at napakagat labing yumuko.
You're done with him, Alliah. Remember that.
~•~•~•~
Susubo na sana ako nang may kumatok na naman.
"Come in" ipinatong ko ang dalawang siko sa mesa at hinintay kung sino man ang pumasok. Kusang nagsalubong ang kilay ko no'ng makita ko ang familiar na kulay ng longsleeve. Braso pa lang ang nakita ko pero halatang kung sino siya.
What the— bakit nandito pa siya
Palihim akong napatingin sa relo ko.
It's 11:30 pm
"Bakit nandito ka pa?" I ask without looking at him.
"Hindi na ako umuwi dahil masyadong traffic" he replied. Tumango lang ako at nagsimulang sumubo na at pilit na tinatanggal sa paligid ko ang presyensya niya.
"Red told me na kailangan mo ng lupa para pagtatayuan mo ng bahay. May kakilala akong nagbebenta"
"Si kuya na ang naghahanap. Don't worry"
"Ipinatanong pala niya kung may gagawin ka ba daw bukas"
"Bakit sa 'yo niya idinaan ang tanong para sa'kin?" Mapanuyo kong tanong sa kaniya. Nagkabitbalikat lang siya. "Pupunta kaming magkakaibigan sa hospital bukas"
Matagal na akong hindi nakakadalaw doon. Baka magtampo 'yon sa'kin at hindi na gigising.
"Visiting him?" He ask
"Yeah"
"Ikumusta mo na lang ako" napatingin ako sa kaniya na seryosong kumakain.
"Why?" Nagtaka siya sa naging tanong ko
"I mean, bakit? Hindi ka ba dumalaw sa kaniya?" Mahina siyang umiling.
"Pinangako ko kasi sa kaniya na dadalhin ko ang babaeng papakasalan ko kapag dadalaw ako sa kaniya"
Edi ako na lang ang dalhin mo
Napailing ako sa tumatakbo ng isip ko. Masyadong marupok at assuming.
"Bakit wala pa ba?" Inihanda ko ang sarili ko sa maari niyang isasagot sa 'kin. Natahimik siya sandali.
"Meron na" napatingin ako sa kaniya. Nagkasalubong ang tingin namin ako na ang unang umiwas.
Medyo masakit pero carry lang. Sanay na...
"I'm happy for the both of you" 'yon na lang ang nasabi ko. Wala na ring nagbalak na magsalita pa kaya natapos kami sa pagkain.
Nauna akong lumabas doon sa opisina ko at nagpunta sa kusina ng restaurant. Inilock ko ang pintuan saka ako napasandal habang nakahawak sa kaliwang dibdib ko.
Ang sakit pa rin pala
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
