Chapter 22

81 7 0
                                    

"Ma, Alley nandito na po ako!" Sigaw ko no'ng makapasok na ako sa bahay namin. Inilapag ko muna ang bag ko. Lumabas sila galing sa kusina na may dala-dala pang mga pagkain kasunod ang apat kong kaibigan. Na mukhang tanga habang suot-suot ang party cap.

"Happy Birthday" sabay nilang sabi. Nanlaki pa ang mga mata ko kasi dalawang linggo na magmula no'ng kaarawan ko. "Halika na at tayo'y kakain na"

"Missy, saan ba 'to ilalagay" napalingon kaming lahat sa lalaking kakapasok lang at buhat-buhat ang isang cartoon. Pinadala 'yan ng ama namin na hindi ko pa alam kung anong meron sa loob. "Hi po tita, magandang araw po" bati niya kay mama.

"Dito mo lang 'yan ilalagay, Miguel." Tinulungan niya pa itong ibaba "bakit ang bigat nito. Ano ba ang laman ng kahong ito, Alliah"

"Hindi ko po alam. Pinadala lang 'yan e. Baka bomba" nagtakbuhan naman ang mga kaibigan ko. Kaya natawa kaming tatlo pati nga si Alley na nanunuod lang ng tv nakikitawa sa'min.

"Mga gamit yata 'yan ta. Hindi ko alam kung bakit pinadala ni dad 'yan kay Missy"

"Oh, siya halina kayo at tayong kakain na." Yaya ni mama sumunod naman kami sa kaniya papasok sa kusina. "Si Miguel, anak. Na saan?"

"Ewan ko po"

"Aba! Alliah, tingnan mo doon sa labas. Nakakahiya sa mga magulang niya kung hindi natin siya papakainin bago umuwi" tumayo ako ulit at naglakad palabas.

"Miguel kain ka muna sabi ni mama" sabi ko sa kaniya. Ngumiti pa ako para hindi niya mahalatang napipilitan lang ako.

"Sige susunod lang ako" ngumiti rin siya sa'kin.

"Susunod lang daw siya" sabi ko kay mama at umupo na. Nag-uumpisa na ako sa pagsubo ng may naramdaman akong tao sa likod. Ang kinauupuan ko kasi ay nakatalikod sa pintuan. Napatingin ako sa kaibigan kong nagsikainan lang. Baka guni-guni ko lang 'yon.

"Allen" nabitin sa ere ang kutsarang dapat isubo ko na. Nanigas ang leeg ko, hindi ako makagalaw nang marinig ko 'yon. "Mirx, buti nakarating kayo"

"Mga anak, ang papa niyo nandito" nanatili ako sa kinauupuan ko. Napatingin din sa gawi ko ang mga kaibigan kong natigilan din sa masayang pagkain. Agad na tumakbo si Alley papunta sa kaniya. "Missy" napapikit na lang ako at walang nagawa kundi ang tumayo at lumapit sa kaniya. Nagmano ako pagkatapos ay bumalik na agad sa pagkain ko. Inubos ko 'yon dahil himdi pwede kay mama na mag-aksaya ng pagkain. Kahit bigla akong nawalan ng gana ay pinilit kong lunukin ang pagkain.

"Ma, labas lang po ako" nagpunta ako sa labas ng bahay namin at doon umupo sa tabi ng kalsada. Hindi pa naman mastadong madilim kaya nakikita ko pa rin kahit paaano ang mga taong naglalakad. Hindi naman kami mayaman kaya himdi private place ang tinirahan namin.

"Sumunod pala kayo? Natapos ba kayo sa pagkain?" Tanong ko sa apat nong umupo sila sa tabi ko.

"Mas masarap pala dito sa labas tuwing gabi no? Maraming bata ang naglalaro"

"Kapag may mga special na okasyon mas dadami pa ang mga taong nandito" sagot ko kay Xylem.

"Tara laro tayo ng luksong baka" yaya ni Yhel sa'min.

"Nah! Kayo na lang. Ako na lang ang titingin sa kung sino ang taya"

"Zai naman! Minsan lang 'to kaya sulitin na natin" sabi ni Uni. At hinila pa ito. "Kayo na lang. Nakapalda ako o"

"May short ka namang panloob kaya ayos na 'yan" sabi ko at nakihila rin sa kaniya "Ganito na lang, tanggalin mo muna ang palda para makakilos ka ng maayos"

"Ayaw ko nga, baka may makakita sa'kin na naka short" mabilis niyang tanggi.

"Zai, natural lang sa isang babae ang magsuot ng short ang mahalaga e hindi sobrang ikli at 'di nakakabastos tingnan"

Napapayag namin siya kaya natuloy ang paglalaro namin ng luksong baka. Kadalasang natataya si Xylem dahil sa 'di naman siya binayayaan ng height katulad ng iba sa'min. "Ang daya niyo naman e. Pinagkaisahan niyo lang yata ako dahil hindi ako makaabot" reklamo niya.

"Oii, hindi ah. Sadyang hindi ka lang talaga marunong tumalon ng mataas" pang-uuto pa ni Uni. Nagtuloy-tuloy ang laro naming 'yon. Ramdam ko na ang lagkit sa katawan kaya tumigil na kami dahil madilim na rin. Nagsipasok na kami sa loob. Nando'n pa rin sila kaya dumiretso muna ako sa kwarto ko. Nakasunod naman itong mgs kaibigan ko na nag-unahan pa patakbo sa lalagyan ko ng mga damit. Kaniya-kanoya silang kuha at pili sa susuotin nila kaya hinayaan ko na lang. Nasanay na ako sa ugali ng mgs 'yan.

Naghilamos muna ako bago nagbihis pagkalabas ko sa banyo ay nakahilata na silang lahat sa kama ko.

"Wala kayong balak umuwi sa inyo?" Tanong ko sa mga ito. "Gabi na, baka mas pagalitan pa kami" sagot sa'kin ni Xy.

"Ayaw kong umuwi ngayon. Away lang ang madadatnan ko"

"Natural lang na mag-away ang magulang Unika." Ani ni Zai. "Natural ba pa 'yong naghahabulan sila ng itak?" She asked.

"Uni, Kwento na. Total nandito na naman tayong lahat" sabi ko at umupo sa dulo ng kama. Huminga siyang malalim, napabangon naman ang iba. "Except pala sa isa" dugtong ko.

"Mukhang ikaw yata itong kailangan mag-open up e." Napailing naman ako sa sinabi niya. "Kailangan mong ilabas 'yan baka sumabog ka, Alli" imbes na kay Uni ang usapan ay nabaling sa'kin lahat.

"Tama! Tama! Sabog ka na nga, sasabog ka pa" tiwanan pa nila ako.

"Siraulo ka talaga Uni!" Hinampas ko pa siya. "Kwento na kasi, h'wag feeling artista. Hindi ka naman maganda"

"Nagtataka talaga ako kung bakit kita naging kaibigan"

"Well, ipinagtagpo na talaga tayo para maging magkakaibigan hindi gaya ninyo ni Yuhan na ipinagtagpo lang pero hindi itinadhana" napanguso ako kaya pinagtatawanan nila ako.

"Grabe kayo! Parang hindi 'to kaibigan" reklamo ko. "Bababa na nga tayo baka hinanap na tayo nila mama" nauna akong tumayo, nakasunod naman sila sa'kin nagtatawanan pa rin.

"Change topic agad e" sabi ni Xylem. "Ang damot nito, ayaw ipabanggit si Yuhan kasi gusto niya siya lang ang sasambit sa pangalan ng baby niya" pang-aasar sa'kin ni Zai. Nag high five pa silang apat.

"Kinakalimutan ko na nga 'yong tao e. Kayo naman itong laging nagpapaalaala" sagot ko sa mga 'to. Pinipilit ko ngang kalimutan e.

"Bakit nga ba mahal kita
Kahit 'di pinapansin ang damdamin ko. 'Di mo man ako mahal ito pa rin ako nagmamahal ng tapat sa'yo" kanta pa ni Uni, kaya binato ko sa suot kong tsinelas.

"Bakit nga ba mahal kita. Kahit na may kanang iba. Ba't baliw na baliw ako sa'yo" dugtong din Zaina sa kinanta ni Uni.

"Hanggang kailan ako magtitiis. O, bakit nga ba mahal kita"

"Tang*na niyo!" Sigaw ko sa kanilang apat. Tawa lang ang iginanti nila sa'kin. Anong klaseng mga kaibigan 'to. Ang lakas manakit.

"Hahaha umiyak si Alliah" turo pa sa'kin ni Yhel. Patakbo naman silang lumapit sa'kin at binigyan ako ng yakap. Kahit tumatawa sila ay ramdam ko naman na concern sila. Nasaniban lang talaga ng kalokohan kaya gano'n.

~•~•~•~•~•~•~•~

Bakit nga ba mahal kita
Song by: Roselle Nava

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon