Chapter 17

80 7 0
                                    

"Ma, magpahinga na muna kayo. Ako muna ang gagawa sa mga gawaing bahay" sabi ko sa kaniya pagkatapos naming kumain ng agahan.

"Kaya ko na, Alliah. Mag-aral ka na lang sa pagluluto mo dahil may assessment kayo sa lunes hindi ba?" Tumango ako pero tinulungan ko pa rin siya sa paghuhugas ng plato kahit ayaw niya. Araw ng sabado ngayon kaya syempre wala akong pasok. Ang mga strand na GAS at Stem ay meron kaya ang ibang kaibigan ko wala. "Oh, 'yon naman pala. Ikaw ang dapat pumasok sa kwarto at mag-aral"

"Ayaw kong mag-aral ngayon. Baka makalimutan ko lang pagdating don" minsan kasi ay madali kong malilimutan ang mga pinag-aralan ko. Kaya ang gusto ko sa mismong araw na ng exam, do'n na ako mag-aaral.

"Oh, siya sige, dahil mapilit kang tumulong sa'kin. Ikaw na lang ang susundo kay Alley.  Nag text si Miguel sa'kin na sa 7/11 na lang siya maghihintay" napairap ako. Isang linggo bago nila isasauli si Alley sa'min. Mamaya 'yon sa'kin, sinabi ko sa kaniya noong nakaraang araw na dalhin niya si Alley sa likod ng University pero 'di siya tumupad sa usapan. "Ma, ayaw ko. Baka mabasag ko lang ang mukha niya"

"Nagpupumilit ka diba? Bakit nababahag ang buntot mo ngayon?" Aniya. Ngumisi pa siya at lumabas sa kusina. Sumunod naman ako habang nakanguso sa kaniya.
"Ma, 'di baleng maglilinis ako ng bahay buong araw, h'wag ko lang makita ang bwesit na 'yon" naimagine ko na ang senaryo kapag nagkita kami at ang basag na basag niyang nguso. Maglilinis na lang ako sa bahay kaysa sa magkita kami ulit.

"Hala! Pinapupunta pala ako ni aling Bibang sa coffee shop niya" sabi ni mama at nagpapanic pa.

"Bati na kayo?"

"Oo, binigyan niya ako ng halaman e" sagot sa'kin ni mama na nagpailing sa'kin. Basta halaman talaga e no? Nagiging marupok si mama. "Ikaw nang bahala sa kapatid mo, Alliah ah. Baka matagalan ako" tumakbo na siya sa labas na 'di man lang ako pinagreklamo.

"Mama naman e! Akala ko ikaw na ang susundo!" Reklamo ko at pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kuya.

"Hello? Who's this?" Napakunot ang noo ko sa narinig. Boses ng babae.

"Na saan si RedLlioh?" Tanong ko.

"Nasa banyo pa. Can I have your name? Para masabi ko sa kaniya kung sino ka?"

"Wala bang name na nakalagay sa contact list niya?"

"Wala."

"Okay forget it. Tawag ako ulit mamaya"binabaan ko siya ng tawag.

"Kuya naman e. Kung kailan kailangan kita" sabi ko. Nagbihis na lamang ako kahit labag sa loob ko. I wear shorts and black hoddie, saka rubber shoes bago umalis ng bahay.

Nilakad ko lang ang 7/11 total nasa kanto lang naman ito saka hindi pa naman masyadong mainit kaya ayos na. Nakapamulsa pa ako habang naglalakad at ininjoy ang sariwang hangin na dumadampi sa mukha ko. Nakarating ako sa harap ng 7/11. Sinuyo ko muna ito bago nagpasyahan pumasok.

Unang sumalubong sa'kin ang mga freezer na puno ng ice cream. Halos tumulo na ang laway ko no'ng makita ko ang chocolate flavor. Mabilis kong iniwas ang mga tingin ko roon pero naglanding din 'yon sa mga nakadisplay na chocolate.

"Tukso layuan mo ako" hindi pwede sa'kin ang mga masyadong matatamis kasi may sira ako sa ngipin na 'di na nabunot dahil hindi ako pumayag at ang kapalit no'n ay hindi na ako kakain ng maraming matatamis. Napapikit ako habang naglalakad sa kabilang daanan para di ko makikita ang mga chocolates. Napahinga ako ng malalim no'ng malagpasan ko na ang mga 'yon. Nag punta ako sa may mesa kung saan nakita ko si Alley at ang kasama niyang nakatalikod mula sa'kin kaya 'di niya ako nakita.

"Ate" masayang sabi ni Alley sa'kin kaya napalingon si Miguel. Kita sa mata niya ang gulat dahil hindi si mama ang nakita niya. Lumapit ako roon at hinawakan si Alley. "Uuwi na kami" sabi ko without looking at him.

"Akala ko si tita ang susundo kay Alley?"

"Nakita mo naman na wala si mama diba?" Naktaas kilay kong tanong sa kaniya. "Umupo ka muna, gusto mo ng ice cream? Diba paborito mo ang chocolate flavor?" Sunod-sunod niyang tanong sa'kin. Paano niya nalaman na paborito ko ito. "Nakita ko kasi sa shared post mo sa facebook, pati ang story mo sa IG ay puro chocolate" dugtong niya pa.

"Hindi na. Salamat na lang" sagot ko sa kaniya.

"Okay. Ihatid ko na kayo sa inyo"

"H'wag na, salamat na lang" sagot ko at kinuha si Alley. "Salamat sa pagsauli kay Alley. Sana 'di na 'to maulit pa" ayaw ko talagang ma-attach si Alley o kahit sino sa pamilya ko sa pamilya nila. Hindi magandang tingnan at hindi maganda sa pakiramdam.

"Pinapasabi pala ni mommy na pumunta kayo sa birthday ni Xianne"

"Kahit hindi na, wala namang kaming gagawin doon. Kung pwede sana, h'wag na tayong magkita pa" huling sinabi ko bago tuluyang umalis sa harapan niya. Napapikit ako, naiinis ako sa sarili ko bakit sa kabila ng nagawa ng ama niya ay nakokonsyensya pa rin ako sa mga sinasabi ko. Naramdaman ko ang paghaplos sa braso ko. Nakita ko na si Alley ang may gawa noon. Ngumiti ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.

"Kuya pogi" napatingin ako doon sa sinsabi niya. Nakita ko ang isang lalaking naglalakad na parang isang modelo. Nakashade pa ito, kahit nakashort lang at plain t-shirt ay kita-kita ang kakisigan nito. Maraming tao ang tumingin sa gawi niya.

"Hi baby" narinig kong ang reklamo ng mga babaeng nakatingin sa kaniya.

"Ay taken na"

"At may anak pa sila"

Namula naman ako sa narinig. "Bakit 'di mo sinagot ang tawag ko?" Tanong niya no'ng makalapit na siya sa'min. Sabay kaming napatingin kay Alley na tumawa. "Cutey. What's your name?" Umupo pa si Yuhan para magpantay silang dalawa.

"Alleyyyy" pagkatapos ay tumawa siya at nagpabuhat kay Yuhan.

"Akin na, Yuhan baka madumihan ka sa dala niya" hindi pa kasi tapos si Alley sa pagkain niya ng ice cream. Tumulo pa 'yon sa kamay niya kaya pinahiran ko. "It's okay baby ko. Ang sarap pala sa feeling na may buhat kang bata ano? Pakiramdam ko tuloy anak natin 'to" bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko mula sa kaniya. I can see na seryoso talaga siya. Ngiti lang ang iginanti ko sa kaniya.

"Family date tayo baby ko" tumango ako. Umakbay siya sa'kin gamit ang isang braso niya habang ang isa naman ay 'yon ang binuhat kay Alley. Yumakap naman ako sa kaniya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero yumakap siya pabalik sa'kin, naramdaman ko rin ang pagdampi ng labi niya sa ulo ko. "Ang kulit ng baby ko." Tumawa pa siya kaya napanguso ako.

"Let's pretend na anak natin si Alley. Gusto kong maramdaman na may sarili na akong pamilya" napatango ako sa sinabi niya. I don't know kung ano ang nagyayari sa'kin. Aaminin kong natatakot ako na magka-gusto baka maluko lang din ako pero sa tuwing naglalapit kami ni Yuhan sa isa't isa pakiramdam ko nasa tamang tao ako.

Habang tiningnan ko siyang nakikipaglaro kay Alley at sa ibang bata na nandito sa park. Nahuhulog ako lalo sa kaniya. I can't help it but to fall harder and deeper.

Napangiti ako habang nakatingala sa langit. Sandali king ipinikit ang mga mata.

"God, kung siya na po ang ibinigay mo sa'kin? Sana ingatan mo siya lagi at kung hindi man po siya ang oara sa'kin, sana mahanap niya ang magpapasaya sa kaniya" kasabay ng pagbukas ko ng aking mata ay ang pagdampi ng labi naming dalawa.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon