Chapter 16

83 5 0
                                    

"Alli, bakit hindi ka pumasok kanina?" Tanong sa'kin ni ate Joy no'ng break time na. "Na late ako ng gising 'te. Sira pala ang alarm clock ko" pagdadahilan ko.
Tumango naman ito at naglakad papunta sa pintuan no'ng may kumatok.

"Alli, hanap ka ni captain" agad akong tumayo at iniiwasan ang mapang asar na ngiti ni Alex.

"Na distorbo ba kita?" He asked. Umiling ako at mas lumapit pa sa kaniya. "Hindi naman. Wala pa si ma'am Sophie"

"Alam kong 'di ka pupunta sa cafeteria dahil hanggang ngayon ay kalat na kalat pa rin ang nangyari kahapon, kaya dinalhan na kita ng makakain" bahagyang tumaas ang kilay ko. Nakalimutan ko na may nangyari pa lang kahapon. Kinalimutan ko na lang din wala naman akong magagawa, nangyari na 'yon e.

"Pupunta pa rin naman ako doon, Yuhan. Siguro tama ang isa mong myembro"

"Zyrone?"

"I don't know. Maybe yes...maybe no. Hindi ko alam ang pangalan niya"

"Ano ba ang sinabi niya?" Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "Sabi niya, kaysa tutunganga ako bakit 'di ko raw harapin ang problema ko... Which is tama naman siya pero kasi 'di ko alam kung saan ko uunahin. Sa dami ba namang problema ko, mahihirapan talaga akong pumili"

"Choose me instead" gulat akong bumaling sa gilid ko kung saan nando'n siya nakapamulsang nakasandal sa pader. "Pero kahit hindi mo ako piliin. I'm always here beside you. I can wipe your tears. I can be your shoulder to lean on and I can be your living diary where you can write and say what's on your mind"

"Marami ka ng nagawa para sa'kin Yuhan. Tell me, paano ako makakabawi sa'yo?"

"Sapat na sa'kin na nandito ka sa tabi ko, Alli. Ikaw ang lakas ko sa tuwing nanghihina ako. Kaya, I hope na sana kahit ano man ang pagdaanan mo ay hahayaan mo akong samahan ka" seryoso niyang sabi habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko. "I will promise you that I will always stay beside you. I will always make you smile" hindi ko alam kung bakit parang lumuwag ang sikip sa dibdib ko. Pagkatapos kong marinig ang mga salitang 'yon ay pakiramdam ko nawala lahat ng bigat na dala-dala ko. Unti-unting kong inangat ang timgin ko sa kaniya. Nakikita kong seryoso siya sa mga sinabi niya pero may kaunting bahid pa rin ng takot ang puso ko. Paano kung tama ang mga kaibigan ko na pareho kami ng kapalaran ni mama? Paano kung iiwan rin ako ni Yuhan balang araw? Ano ang gagawin ko, kakayanin ko kaya?

Hindi naman talagang maiwasan 'di yan maisip diba? Dahil segu-segundo, minu-minuto, oras-oras ay maaaring magbago ang takbo ng isip ng isang tao. Paano kung marealize niya na 'di niya ko mahal pero sa panahong 'yon ay lunod na lunod na ako? Paano kung 'di ako makaahon?

"Parang kang tanga" nawala lahat nang naisip ko no'ng may tumama sa noo ko. Sinumdan ko pa ng tingin ang takip ng soft drinks na ininom ni Uni. "Kanina pa ako nagsasalita mare. Parang hangin lang ako dito? Paano ba pumasok sa mundong ginawa mo?"

"Paano kung iwan niya ako?" Hindi ko na pinansin ang mga kalukuhan niya.

"Edi hanap ka ng bago" mabilis na sagot niya. Wala talaga 'tong matinong sagot "Saka bakit ka ba nag-alala e hindi pa nga kayo, paano ka niya iiwan diba?"

"Kaya nga may paano diba?" I rolled my eyes.

"Minsan kasi mas mabuting hayaan na lang ang bagay na hindi na mababalik pa. Learn to let go if di mo na kaya. Gano'n!"

"Gano'n kaya ang ginawa ni mama, para kay papa?"

"Bagay na bagay kapag sinabi mo ang salitang papa. Para kang isang anghel na walang hinanakit sa ama" napairap ako. "Okay." Huminga siyang malalim "Maybe, ang mama mo ay isang malakas na babae, Alli. Biruin mo siya lang mag-isang nagpapalaki sa tatlo niyang sobrang bait na anak, gumagawa ng mga gawaing bahay mag-isa at tinitibayan ang loob para sa mga anak niya."

"Kaya ikaw, Alli. H'wag kang magpapauto sa mga lalaki. 'Di porque babae tayo ay ipapakita na natin sa kanila na mahina tayo." Gumapang ang kaba sa dibdib ko. Kung may sakit lang ako sa puso ay paniguradong inataki na ako.

"Zaina naman! Nakakagulat ka!" Hinampas ko pa siya gamit ang bag ko. Tiningnan niya lang ako na para bang nagtataka sa nagawa ko sa kaniya.

"Hindi naman kita ginulat ah, sadyang mahilig ka lang talaga ng kape" sagot niya at umupo sa upuang nasa harapan ko. "Akala ko ba ay nandito na sila? Lagot ka sa'kin mamaya Ylona" bulong pa nito.

"Malapit na ang birthday mo, Alli. Anong gagawin mo?" Tanong sa'kin ni Uni.

"Kakain lang sa bahay tapos matutulog"

"Sleep over tayo sa inyo" sabi ni Zai.

"Nah! Sana all papayagan" bulalas pa ni Uni.

"Bakit hindi e. Wala namang lalaking kasama?" Tanong pa ni Zai.

"Walang lalaki pero ang mga isip ng tao ngayon ay kapag may ganitong ganap panigurado pag-uwi buntis agad"

"Alam mo kasi, ang mga taong ganyan ay kulang lang sa pansin. Sige nga, paano tayo mabubuntis kung lahat tayo ay babae? Jusko! Saan ba nila itinago ang utak nila" umiling-iling pa si Zaina habang sinasabi 'yon. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Basta 'yon ang sabi nila pero 'di naman mahalaga kung ano ang sasabihin ng iba" bawi ni Uni sa sinabi kanina. Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ko. Halatang galing pa sa bakbakan sa mga quizzes nila dahil walang gana itong naglakad papunta sa gawi namin.

"Nakakatamad talaga mag-aral" reklamo ni Ylona. "Statistics talaga e! Inubos ang energy ko sa katawan" dagdag niya. Gusto kong sabihin sa kaniya na feel ko siya pero minabuti kong manahimik na lang.

"Mag-aral ka kasi tuwing gabi bago matulog para may maisagot ka kapag may surprise quiz. Hindi 'yong saka ka pa mag-aral kung quiz na"

"Wow! Hiyang-hiya ako mare, sa kasipagan mo" Unika replied with sarcasm.

"Nag-aaral naman ako ah, 'di nga lang lagi pero at least nag self study diba?" Palusot ko. Tamad rin kasi ako pero kapag ginanahan ako ay 'di ko na rin gusto na tumigil. Gano'n talaga e ang life parang weather lang.

"Yhel, may pinapasabi pala si Yu." Hindi ko na sana pansinin ang sinabi ni Xy nang biglang tumawa si Yhel. Nagtaka kaming napatingin sa kaniya.

"Baliw ka na ba?!" Inis na sabi ni Uni no'ng matapon ang kinain niya. Nakakagulat talaga 'to minsan si Yhel e.

"Hayaan niyo siya. Kalimutan muna ang ipinapasabi niya" walang buhay niyang sagot. Napatingin naman kami kay Xy, pero wala kaming nakuhang sagot. Sino si Yu?

Nagpatuloy kami sa pagkain at kinalimutan ang mga katanungang nabuo sa isipan.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon