Chapter 33

72 2 0
                                    


Yuhan's pov

Kaya ang pagkakataong ito ay hindi ko na sasayangin pa. Ako mismo ang lumapit sa kuya niya. Wala akong pakialam kung ilang suntok o tadyak pa ang makuha ko basta papayag lang siya. Nag-email ako sa kaniya para sa business matter. Nakahinga ako ng malalim no'ng tumugon siya at pumayag, na makipagkita sa 'kin.

"Isang pagkakamali mo pa Yuhan, ako na mismo ang dudurog sa pagmumukha mo. Alam kong maganda ang intensyon mo pero hindi 'yon sapat para paiyakin mo ang baby namin" ramdam kong galit siya sa 'kin. Nakakuyom pa ang kamao niya.

"I promise Red. Hinding hindi na mauulit pa"

"Seguraduhin mo lang! Nasaktan na 'yan sa walang kwenta naming ama. Ayoko ng dagdag pa ulit"

"I'm sorry for what happen"

"Stop saying senseless. Patunayan mo!"

~•~•~•~

"Kuya Red, nakahanda na ba ang lahat. Papunta na ako diyan... Okay... Gotto go..." Ibinaba niya ang cellphone at ipinasok 'yon sa loob ng shoulder bag. Nakatingin lang ako sa kaniya habang iniligpit lahat ng gamit niya sa mesa niya.

"Where are you going?" I asked her. Sandali niya akong tiningnan. "Sa bahay na pinatayo ko. Kakatapos lang gawin kaya, I need to be there"

"Samahan na kita"

"No!" Nagtaka naman ako kung bakit siya sumigaw "I-I mean... No need. I can handle"

"No, I insist. I know na medyo malayo 'yon. Mangangalay ka sa pagd-drive" natigilan siya sandali. Napangiti naman ako no'ng tumango siya. Pinauna ko siya habang ako ay nakasunod sa kaniya at hindi mawala-wala ang ngiti.

"I'm sorry about last time" pagbasag ko sa katahimikan namin habang nilakbay ang daan papunta sa lugar na sinabi niya. "Last time? She asked.

"At the hospital"

"Ano naman ang dapat ika-sorry sa nangyari? Nagpakilala lang naman siya bilang girlfriend mo. So, bakit nag-s-sorry ka?" Natigilan ako. Bakit nga ba?

"She's not my girlfriend" gusto ko lang sabihin sa kaniya. Ewan ko pero pakiramdam ko kailangan kong mag-explain sa kaniya.

"Bakit mo sinasabi sa 'kin 'yan ngayon?"

"I didn't know?" Patanong kong sabi na ikinatawa niya.

"Malaki na tayo, Yuhan at alam na natin ang tama at mali. So, what's the reason behind of your explanation?"

"Ayaw lang kitang saktan" kusang lumabas sa aking bibig ang salitang 'yan. "But you did it" mabilis niyang sagot.

"I did it with purpose"

"Right. With or without purpose is still I don't care. Ayaw ko ng balikan pa ang matagal ko ng kinalimutan."

"Wala na ba talagang pag-asa na mabalik tayo sa dati?" Lakas loob kong tanong sa kaniya. Mahina siyang napatawa. "Gaya nga ng sabi ko, malaki na tayo at isa pa wala na akong panahon para sa mga ganyang bagay" sagot niya.

"Mahal kita" derekta kong sabi sa kaniya. Itinabi ko ang kotse at tingnan siyang nakatulala lang sa labas.

~•~•~•~

Alliah's pov

"Mahal kita"

"Mahal kita"

"Mahal kita"

Napatulala lang ako habang paulit-ulit na umi-echo ang dalawang salitang 'yan. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang init na nanggagaling sa palad niya na nandito na ngayon sa magkabila kong pisngi. Pilit kong iniiwasan na mapatingin sa gawi niya pero hinawakan niya ang magkabilang kong pisngi at pinaharap sa kaniya.

"I Love You"

"I don't know." Nagkasalubong ang tingin namin, pakiramdam ko napapaso ako sa bawat titig niya sa 'kin. "Minsan mo na akong sinaktan, minsan mo na akong pinaniwala Yuhan. I don't know. H-hindi ko na alam kung dapat pa ba kitang pagkakatiwalaan pa"

"I'm sorry. Alam kong katangahan ang nagawa ko but baby...please, give me another chance. Ayaw kitang mawala. Ayaw kitang makita na hawak na ng iba. Please...bumalik ka na sa 'kin"

"Pag-usapan natin 'yan sa susunod na pagkakataon. Nagmamadali ang engineer na kinuha ni kuya baka hindi natin maabutan"

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago binuhay muli ang makina ng kotse. Habang nilakbay namin ulit ang daan papunta roon ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

Napapansin ko rin ang madalas niyang paglingon sa gawi ko. Hinayaan ko lang siya at hindi na pinansin pa.

"Dito na"

Inalalayan niya pa ako sa pagbaba. Nauna akong pumasok doon sa matayog na gate. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid ng bahay. Isang buwan pa lang pero natapos na nila. At maganda pa ang pagkagawa. Pumasok ako sa entrance ng bahay kung saan nadatnan ko si Kuya Red habang kausap ang isang babae.

"Baby sis" agad siyang lumapit sa 'kin at humalik sa pisngi ko. "Mabuti naman at dumating ka na. May aasikasuhin pa kasi si Engineer kaya maaga siyang aalis" sabi niya pero ang mata niya nando'n nakatingin sa likuran ko.

Napalingon ako at hindi na ako nagulat nung makita ko si Yuhan. Sinuri niya ang mga ginamit sa bawat parte ng bahay.

"Ayos na kayo?" My brother asked me.

"Later" maikli kong sagot.

"Btw, baby sis. Meet Engineer Sarrah" pakilala niya do'n sa babaeng nag-aayos sa gamit niya. Unti-unti itong lumingon sa gawi namin. Ang ngiti ko ay unti-unti ring naglaho sa nakita ko ngayon.

What the hell!

"Nice to meet you again Miss Morales" nakangiti niyang ani at inalok ang kamay niya sa 'kin. Hilaw akong napangiti habang nakatingin pa 'rin sa kaniya. Inabot ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kaniya.

Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Sinundan ko ito at nakatingin siya sa gawi ni Yuhan. Wala itong malay na nandito ang babaeng ito.

"Babe!" Pati si kuya Red ay nagulat sa biglaang pagtawag niya kay Yuhan. Agad siyang tumakbo rito at niyakap. Halatang nagulat ang lalaki. Dali-dali akong umiwas at nagpanggap na sinusuri ang bahagi ng bahay ko.

"I'm sorry. I didn't know" bulong ni kuya sa 'kin.

"Okay lang" maikli kong sagot. Iniwanan ko siya at umakyat sa ikalawang palapag. Doon pa ang ako nakahinga ng malalim. "Naka move on ka na diba Alli?"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi na ako makahinga dahil nangyayari ngayon. Move on na ako pero tang'na naman! Bakit sa dinarami-rami ng tao siya pa. Maraming engineer sa buong Pilipinas pero bakit ang babaeng 'yon pa.

Nawalan ako bigla ng gana. Maaring pagod lang ako sa daming iniisip at sa daming pinipermahang papeles sa opisina. Bumaba na ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Nakahanda na naman dito ang lahat kaya papalipatin ko na sila mama dito bukas.

Halos mahulog na ako sa hagdanan sa nakita ko. Dito pa talaga? Damn!

Gusto kong batuhin sila sa sapatos kong may takong. Mga walang'ya dito pa talaga sa pamamahay ko!

Nakita kong nataranta si Yuhan nung makita niya ako. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na hindi sila nakita.

May kaunting kirot akong naramdaman.

Naghalikan sila!

Kasabay ng patalikod ko sa kanila ay ang pagpatak ng luha ko sa mata. Akala ko move on na ako pero bakit nasasaktan pa rin ako?

~•~•~•~

A/N:

Last seven chapters to go.❣

Alliah niyo marupok:)

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon