Chapter 29

61 3 0
                                    

May mga tao pa rin talaga na kahit sobrang taas na nila at mahirap silang abutin ng karamihan pero nangingibabaw pa rin ang magiging humble nila. Kahit multi-millioner pa sila ay nando'n pa rin ang isip nila sa pagtulong ng kapwa nila.

Sinalubong ko ang nakangiting ale na ngayon ay nakasuot na ng Filipiña na kulay puti kasunod sa kaniya ang asawa at  anak nitong panganay na babae. They all wearing a beautiful smile habang nakatingin sa'kin at hinahayaan na lamang ang mga nagkikislapang camera sa paligid. Naluluha akong yumakap sa kaniya.

"Thank you Mrs. Roxas"

"Ilang ulit mo 'yang sinabi sa'kin babae"

"Shhh... Stop crying. Sayang ang make-up" agad akong kumalas at hinarap si Unika na ngayon ay nakangiti sa'kin. Agad ko siyang binatukan na nagpanguso sa kaniya. Nasa likuran niya ay ang mga kaibigan kong minsan na ring naniwala sa magagawa ko. Kita sa mga mata nila habang papalapit sa gawi namin ang saya.

"Enjoy your day, Missy." Nilingon ko si Mrs. Roxas. "I'm so proud of you. Sabi ko naman sa'yo e pinagpapala ang mga mababait"

"Bakit ako po hindi" nagtawanan kami no'ng marinig namin ang pagsabat ni Unika.

"Siguro dahil hindi pa ang panahon para sa 'yo. Just wait for the right time, Lady"

"Your friends is beautiful at halata ring mababait sila" komento ni Mr. Roxas na kanina pa nakangiti sa 'min.

"Salamat po sir"

"Maliit na bagay po."

"Saka maganda po"

"Suss...Alam na namin 'yan"

"In born na"

Napailing na lang ako sa mga sinasabi ng mga walang hiya.

"Ano ba kayo nakakahiya sa kanila" bulong ko pa sa mga 'to. They acted like a teenagers again. "We're already twenty-five years old guys. So grow up" tinawanan lang nila ako kaya nahampas ko sila.

May lumapit na isang lalaki sa gawi namin. "Mag-uumpisa na po tayo para sa pagbubukas madam" Agad kaming nagtanguan at pumwesto sa harap ng pintuan sa labas. Nakasunod sa'min ang pamilyang Roxas.

"Nandito na sila" sabay kaming napalingon sa mga taong nagsibabaan mula sa Van. Naka blind fold din sila. "Sayang may asawa't anak na si kuya Red" narinig ko pang bulong ni Unika.

"Bakit crush mo si kuya ano?" Mahinang panunukso ni Zai sa kaniya. Napailing naman siya at muling tumingin sa gawi ng pamilya ko na halatang nagtataka pa rin.

"Today we we're celebrating the very special day coming from our most gorgeous and strong woman. Everybody admired her for being Unbreakable, even though she face a many challenges, trials but she remain strong for her dreams." Nakatingin lang ako sa pamilya kong nagtataka pa rin kung bakit nakatakip ang mata nila. Nakita ko rin mula rito na may ibinulong si Kuya Red kay Miguel. Natigil lang sila nang may lumapit sa kanila para utusan na tanggalin na ang piring kasabay no'n ay ang pagbanggit sa buong pangalan ko.

"Please welcome Missy Alliah Morales, the one and only owner of FIGHTER RESTAURANT!" halatang gulat na gulat sila dahil sabay na nanlaki ang mga mata at halos malaglag na ang bibig sa kalsada.

Itinulak ako ng mga kaibigan ko na muntikan ko ng ikasubsob. "Go" sabi nila. Sinamaan ko muna sila ng tingin bago ako naglakad sa harapan.

"Maraming salamat po sa lahat. Mrs. Roxas, thank you so much kung hindi dahil sa inyo ay wala ako dito ngayon. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa'yo dahil kung hindi ako nakinig sa payo niyo ay hindi ko matupad ang pangarap ko. Salamat dahil ikaw ang unang taong naniwala sa ginawa ko" napahalakhak pa siya no'ng tumingin ako sa gawi niya. Naalala ko no'ng unang pa kaming magkita hanggang sa mga panahon na sinasabi ko na rin sa kaniya ang mga saloobin ko. "Akala ko nga mata pobre kayo" natawa naman ang anak niya "kasi naman e, tiningnan mo ako mula ulo hanggang paa saka tinarayan. Gusto ko na nga pong ihampas sa'yo 'yong basket na dala ko" nagtawanan ang mga nakikinig lalong lalo na ang mga kaibigan ko. "Nasa isip ko no'n na kapag ito ihampas ko sa kaniya panigurado makakatulog 'to, pero hindi ko 'yon ginawa dahil nakikita ko si mama sa inyo" napatingin ako sa gawi ni mama na ngayon ay lumuluha na rin.

"Ma naman! 'Wag ho kayong umiyak. Kasi—kasi sa tuwing nakikita ko kayong lumuluha ay pakiramdam ko na nabigo na naman ako bilang anak niyo. Dapat masaya ka lang, dapat nakangiti ka lang. Dapat walang luha na tutulo sa mata mo, Ma. Tama na muna ang ilang taon mong pagsakripisyo para sa 'kin— sa 'min. Ako na muna ngayon. Ako na po ang bahala sa lahat." Rinig na rinig kong ang mahinang hikbi ng iilan lalo na ang mga kaibigan kong saksi sa lahat ng pinagdaanan ko. "Ma ito na po ang regalo ko sa inyo. Ito na po ang ipinangako."

Sinalubong ko siyang no'ng lakad takbo siyang nagtungo sa gawi ko. "I'm so proud of you" sabi niya at mahigpit akong niyakap. "I'm sorry—" pinutol ko ang sasabihin niya

"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Ma. Kailan man ay hindi kita sinisi"

"Pero galit ka sa kaniya"

"H'wag niyo muna 'yang isipin ma. Let's enjoy this day"

"Happy 25th birthday, anak" napangiti ako bago kumalas. Pinahiran ko ang luha niya gamit ang daliri ko. "Salamat ma"

"Happy birthday ate. I didn't expect that na may surprise ka for mama Allen" yumakap pa sa 'kin si Xianne.

"Happy Birthday ate. Libre mo ako ng cake ah" natawa naman ako sa sinabi ni Alley

"Happy birthday girl"

"Salamat ate Criz" nakipagbeso pa ako sa asawa ni kuya Red.

"Purple" kinuha ko ang anak ni kuya sa kaniya at hindi man lang siya pinansin. Hanggang ngayon ay nagtatampo pa rin ako sa kanilang dalawa ni Miguel. Sarap nilang pag-untugin at nang maalog ang utak.

"Si Purple lang ang papansin mo?"

Hindi ko siya pinansin at nilaro ang bata.

"Ang cute cute mo talaga! Mana ka sa tita mo. Mabuti na lang at hindi ka nagmana sa daddy mong pangit baby ano?" Kausap ko sa bata.

"Babe si Alli oh... Ayaw akong pansinin"

"Tsk.. Tumigil ka nga diyan Red. Ang pangit mo" nagtawanan kaming lahat habang si kuya nakabusangot ang mukha.

"Buti na lang talaga ang cute ni Purple"

"Sabi ko na sa inyo tita e. Na sa pag-uwi ni kuya Red ay may dala ng anak" natatawang ani ni Unika.

"So, manghuhula ka na niyan?" Lokong tanong ni Ylona.

"Try mong hulaan si Ylona baka may makita kang kakaiba" sinamaan naman ni Ylona si Zai na ngayon ay tawang tawa.

"Gago kayo!"

"Pahula ka na baka may chance pang magkabalikan" pang-aasar din ni Yhel.

"Duh! As if may babalikan siya" pagtataray nito. Napatingin naman kami sa kapatid ko. Pero pareho silang nakatingin sa malayo.

Ang taas ng pride

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon