Chapter 13

83 6 0
                                    

"Ngayon ay magsasagawa kayo ng pagluluto gamit ang sarili ninyong recipe" anunsyo ni ma'am Sophie. Marami ang nagreklamo at isa na ako roon. Nahirapan nga kami sa paggawa ng sariling recipe pero heto na, kailangan na namin 'yon lutuin. "We have a special visitors coming from different companies. Sila ang mga special stakeholders ng Black Ace University. Do your best and make them proud"

Bumaba na kami sa cookery lab, na nasa pinakagilid ng campus. Pangalawang beses ko pa na nakapasok dito pero 'di ko maiwasang 'di mamangha. Lahat nang kakailanganin naming kasangkapan ay nandito na, pwede ring manghiram dito kung gusto mong magluto sa bahay niyo pero kailangan kang kumuha ng authorization letter galing sa head master.

Ipinaliwag ni ma'am Sophie ang gagawin namin. Kailangan daw namin ang malinis na paggawa dahil nakakahiya naman kung may dumi ang pagkaing ihahain namin sa bisita. Kailangan din ang maayos na kasuotan para presentable sa harap ng mga bisita. Kahit pinangunahan ako ng kaba ay minabuti kong tumungo sa pwesto na sinasabi ni ma'am Sophie sa'kin. Mabuti na nga lamang at magkaharap kami ni Alex.

"Pst, Alli" tawag pa nito sa'kin. Sininyasan ko naman siya na 'wag maingay baka pagalitan kami ni ma'an at ang mas malala pa ay mapalabas sa lab. "Bakit ba?" Mahina kong tanong.

"Kabisado mo ba ang recipe na ginagawa natin last time?" He asked. Pareho kami ng gustong itanong. Napailing ako na may kasamang pagtango dahil hindi ako sigurado.

"Ayusin mo naman ang sagot mo" inis na sabi niya.

"Hindi ako sure. May ilan na naalala ko pero ang karamihan ay hindi na" pag-amin ko. Napangiti pa siya dahil siguro nakahanap siya ng kasama. Nagtanong pa siya sa mga malalapit sa'min. Ang ilan ay napapailing, may iilan din namang tumango.

"Kami na ang bumili ng mga ingredients ninyo. Lahat ng nasa inyong harapan ay 'yan ang nakalista sa recipe na ginawa ninyo but always remember, there's a bait of every group of ingredients. One wrong choice then, everythings gonna change" tiningnan ko naman ang mga gulay na nasa harapan ko. Wala namang bulok o ano rito pero ano ang ibig sabihin ni ma'an Sophie na bait? 'Wag niyang sabihin nilagyan niyang lason ang ilan sa mga gulay? Di naman siguro siya ganoon kasama.

"I'll give you, one hour and thirty minutes and after that you will stop. Finish or unfinish and then serve" tumango kami at ginawa ang dapat gawin.

Inalala ko muna ang inilista ko sa index card na pinasa ko noong nakaraang araw.
Bago naghiwa ng mga gulay. Pagkatapos ay iginisa ko na ang sibuyas at luya kasama ang chicken wings. Tinakpan ko muna 'yon ng ilang minuto. Tiningnan ko naman ang mga kasamahan ko na busy rin sa pagluluto. Medyo natawa pa ako kay Alex dahil nakikita kong naiinis na siya.

"Putek! Ano ba ang kasunod nito" bulong pa niya. Hinayaan ko na lang siya dahil naglakad papalapit si ma'am Sophie sa'min at tinanong kung ano ang nagyari sa kaniya.

"Ano ang ginawa mo, Morales?" She asked. Habang nakadungaw sa niluto ko.

"Chicken wings with Alli's Love?" Patanong kong sabi. Dahil ako mismo ay 'di alam ang itatawag sa ginagawa ko. Tumango lang si ma'am at nilagpasan ako. Napatawa ako ng mahina.

"Chicken wings with Alli's Love ang putek!"

Tinusok ko gamit ang bbq stick ang chicken wings. No'ng okay na siya ay nilagyan ko ito ng sapat lang na tubig para may sabaw siya. Inilagay ko na rin ang mga gulay matapos ang ilang minuto.

"Last thirty minutes"

Nilagyan ko ng kaunting asin, 'saka pepper to taste. Nang matyansa ko na ang lasa ay maingat ko itong inilagay sa nakahandang bowl.

Matapos kong mai-arrange lahat ay kinuha ko ang lutong itlog sa baunan ko. Binalatan ko at hinati at inilagay sa ibabaw pan-dagdag attract sa kakain. Nilagyan ko rin ng dahon ng sibuyas.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon