Chapter 28

84 5 0
                                        

"Ngayon ka lang yata nakagala? Saan ka ba nagpupunta this past weeks?" Unika ask me. Umayos ako ng upo at pilit na iniiwasan ang mga mapanuri niyang tingin sa'kin. "Diyan lang sa tabi-tabi" sagot ki na nagpakunot ng noo niya.

"Anong klaseng sagot yan? Sinabi sa'kin ni Zai no'ng nagkita kami sa hospital naghahanap ka raw ng trabaho?"

"Yeah pero ayos na naman" ayaw kong pati buhay ko ay aalalahanin nila. Lahat kami ay may problema kaya ayaw ko ng makadagdag pa sa dalahin nila lalo na kay Unika. "Alli, naman. Handang kaming tulungan ka. No'ng mga panahon na gusto ko ng sumuko ay nandiyan ka sa tabi ko. Lagi mo akong sinasamahang umiyak. No'ng panahon na naaksidente ang boyfriend ni Xy, ikaw ay nagbibigay lakas sa kaniya. No'ng hindi nakapasa sa board exam si Zai nandon ka to cheer her up. Pinatawad mo si Ylona dahil mahal mo siya kahit na saktan ka ng sobra at no'ng nalaman natin ang tungkol kay Yhel ay tinanggap mo siya ng buo. Kaya hayaan mo na kami naman ang sasama sa'yo ngayon sa laban mo Alliah." Napayakap na lamang ako kay Unika.

"Salmat kahit hindi niyo na dapat alalahanin ang problema ko" naluluhang kong tugon sa kaniya. "Hindi ko na kaya Uni, pagod na pagod na ako. Pagod na ako bilang Morales, pagod na akong dalhin ang apelyedong ito. Pagod na ako sa panghuhusga nila dahil anak niya ako. Kasalanan ko bang ako ang anak niya? Kasalanan ko bang naghiwalay sila? Kasalanan ko ba lahat? Gusto ko ng huminga ng maayos pero bakit sa tuwing malulutas ko na ang isang problema double pa ang balik no'n sa'kin." Hinayaan ko lang ang mga luha na tumulo sa mata ko. Hinagod si Unika ang likod ko kaya lalo akong napaluha.

"H'wag kang susuko Alliah. Alam naming mga kaibigan mo na kaya mo 'yan. Tibayan mo ang loob mo, diba sabi mo na pagtatayuan mo ng restaurant ang mama mo?" Tumango ako. Yan ang kaisa-isang pangako ko sa sarili ko para sa magulang at kapatid ko. "Yan ang gagawin mong lakas para magpatuloy pa"

~•~•~•~

"Ate sama ako sa'yo mamaya ah" kanina pa ako kinukulit ni Xianne pero isa lang din ang tanging sagot ko sa kaniya "No. Hindi pwede"

Nakanguso siyang umupo sa harapan ko. Pinigilan ko rin siyang tumulong sa ginagawa ko. "Ate naman e! Pwede akong magdala ng mga ito sa school namin"

"May cafeteria ang BAU, Xianne"

"Pero gusto ko pong tumulong sa'yo saka tinuruan naman ako ni kuya kung paano magbenta e"

"Xianne. Hin. Di. Pwe. De!" Inilagay ko pa ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "Ang tanging gawin mo lang ay mag-aral ka ng mabuti at ako na ang bahala sa gastusin" sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Okay fine. Tatawagan ko na lang si kuya Red at isusumbong kita na magbebenta ka ng kakanin sa kalsada" napataas ang kilay ko sa narinig mula sa kaniya. Sinamaan ko lang siya ng tingin at tinalikuran. Bitbit ang basket ay lumabas na ako sa kusina.

~•~•~•~

"Ma'am kakanin po"

"Ate kakanin"

"La, kakanin po"

Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa terminal pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nabebenta. Pawis na pawis na ako kaya minabuti kong umupo na lamang muna. Inilagay ko ang basket na may lamang kakanin doon sa upuan. Hinubad ko ang suot kong hoddie at 'yon ang ginamit pangpunas sa aking noo.

"Kuya kakanin po" alok lang ako ng alok pero todo iling naman ang mga taong inaalukan ko. Ang iba ay iniiwasan pa kaming mga nagbebenta na para bang nandidire sa'min. Napabuntong hininga ako, ganito pala kahirap ang magbenta sa kalsada, kahit may mga tao ay malabo pa rin na maubos ang mga ibenebenta. Kaya proud na proud ako sa mga taong nagagawa ito na hindi napapagod o naiinip man lang, inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng terminal. Hindi ko maiiwasang hindi maawa sa mga batang nagbebenta ng sigarilyo, sa murang edad at namulat na sila sa ganitong sitwasyon na dapat sana ay nag-aaral sila at naglalaro pero sa halip na pagpapakasaya ay minabuti nila na tumulong na lamang sa mga magulang nila.

Iniwas ko ang tingin sa apat na batang may dala-dalang paninda at may nabuong desisyon sa isip ko.

"Manang may kakanin po ako rito, 50 pesos lang" nakangiti kong alok do'n sa ali na nakaupo sa tabing kalsada sa may sakayan ng tricycle. "Pabili ako ng dalawa" nakangiti kong inabot sa kaniya ang plastic. "Salamat po manang, hulog ka talaga ng langit"

"Walang anuman hija. Pagpalain ka nawa ng Diyos. Hindi ka lang maganda, masipag pa. Swerte ang mapapangasawa mo"

"Suss... Nangbola pa kayo sa'kin" pabiro ko naman siyang hinampas. Tuluyan ko na talagang nakuha ang ilang katangian ni Unika. Gaya na lang nito, kahit nahihiya ako ay pinilit kong lakasan ang loob ko. Sinubukan kong magbiro, napangiti ako sa naging resulta.

"Hindi ako marunong magbiro." Sagot niya "Ang kagandahan kumukupas 'yan pero ang mabuting puso mananatili 'yan. Kaya, natutuwa ako sa'yo e. Alam mo bang kanina pa kita pinagmasdan mula doon sa malayo. Alam mo ba kung bakit?" She asked me kaya napailing ako. "Kasi bihira na ngayon sa mga kabataan ang tumulong sa magulang. Habang papaunlad ang ating mundo ay siya naman nagpapasama sa pamamaraan ng pag-iisip ng mga bata..." She paused.

"...I mean— hindi ko naman nilahat, may iba pa namang matulungin pero mahirap nang hanapin ang mga 'yon. Pero karamihan kasi ay mas uunahin nila ang mga bagay na magpapasaya lang sa sarili nila. Hindi naman masamang humangad ng mga bagay na ikakasaya natin pero kailangan din nating isaisip na, ang lahat ng mga materyal na bagay ay lilipas lang din pero ang pagmamahal ng Diyos ay hindi mapaparam"

~•~•~•~

Days...weeks...months, ay gano'n pa rin ang pinaggagawa ko. Sa gabi ay tinutulungan ko sa school papers ang mga kapatid ko at sa umaga naman ay tumutulong ako kay mama sa mga gawaing bahay. Tinulungan ko rin si mama sa paglakabada sa mga damit nila aling Bibang. Kahit sinabihan niya akong h'wag na pero sa tuwing makikita ko siyang nag-iinat ng katawan ay sinasalo ko na ang trabaho niya. Tanghali na ako laging nagpupunta sa terminal kahit papaano ay naging masaya ako sa pagbebenta ko. Marami na akong nakikilala, at naging suki ng mga kakanin ko.

"Manang, inaabangan niyo talaga ako lagi dito" nakangiti kong salubong sa ale na ngayon ay nakasakay na sa wheel chair niya. "Para naman 'tong bago. Limang buwan na tayong laging nagkikita dito tapos ngayon ka pa magreklamo"

Bahagya kong itinulak patalikod ang wheel chair niya dahilan para panlisikan niya ako ng mata. Nginisihan ko lang siya. "Gaya ba ng dati, uubusin mo?" Tanong ko rito.

"Ano pa nga ba?" Pagtataray ng ale sa 'kin kaya napatawa ako. Ibinalot ko lahat ng kakanin at ibinigay sa kaniya ang paper bag. I'm so lucky na nakilala ko ang gaya ni Mrs. Roxas. Halata namang mayaman siya dahil sa mamahali niyang alahas na minsan ko ng nakita sa loob ng bag niya pero kahit anong gawin ko sa kaniya ay hindi talaga siya aamin kaya hinayaan ko na lamang. Nagpaalam na akong umuwi na pero pinigilan niya ako.

"Take it" nakatulala ako habang palipat-lipat ang tingin sa bond paper na nakatupi na mabilisan niyang inilagay sa kamay ko at sa kaniya habang pinagulong ang wheel chair niya papunta sa itim na van.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon