Chapter 2

220 12 3
                                    

"Alli, gising na!" Naramdaman ko ang pagyugyog sa'kin ni mama pero di ko idinilat ang aking mga mata. "Alli, isa! Kapag di ka gumising talaga ang kuya mo na ang papaakyatin ko rito!" Napalikwas ako no'ng marinig ko 'yon.

"Mama naman! Alam mo naman kung paano mang-gising ang isang 'yon" pilit ko pang minulat ang mga mata ko na inaantok pa rin. Hinila naman ni mama ang buhok ko na nagpasimangot lalo sa'kin.

"Missy! Kapag ako napikon sa tulog mantika mo bubuhusan talaga kita ng mainit na tubig" napatayo ako at naglakad papasok sa banyo. Alam kong galit na siya dahil tinawag na niya ako sa unang pangalan ko. Agad akong naligo at pagkatapos ay bumaba na.

"Mare, dali na nag-umpisa na ang klase niyo" basa ko sa text galing kay Uni.

"Paano mo nalaman, aber?"

"Sinabi sa'kin ni Zai. Magkatabi lang naman kayo ng building e. Kaya h'wag kang kupad. Dito na!" Di ko na sinagot ang mensahe baka mas magalit pa si mama sa'kin, kung makita niya akong hawak ang cellphone imbes na umalis na.

-

Lakad takbo ang ginawa ko. Mas lalo pa akong nainis kanina no'ng nagkaroon ng traffic sa daan papunta rito kaya mas lalo akong nalate.

"Mare, hintay!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin. "Ang bilis mong tumakbo" malakas na sabi niya habang nagswipe ng ID niya.

Hinintay ko siyang makalapit sa'kin bago hinila ang buhok saka binatukan. "Ang lakas ng loob magsabi ng late na ako e ikaw pala 'tong nahuli sa'ting dalawa"

"Alli naman!" Reklamo niya at lumayo ng kaunti sa'kin "Hindi naman talaga tayo late, sadyang maaga lang talaga silang pumasok" dahil sa katwiran niya ay napatawa ako at nawala ang kaba ko.

Kung ito ba naman lagi ang kasama tuwing late, di ka ba matutuwa. Tama nga naman si Unika, kung di sana sila maagang pumasok edi wala sanang late na studyante.

"Late is better than never!" Sabay naming sabi. Napahalakhak pa kami bago nagdesisyong pumasok na sa kanya-kaniyang building. Napailing pa ako habang naglalakad.

Di pa ako nakapasok sa loob ng room nang may nakapukaw ng atensyon ko. His smile makes my heart beat faster kaya napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Unang beses ko itong naramdaman sa buong buhay ko kaya napangiti ako.

Ito ba ang sinasabi nilang love?

"Pasok na"

"Wait lang"

"Aba! Miss Morales, mag-uumpisa na ako sa klase ko" napaharap ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ng guro namin "Anong sandali lang, kailangan ba na ako pa ang mag-adjust para sa'yo"

"Ito naman si ma'am. Biro lang po. Sinabi kong wait lang kasi, pagod ka pa pag-akyat dito kaya nais kong magpahinga ka muna saglit" pang-uuto ko pa. Putek! Muntik na akong tumalon dahil sa gulat. Si ma'am talaga, panira!

Sumulyap ako doon sa soccer field pero wala na sila. Saan ko kaya 'yon ulit makikita? Hays, kung di lang to dumating si ma'am, nakita ko pa sana kung saang building 'yong papasok.

"Wag mo kong bulahin, Morales." Napasimangot naman ako "Pasok ka na bago kita palayasin sa section ko" nagmadali naman akong sumunod sa kaniya baka tutuhanin pa e. Mahirap na.

Habang nagtuturo si ma'am tungkol sa mga untensils ay nakangiti lang ako habang inaalaala ang mukha niya. Unang beses 'tong nangyari kaya di ko alam kung tutuhanan na ba to o infatuation lang.

Kaya, no'ng dumating ang oras ng tanghalian ay ako ang unang lumabas sa room. Tinalon-talon ko na lang ang hagdanan para mas mabilis akong makababa.

Agad kong nilibot ang paningin sa bawat building nagbabaka-sakaling makita ko ulit siya kahit na imposible dahil naka uniform siya pero bigo ako dahil halos maubos na ang mga studyante ay wala akong nakitang siya.

Laglag ang balikat ko no'ng nagtungo ako sa cafeteria kung saan hinahanap ako ng mga kaibigan ko. I smiled at them na minsan ko lang ginagawa.

"Ang haba ng nguso natin mare, Anong meron?" Tanong ni Uni.

"Napagalitan ka ba dahil late ka?" tanong din ni Xy habang inilabas ang mga baunan at inarrage 'yon sa mesa pati ang akin ay kinuha din ni Yhel.

"Yup" sagot ko na lang. Actually, di naman big deal talaga kapag makita ko siya ulit ngayon o hindi dahil in the first place ay di naman namin kilala ang bawat isa.

Nakikinig lang ako sa usapan nila tungkol sa mga nangyari sa mga kaibigan ko.

"Xy, sino 'yung lalaking kausap mo kanina?" Pang-uusisa ni Ylona na naging dahilan sa pagtigil ko sa pagsubo at inabangan ang maaring sagot ni Xy.

"Si Owen" nahihiya pang sagot nito. Nakita ko rin kung paano namula ang pisngi nito. 'Di lang pala ako ang nakakita ng beautiful creatures pati rin pala si Xylem.

"Mag-iingat ka sa mga lalaki" paalala ni pa ni Yhel.

"Nakipagkilala lang naman 'yon. Ano ba kayo, walang malisya"

"E, bakit ka nag-e-explain?" Tanong ni Uni na may pang-aasar. Natawa na lang kami dahil sa di pagsagot ni Xy, at pinuno ang bibig sa pagkain.

"Alli" mahinang tawag sa'kin ni Zai. Di 'yon napansin ng mga kaibigan namin "May kanina pang nakatingin sa'yo" nguso niya sa likuran ko. Napakunot pa ang noo ko at unti-unting lumingon. Nagtama ang tingin namin, kasabay ng panlalaki ng mata ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko no'ng bigla itong ngumiti sa'kin. Nagmadali akong umiwas dahil pakiramdam ko ay sobrang pula na nang mukha ko. Halos 'di ko na mahawakan ng maayos ang kutsara't tinidor na kanina ko pa hawak. 'Di ako mapakali dahil pakiramdam ko ay nakatiig pa rin siya sa'kin.

Narinig kung mahinang napatawa si Zai kaya sinamaan ko siya ng tingin. Baka marinig pa ng mga kaibigan ko at asarin pa ako. Nakakahiya 'yon lalo na't nasa likuran namin sila. Tatlong mesa lang ang pagitan mula sa kinauupuan namin.

"Oh, Alli. Ayos ka lang?" Tanong ni Uni, no'ng napansin niya na para akong bulate na nilagyan ng asin.

"Natatae ka ba? Samahan kita sa banyo" pagkukunwari pa ni Zai. Sa dami ng pwedeng sabihin, 'yon pa talaga. Tinawanan niya lang ako no'ng mahina ko siyang pinatid sa ilalim ng mesa.

"I'm okay" sagot ko. Mabuti na lang at di na sila nagtanong ulit sa'kin at bumalik na lang sa pagkain.

Muli kong nilingon ang lalaki, nag-uusap sila magkakaibigan at nagtatawanan pa kaya mas nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan siya. Maputi na balat, may pulang labi saka makapal ang kilay. Naka-sideview siya kaya kitang-kita ko ang maliit na itim na hikaw sa kanang tainga niya na bumagay sa kaniya. Napatulala ako sandali no'ng sinuklay pa niya ang buhok gamit ang sariling darili. Nagmadali akong umiwas nang tingin no'ng lilingon siya. Nakasalubong ko pa ang tingin ni Zai at ang kaniyang kalokang ngiti. At ang mapanuyong tingin ni Ylona na iniwasan ko.

Kaibigan ko sila at dapat ko 'tong sabihin pero nahihiya ako. Sapat lang muna sa ngayon na si Zaina lang ang nakakaalam.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon