Chapter 14

74 5 0
                                    

"May kumalat na picture sa social media, Alliah. What was that for?" Salubong sa'kin ni mama pagka-pasok ko pa lang. Expect ko na'ng mangyayari 'yan. Kaya 'di na ako nagtaka pa. "Bakit mo siya kaharap at binastos mo pa?"

"He's just nothing, ma. H'wag na nating pagtuonan ng pansin ang bagay na'yan" nilampasan ko si mama at pumunta na sa kwarto ko para magbihis pero sinundan pala niya ako.

"Alliah, pinalaki ko kayo na h'wag gumanti.  Ilang ulit kong pinaintindi sa inyo na ama niyo siya at may mga kapatid kayo sa iba"

"Kahit ayaw naming tanggapin e, wala kaming magagawa, ma. Nakagawa na siya ng kasalanan pero hindi ibig sabihin no'n na mapapatawad ko na siya" nakita ko ang pag-iling ni mama. Ayaw niya talaga sa mga ganito.

"Palayain mo ang galit sa puso mo, Alliah. Ayaw kong mabuhay ka na taglay pa rin yan. Unti-unti ka ng lumalaki, ayaw kong mahirapan ka. Ama mo siya, kahit bali-baliktarin mo, kahit itanggi mo pa sa buong mundo, ama mo siya at 'yon ang totoo" nagtuluan na rin ang mga luha ko. Aaminin kong galit ako sa kaniya, di ko nga alam kung paano ko siya mapapatawad. At ang mas lalo pang nakakasakit sa'kin ay ang mga sinasabi niya sa'kin. Alam kong nagulat lang siya dahil nakita niya ako roon pero ibig bang sabihin gano'n siya kasama kapag ang iba ang kaharap niya lalo na kapag di nila ka level sa estado ng buhay?

"H'wag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo, anak. Pinalaki kitang mabait at mapagmahal. 'Wag mo sana 'yang makakalimutan" 'yan ang huling sinabi ni mama bago ako iniwan sa loob ng kwarto ko. Ayaw ko siyang mabigo, ayaw kong makita ulit na umiiyak siya. I love her so much, tama na ang ama ko ang naging dahilan ng mga luha niya.

Sa gitna ng pagkatulala ko sa kawalan ay ang pagtunog din ng aking cellphone. Kusang umangat ang gilid ng labi ko.

"Baby" napakagat labi ako no'ng banggitin niya ang salitang 'yan. Ilang beses na niyang tinawag sa'kin 'yan pero bakit parang bago pa rin sa pandinig ko. "Sagutin mo naman ako" malambing niyang ani. "May nagawa ba ako? Dali na, usap tayo"

"Ang cute pala ng boses mo" banggit ko.

"Galit ka ba sa'kin?" Tanong niya at 'di pinansin ang sinabi ko. Umiling pa ako na para bang nakikita niya. "No, wala ka namang nagawang kasalanan sa'kin"

"Gusto kitang makita" sabi niya. Ang dali namang manglihis ng topic ng isang 'to. "Puntahan kita diyan sa inyo" sabi pa niya.

"Gabi na, Yuhan. Matulog ka na"

"Ayaw mo ba akong kausap?" Napapikit ako sa boses niya.

"G-gusto" narinig kong tumawa siya ng mahina. "Usap muna tayo kahit sandali lang"

"Sige. Kumain ka na?" I asked.

"Kakatapos ko lang, ikaw ba? Kung hindi pa kumain ka muna tapos tawag ako ulit" natawa naman ako.

"Kakain lang ako h'wag mong patayin" naglakad ako palabas ng kwarto at nagpunta sa kusina. May nakalagay pang note sa mesa galing kay mama.

"Kain ka na, kumain na ako. 'Di tayo bati kaya ikaw ang maghugas ng plato"

Napatawa ako dahil sa nakasulat sa sticky notes na nakadikit sa mesa.

"Anong nakakatawa? May kasama ka bang iba?" Nakalimutan kong may kausap pala ako.

"Wala. Ako lang ang nandito, tulog na si mama"

"E, bakit ka tumatawa?"

"Binasa ko ang notes ni mama" natahimik siya "Kailan pala ang game ninyo?" Tanong ko.

"Next month, July 17 yata" napangiti ako at tumango-tango. "Manunuod ka ba?"

"Hmm... Depende kung may mag-imbita...pero baka makapunta ako kasama ang mga kaibigan ko" kasali kasi ang boyfriend ni Xylem sa lucky five.

"Baby, manuod ka. Pampalakas loob" paglalambing niya. "Sige, basta libre mo ako" pagbibiro ko sa kaniya.

"Sige ba. Kung payag ka ngang tumira kasama ako. Ayos lang sa'kin"

"Siraulo ka! Bakit ka kasi nagcondo? May bahay naman kayo ah"

"Ang ingay ni mommy e. Kapag uuwi ako imbes sila ni dad ang magtabi, sa'kin nakikisiksik"

"Na miss ka lang niya. Baka malayo rin ang ibang mong kapatid sa'yo" bumuntong hininga siya at natahimik sandali.

"Hindi rin. Wala akong kapatid e" nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. "Gusto nga ni mommy magkababy pero 'di na pwede. Bigyan kaya natin siya ng baby"

"Siraulo ka!" Malakas siyang napatawa. Kahit na wala siya sa harapan ko ay nahihiya ako. Hindi talaga ako sanay na ganito ang usapan.

"Nagbibiro lang ako pero kung gusto mo edi, bigyan natin"

"Tumigil ka!" Tinawanan niya lang ako.

"Sorry baby ko pero sadya 'yon"

Kung anu-ano lang ang napa-usapan namin habang kumakain ako. Tawang-tawa pa ako kung minsan ay nagjo-joke siya. Hanggang sa natapos akong maghugas ng plato ay nagdoon pa rin siya kahit minsan ay wala ng kwenta ang pinagsasabi niya pero hindi ako nagsasawang pakinggan ang mga 'yon.

"Good night baby ko. Matulog ka na ah. H'wag kang magpuyat masama 'yan sa kalusugan mo. See you tomorrow"

"Good night Yuhan" ako na ang nagbaba ng tawag at hinyaan ko na ang sarili na makatulog.

Nagising ako kinabukasan no'ng tumunog ang alarm clock na nasa gilid ko. Tumangon ako at inihanda ang sarili para sa pagpasok sa paaralan. Nadatnan ko si mama sa sala na nanonood ng cartoons. May hawak na tasa sa kaliwang kamay habang ang isa naman ay ang tinapay na nasa bibig niya.

Lumapit ako sa gawi niya pero 'di ako nagsalita. Alam kong kasalanan ko ang nangyari kagabi kaya nahihiya ako ngayon sa kaniya.

"Kumain ka na. Baka malate ka sa skwela" nahimigan ko pa rin ang tampo sa boses niya kaya unupo ako sa tabi nito at nakinood ng tom and jerry.  "Sabi ko kumain ka na"

"Ma naman, mamaya na. Na-miss ko ang dalawang 'yan" turo ko pa sa screen na nasa harap namin.

"Pumasok ka na, manuod ka na lang sa youtube, marami do'n"

"Sorry" pagsuko ko.

"Hanap ka kausap mo" napairap ako. Ang attitude naman ng ina ko. Paano ko ba 'to susuyuin?

"Seryoso kasi ako ma. Sorry kasi nagpadala na naman ako sa imosyon ko. Hindi ko naman sinasadya 'yong nangyari e, saka 'di ko rin naman alam na nando'n pala siya" paliwanag ko. Hindi rin naman talaga alam na siya pala ang isa sa mga stakeholders ng BAU. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Mayaman siya e.

"Hindi naman mahalaga sa'kin na nando'n siya o wala Alliah. Ang sa akin lang ay... H'wag mo siyang bastusin sa harap ng maraming tao—"

"Ma naman! Parang siya pa itong kinakampihan niyo" reklamo ko sa kaniya. Bakit para ako pa ang mali?

"Alli, hindi sa kinakampihan ko siya pero naisip mo ba ang maaaring mangyari sa ginawa mo? Ikaw lang din ang mapapahamak anak. Makinig ka sa'kin Alli. H'wag na 'wag mong ilalagay ang sarili mo sa kapahamakan, lalong lalo na ang pangarap mo" at pagkatapos na sabihin ni mama 'yan. Umalis na siya at iniwan akong nakatulala doon.

Sa galit na nararamdaman ko sa sariling ama, nakakalimutan kong isipin ang pangarap ko para kay mama. Aaminin ko na sa ngayon na sobrang mali ang ginagawa kong pagbastos sa kaniya dahil sa ginawa ko ay panigurado mahihirapan akong abutin ang pangarap na kailan ko lang binuo.


The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon