"Alley, na saan si mama?"
Nadatnan ko siyang nando'n sa sala nagsusulat sa notebook niya. Nilapitan ko siya at nakisilip sa ginagawa niya. Agad niya itong itinago sa ilalim ng notebook niya at inupuan ito.
"What's that? May I see"
Umiling siya at ngumiti sa'kin. Sinalubong ko naman ang kilay ko.
"Ate, Missy. I miss you!" Agad na tumakbo sa'kin si Xianne. Kaya sinalubong ko rin ito ng yakap. "Ate tumawag pala si kuya Xy, kanina"
"Oh, anong sabi? Kailan daw siya uuwi?" Umiling ito. Halatang walang alam kung kailan. "Kapag nakita ko talaga 'yan!? Naku! Talaga baka mabasag ko na ang bungo niya. Hindi man lang nagpaalam na aalis siya at nag-iwan pa siya ng problema"
"Sinubukan ko na pong tanungin ang mga kaibigan niya baka alam po kung na saan"
"O, anong sabi?"
"Wala daw din silang alam"
"Naku! Yang Miguel na 'yan. Susuntukin ko talaga kapag nakita ko ang pagmumukha niya" gigil na saad ko.
"Ate may isa pa po pala. Nag-email sa'kin si mommy. Pinapauwi niya po ako sa bahay" napatingin kami ni Alley sa kaniya.
"Anong ang sagot mo?"
"Sabi ko hindi. Ayaw ko ng bumalik sa kaniya. Wala siyang kwentang mommy sa'min. Nagkasakit si daddy dahil sa kaniya pati kompanya dinamay niya"
Niyakap ko si Xianne. Naramdaman kong galit talaga ang nararamdaman niya para sa ina. Mahirap naman talaga magpatawad lalo na kapag gano'n ang nagyari. Malaki na rin kasi si Xianne no'ng malaman niya lahat kumpara sa'kin na mula bata pa ang ipinaintindi na ni mama sa'kin lahat. Nagalit lang ako sandali pero ngayon wala na pero hindi ko lang siya kayang harapin lalo na ngayon may nangyari na naman.
"Maiintindihan mo rin lahat. Kung bakit nangyari 'yan sa'tin. Labing lima ka pa lang Xianne, bata pa. Kaya, h'wag mo muna intindihin ang problema natin sa pamilya. Chase your dreams, Xianne ipakita mo sa taong nang down sa'yo na kaya mo"
"Thank you ate. I'm sorry about noon" napatawa ako. Ilang ulit na kasi siyang nanghingin ng sorry sa'kin dahil no'ng nagpunta ako sa bahay nila ay tinarayan niya daw ako.
"It's okay"
Dumating si mama galing pala kila Aling Bibang nanghingi na naman ng mga pananim. Mabuti talaga at nagkasundo na itong dalawa.
"Ma, ako na ang maghuhugas ng plato. Mukhang pagod na pagod ka ah"
"Naglalaba kasi ako kanina. Ganito talaga siguro kapag nadagdagan na ang edad, sumasakit na ang mga buto" napatawa naman ako.
"Umupo ka na lang diyan" sumunod naman siya kaya ako na ngayon ang nagbanlaw sa mga plato.
"Kumusta pala ang paghahanap mo ng trabaho anak."
"Nakaraos din po, Ma. Sana matanggap para makatulong ako rito"
"Pasyensya ka na. Ikaw itong naiipit sa mga problema sa pamilya natin. Ang kuya mo kasi e, may asawa na"
"Ayos lang po 'yon Ma. Malapit ko na pong matupad ang pangarap ko para sa inyo. Magtatayo po ako ng sariling restaurant at sariling bahay para po sa inyo"
"Anak, h'wag kami ang lagi mong isipin. Isali mo rin sa pangarap mo ang bumuo ng sariling pamilya"
"Darating din po ako dyan. Sa ngayon po ay kayo muna."
"Baka tatanda ka ng dalaga niyan" tumawa kami ng sabay. Nagpunas ako sa kamay ko at umupo sa katapat na kinuupuan ni mama.
"Ayaw ko ma! Gusto ko magka-anak kahit isa, sayang ang lahi natin" I joke.
"Paano ka magkakaanak kung wala kang ipinakilala sa'ming boyfriend mo at sino ba yang sinasabi ng mga kaibigan mo na mahal na mahal mo hanggang ngayon?"
"Mahal? Hindi na ah. Masaya na siya sa iba, Ma. Ayaw ko ng guluhin pa"
"E ikaw masaya ka bang nakikita siyang hawak na ng iba?" She ask me. Natigilan ako sandali. Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong pero hindi ko masagot ng deritso. "Halatang hindi pa"
"Hindi ko alam, Ma. Nagkita kami kanina, pero hindi ko alam kung may spark pa ba" pag-amin ko sa kaniya.
"Kung napatawad mo agad si Ylona, bakit siya hindi? Galit ka pa ba sa kaniya?" Huminga akong malalim. Na hot seat ako ni mama e, mahirap na 'tong makawala. Hindi kasi ako titigilan ng isang 'to kapag hindi ako sasagot ng maayos.
"Magka-iba naman kasi si Ylona at si Yuhan, Ma"
"Oo nga, napatawad mo si Ylona kasi mahal mo siya dahil kaibigan mo. Subukan mo ring hanapin diyan sa puso mo si Yuhan. H'wag kang maging unfair sa kaniya anak. Mahal mo siya hindi ba? Edi 'yon ang gawin mong dahilan para mapatawad siya"
"Pero ma, sinaktan niya po ako—"
"Sinaktan ka rin naman ni Ylona ah pero napatawad mo siya." Parang may bumara na maraming tinik sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita dahil tama si mama.
"P-paano po kung saktan niya ulit ako?" Mahina kong tanong sa kaniya. Parang hindi ko na makakaya kung maulit pa.
"Laging kong sinasabi sa'yo na lagi kang mapagpakumbaba, Alliah. Kapag nagmahal ka hindi naman maiiwasan masaktan. Laban lang ng laban kapag maramdaman mo diyan sa puso mo, na wala na siya. Na hindi na siyang ang laman niyan. Edi doon ka pa sumuko. Hangga't si Yuhan pa ang tinitibok ng puso mo, edi lumaban ka at magpatawad pa."
"Salamat ma"
"May bayad 'yan. Libre mo kami ng ice cream" napatawa naman akong tumayo at naglakad palabas. Binilhan ko sila ng ice cream. Pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto
Naalimpungatan ako, kaya napagdesisyunan kong magpunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagkabalik ko ay napansin kong nakabukas pa ang ilaw sa kwarto ni mama. Napatingin ako sa relo ko. Alas dos na ng madaling araw. Humakbang ako papunta sa kwarto niya.
Habang papalapit ako ay mas naririnig ko ang mahinang hikbi, mas lumapit pa ako doon. Nakabukas ng kaunti ang pintuan kaya sumilip ako roon. I saw my mom crying...again. Ilang ulit ko na tong nakita pero hindi ko lang pinapansin pero ngayon, gusto ko siyang yakapin pero natatakot ako. Natatakot akong malaman niyang alam ko.
Si mama kasi yong tipong 'di niya ipapakita sa'min na may problema. Kahit halata pa yan kung kaya niyang lusutan, lulusutan niya 'yan na di namin nalalalman.
Kahit labag sa loob ko ay mas minabuti kong bumalik na lamang sa kwarto. Hindi na ako nakatulog kaya naglalaro na lang ako ng helix jump sa cellphone ko. Nag-open rin ako ng facebook account. Sunod-sunod na nag-pop up ang mga messages sa gc naming magkakaibigan.
Napatawa na lang ako sa mga nickname na nakalagay sa'min. Parang mga tanga pa kami sa mga panahong 'yon.
Medyo babae:
Bakit gising ka pa?
Napaayos ako ng upo dahil nagchat si Yhel.
Ako:
Naalimpungatan ako, tapos hindi na ako makabalik sa pagtulog
Medyo babae:
Uminom ka ng gatas. Ako kasi papatulog na
Ako:
Ngayon pa kayo natapos sa training? Grabe ah parang bampira ang trip niyo. Gising sa gabi, tulog sa umaga.
Medyo babae:
Nasanay na ang katawan ko sa ganitong set up. Nakakaaliw pala
Napatawa ako dahil sa reply niya. Nakakaaliw ha? Really? Ibang klase talaga tong si Yhel mag-isip e.
Ako:
Sige. Tulog ka na. Baka pagalitan ka na naman ni doc
Medyo babae:
H'wag mo ng ipaalaala, gago ka!
Naglog-out na ako para matulog.
BINABASA MO ANG
The lost Recipe
Teen FictionUnbreakable Series 1 ~•~•~•~•~ Loving someone is fun, not until he/she accidentally broke your heart. Meet Alliah the girl who loves the captain of Lucky Five. Is she lucky to have him o she's not, because of loving hi...
