Chapter 25

82 3 0
                                    

"Alli, pupunta  kami ngayon sa ospital. Sabay ka na lang sa'min" sabi ni Xy.Sa kabilang linya.

Umupo muna ako sa gilid ng kalsada habang nakikipag-usap sa kaniya. Hinilot ko pa ang paa ko, kanina pa kasi ako lakad ng lakad.

"I'm sorry Xy. Pakibulong na lang sa kaniya na hindi ako makakasama sa inyo ngayon"

"It's okay, Alli. Hindi rin naman makakapunta si Yhel dahil may training siya"

"Salamat sa pag-intindi—"

"Ano ka ba, ayos lang. Nandito naman si Uni at Ylona e. Mag-focus ka na lang muna sa paghahanap mo ng trabaho"

"Si Zaina ba hindi mo kasama?" I ask her.

Namiss ko na talaga ang mga 'to. Hindi na kasi gaya noong high school pa lang kami ay lagi kaming magkakasama. Ngayon ay mas malinaw na sa'min kung ano ang top priority ng bawat isa kaya naiintindihan namin.

"May exam daw ang mga studyante niya. Kaya wala siya. Bye,Alli papasok na ako sa room niya"

"Ingat kayo, Xy"

Ipinasok ko muna ang cellphone ko sa loob ng bag. Muli kong hinilot ang paanan ko dahil sa sobrang sakit. Kahit pagod na ako ay minabuti kong tumayo ulit at naglakad. Hindi maayos ang ginawa kong paglakad at halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan no'ng may biglang bumusina sa gilid ko.

Napalingon ako sa isang mamahaling itim na kotse na nasa tagiliran ko. Hinintay ko lang na ibaba niya ang salamin.edyo nagulat pa ako sa taong nakita ko sa loob. Diretso ang tingin niya sa paa ko.

"I'm okay" agad na sabi ko.

Napatingin ito sa'kin gamit ang seryoso niyang mga tingin.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Wala ka pang dalang payong! For god sake, Alliah. Tirik na tirik ang araw"

"Ano bang paki mo?" Inis na tanong ko sa kaniya at lumakad ulit.

Bakit ba siya nandito? Imbes buhay niya ang aatupagin bakit nandito na naman siya. Kung napadaan lang siya edi sana hindi na siya huminto pa.

"Get in"

"Umalis ka na. Kaya ko ang sarili"

"Get. In." Madiin niyang sabi sa'kin.

"Umalis ka na"

"What the— get in, Alliah!" Inis na sabi niya at binusenahan pa ako ulit. Pati tuloy ang mga tao sa tabi ng kalsada ay nagulat. Kung hindi lang dahil sa mga mapanuring tingin ng mga tao, hindi ako sasakay sa kotse niya. Hindi naman siya nagreklamo no'ng sa backseat ako umupo.

Pinagcross ko ang dalawang braso, pinaandar naman niya ang kotse niya. Tiningnan ko siya ng masama sa rear view mirror.

"Don't look at me like that, Alliah." Banta niya sa'kin kaya inirapan ko siya.

"Sinabing ayos lang ako e. May ilang minuto na naman ulit akong na sayang"

"Sayang na lang ako para sa'yo ngayon"

"H'wag mo kong umpisahan, Mendez. Ibaba mo na lang ako sa sakayan ng bus"

Natahimik naman siya. Mabuti naman, ayaw kong may maungkat na naman hindi na dapat hinuhukay. Tahimik naming nilakbay ang kalsada. Kinuha ko na lang ang requirements ko at tiningnan 'yon isa-isa. I really hope talaga na matanggap na ako this time. Ayaw kong maging pabigat kila mama. Marami na nga ang problema tapos dadagdag pa ba ako?

"Ngayon ka pa lang ba magtatrabaho?" He ask me.

"What do you think?" I ask him back and that makes him sigh.

"Akala ko kasi after graduation, magtatrabaho ka na. Mabuti naman at naisipan mo munang magpahinga. Hindi biro ang maging isang cook, kaya ikaw h'wag kang masyadong magpagod. Uminom ka rin ng fresh milk para may panlaban ka sa sakit"

"Dinaig mo pa ang isang nutritionist sa mga sinasabi mo" sagot ko sa kaniya.

Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman sa pagiging concern niya bigla sa'kin. Malaki na rin naman ako para mag-assume kaya binaliwala ko na lang lahat ng mga sinasabi niya.

"I'm serious Alliah. Hindi ka ba natutulog? Ang laki na ng eyebags mo" puna niya na naman.

Kinuha ko naman ang phone ko at tiningnan ang hitsura ko. Tama siya malulusog na ang eyebags ko. Buti pa ang eyebags ko malaki samantalagang ang dibdib ko... Nevermind.

"Pati ba naman 'to napapansin mo? Wala naman kasi 'to, pinag-ipunan ko ang mga 'to" nakahanda na akong buksan ang pintuan dahil natanaw ko na ang sakayan ng bus pero nagtaka ako dahil pinaharurot ni Yuhan ang sasakyan niya paalis sa dakong 'yon.

"Lagpas na tayo Yuhan" wika ko sa kaniya habang nilingon ang sakayan.

"I know."

"Sabi ko naman sa'yo na doon lang ako bababa!" Inis na sabi ko sa kaniya at inalog-alog pa ang pintuan na naka lock.

"Wala naman akong sinabi na papayag ako" hinampas ko ang hawak kong mga folder sa kaniya. "Nagmamaneho ako!" Reklamo niya kaya napatigil ako. Ayaw ko pang mamatay. Kaya umupo na lang aki ng maayos.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Kidnap for ransom po ito" inirapan ko siya. Siya lang din naman ang tumawa sa joke niya. "Kidding"

"Ibaba mo na lang ako rito, late na ako ng isang oras sa interview ko!" Inis kong sabi sa kaniya. "Hindi ako nagbibiro, Mendez. Marami akong gagawin pa ngayong araw kaya, pwede ba ibaba mo na ako!"

"Kain muna tayo ng tanghalian tapos ihahatid kita sa pupuntahan mo"

Tumahimik na lang ako at hindi sumagot. Gaya ng sabi niya ay kumain kami sa isang korean restaurant. Siya lang ang pinag-order ko dahil sobrang mahal ng mga menu nila dito. Akala mo gold pero worth it naman kasi ang sasarap.

"Kailangan mong kumain ng marami. Dapat ang mga kinakain mo ay 'yong mga masustansya." Ayan na naman po siya. Nilagyan niya ako ng mga pagkain kulang na lang isubo niya 'yon sa'kin. Napatingin lang ako sa ginagawa niya habang patuloy akong pinapaalalahanan sa dapat kong kakainin.

"Ako na nga. Di na ako bata" inagaw ko sa kaniya ang chopstick at nag-umpisang kumain. Habang sumusubo ako at bigla akong natigilan no'ng may dumaping tissue sa gilid ng labi ko.

"Hindi ko alam na hanggang ngayon ay parang bata ka pa ring kumain" sabi niya. Sandali akong akong natigilan dahil sa ginawa niya. Bakit ba siya ganito ngayon.
"Kain ka pa ng marami para ganado ka sa interview mo"

Natapos kaming kumain at gaya ng sabi niya inihatid niya ako sa Young's Restaurant na medyo malapit lang din sa BAU.

"Salamat sa paghatid" sabi ko bago ko siya tinalikuran. Nakakain na kami dito dati no'ng birthday ni Ylona. Kaya medyo kilala na ako ni manong guard.

"Hello manong" bumati naman siya pabalik sa'kin at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok muna ako sa cr para agusin ko ang sarili ko. Minsan lang akong gagamit ng salamin kaya napatawa ako no'ng makita ko ang hitsura ko. Para akong galing sa pakikipaglaban dahil sa sobrang gulo ng buhok ko.

Inilagay ko ang bag ko sa may lababo saka hinalungkat para hanapin ang suklay na hiniram ko pa kay Xianne. Nakakatawa man ikwento pero nanghiram talaga ako sa kaniya bago ako umalis kanina ng mga gamit dahil sa totoo lang simula pa no'ng high school ako ay wala akong kamuwang-muwang sa ganyang mga bagay.

Nag-umpisa akong suklayin ang buhok ko. Mabuti na lang at may dala akong hair pin kaya 'yon na lang ang ginamit ko para hindi matakpan ng buhok ko ang mukha ko. Nilagyan ko ng kaunting pulbo ang mukha at saka liptint ang labi para namang hindi mahalata na namumutla ako dahil sa kaba.

The lost RecipeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon